10

36 2 0
                                    

Medyo naguluhan ako sa tanong ni Grey sakin, kaya hindi ako nakasagot agad. Lumandas din ang kamay ko sa kamay n'ya na ngayon ay nakahawak sa bewang ko para tagtagin ito habang nakatingin sa naguguluhang mukha ni Arrow na ngayon ay nakatitig lang kay Grey.

Shit, ano ng gagawin ko? Paano nalang kung nasabi ni Grey sa kanya yung totoong nangyari? Hindi pwede, nakapagsinungaling na ako kaya hindi ko na pwedeng bawiin yon. Malay mo maisipan pa ni Arrow isumbong ako kay kuya pag nagkataon.

Nang hindi ako narinig ni Grey na sumagot ay muli siyang nagsalita. "Kyle, answer me." Bulong niya uli. Ano bang dapat kong isagot? Na nahulog ako? Tsaka bakit ganan kase yung tanong n'ya eh akala mo bully si Arro- Ah.

"W-wala! Nag-sala lang paa ko, wala namang ginawa si Arrow. He's my friend kakabalik n'ya lang from Palawan." Paliwanag ko. Tumingala pa ako ng bahagya para lang tignan s'ya sa mata. "So, can you now let go of me?" Pahabol ko pa habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa kanya.

Nakita ko namang nanlaki ang mata n'ya bago marahas na bawiin ang kamay sa bewang ko. "Right." Ibinigay niya rin yung payong na hawak n'ya sakin at umatras papalayo ng kaunti. Nagtaka pa ako noong una dahil binigay niya pa talaga sakin yung payong pero sa huli ay napangiti nalang ako sa kanya. Though alam kong medyo nababasa na s'ya ng ulan dahil sakin, pero hindi ko nalang ito pinansin. Pake ko ba?

Bumaling ang paningin ko kay Arrow dahil gusto ko silang ipagkilala sa isa't isa pero ito ngayon si Arrow, nakasimangot parin habang nakatingin kay Grey. Hindi ko pinansin ang itsura nya at sa halip ay bumuntong hininga nalang bilang pagsasawalang-bahala sa kung anong problema n'ya, bago ituloy ang plano kong gawin.

"Arrow, si Gr-" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bigla ng sumingit si Arrow. Gusto ko pa nga sanang magalit pero ng itinuloy n'ya lang yung sasabihin ko ay bahagya rin akong nagulat.

"Grey... Cooper?" Saad niya.

"Kilala mo sya?" Hindi ko na napigilan ang sarili sa pagtatanong kahit na obvious na kung bakit n'ya kilala si Grey. Famous si Grey diba? Pero good thing ba 'to o hindi? Pero parang alam ko na ang sagot. Sa mukha palang ni Arrow mababasa mo na hindi n'ya gusto ang taong tinitignan n'ya ngayon.

"Yes, unfortunately... Yes." Madiin nyang sagot sa tanong ko habang hindi parin inaalis ang titig kay Grey. Binaling ko ang tingin ko kay Grey na ngayon ay nakangisi lang. Nilalabanan n'ya rin ang tingin ni Arrow sa kanya. Akala ko nga ay mag-aayaw pa sila pero salamat naman at pinutol na ni Grey ang titigan nila sa halip ay binaling nalang n'ya ang tingin sakin.

"I have to get going. Take care huh? At magpalit ka ng damit mo bago kayo pumunta sa mga pupuntahan n'yo. Tapos mag pa-follow up check up ka sa malapit na Center, kahit sa Hospital na pinuntahan natin kanina, that'll be better." Sabi n'ya sakin. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa kanya, kase gustong gusto ko na talaga syang umalis. Alam kong pag nagsama pa tong dalawa ng medyo matagal pa ay baka mag-away pa mga ito. Hindi ko alam kung bakit ko alam yon, pero feel ko lang.

"Yeah...and thank you sa pagdala sa folder ko. Ingat rin." Sagot ko sa kanya. Handa ng kumaway ang kamay ko pero muli s'yang nagsalita ngayon ay tuluyan na syang lumayo sa silong ng payong na hawak ko, kaya marahan ko lang itong hinatak papalapit ng kaunti sakin bago s'ya magsalita.

Aba sa kanya tong payong tapos s'ya ang nabasa? Baka pag nagkasakit pa s'ya ako pa ang masisi ng magulang nya. Ayoko pa namang ma-barangay. Good boy ako ngayon eh, iniiwasan ko kase si satanas... Magpaka-banal muna tayo ngayon. Baka hiwalayan ng grasya sa midterm eh.

"And one last thing, make sure you're not planning on attending School tomorrow."  Pahabol n'ya pa talaga. Aba ano bang pake n'ya. Alam kong sinabi n'yang s'ya nga ang hahatid at susundo sakin, pero may sasakyan naman ako. Kung hindi s'ya maaabala, edi wag. Hindi ko naman talaga gusto yung condition na yon eh. Pero anong magagawa pumayag na daw ako sa gusto n'ya kaya kung gusto ko daw mawalan ng pake sakin ang mga tao kailangan ko daw gawin ang gusto n'ya.

Akin Where stories live. Discover now