Kaya habang nandito kami sa office ng General manager ng branch na 'to at pinapagawa ko sya ng resume ko para maipakita kay Miss Gregorio. Nakaupo ako sa swivel chair ng GM at nakatingin sa magandang tanawin sa labas ng salaming bintana nitong office nya.

"Over qualified ka kapag nilagay lahat ng educational at training backgroud mo dito Cal," saad nya. "Tapos encoder yung inaapplyan mo."

"Para mangilabot naman sya bakit nya ko binagsak sa interview." muryot ko. Napatawa sya. Friend sya ni Mommy kaya sanay na sya sakin.

"Masasampal ka talaga ng Mommy mo kapag nalaman nyang si Daphne talaga yung tinitrip mo ngayon dito." saad nya at paglingon ko sa kanya ay naiiling sya habang busy pa din sa pag gawa ng resume ko.

"Di ko sya tinitrip noh.... wala lang talaga akong lakas ng loob magpakilala..." pag aamin ko. "Wala kang pagsasabihan nito."

Napahinto sya at napatingin sakin na para bang inaaral nya yung reaksyon ko.

"Gosh! You like her?" natatawang saad nya. Napalunok ako at napatayo. Maalaska ako nina Kaia kapag nalaman nila ito.

"The hell! Don't you ever dare to...." banta ko

"Yeah! ofcourse! Gusto ko din na magtino ka noh! Kawawa si Roian sayo." simangot nya at pagkaprint ng resume ko ay iniabot nya sa akin iyon. Sinunod nyang lahat ng ibig ko na ilagay sa resume na 'to.

...

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kakapalan ng mukha para makalapit at tuluyang makapasok sa buhay nya. Kapag nalaman nya yung ginawa kong pagkukubli sa kaibigan ko malamang kasuklaman nya ko sagad sa langit.

Itatama ko ang lahat..... gagawin ko ang lahat para maitama iyon.

"Please huwag po kayong magpanic..." natatarantang bulong ko at awat ko sa mga magulang nya nang unang beses akong tumuntong sa bahay nila. Sobra hilakbot nila dahil kung masigawan ako ng anak nila. Sinabi ko sa kanila na hayaan si Daph na ganun sa akin dahil gusto ko syang maging komportable kapag malapit ako sa kanya.

"Jusko baka makagalitan kami ng mga magulang mo.... hindi mo kailangan gawin ito hija..." parang naiiyak sa takot yung Mama nya. Hinawakan ko yung magkabilang kamay nya at marahang pinisil iyon. Napangiti ako sa kanya.

"Ayos lang po talaga. Magpapakilala din po ako sa kanya." saad ko sa kanila. "Ayoko lang po na mailang sya sakin."

Hindi ko din maintindihan yung sarili ko bakit nagkakaganito ako sa kanya na sukdulan pati yung mga magulang nya ay dinamay ko sa kahibangan ko na 'to!

Binibili ko lahat ng paninda nila dahil ramdam ko na naaawa sya sa mga magulang nya regarding sa gastusin at yung mga kaibigan ko ay pinagawa ko ng dummy account para manuod ng online selling namin sa paninda ng Mama nya.

Tawang tawa ako deep inside habang pinapanuod ko sina Kaia na nag uubos ng chocolate na paninda ng Mama ni Daphne.

"Malalasing ako kapag ganito... wine at chocolate..." anas ni Ishan.

"Nanakit na yung ngipin ko..." mahinang reklamo ni Kaia. "Masasakal na ko ng dentist ko..."

"Gusto ba ito ng Mama nya?" tanong ni Riyon habang nakatitig sa chocolate na hawak nya.

Nakatingin lang ako sa kanya and I know that look, gusto din nya makabawi kay Daph. Iniisip ko palang na lalapit sya kay Daph ay ginagapangan na ko ng selos. Madami nagkakagusto dito eh.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now