Tumango lang ako bilang tugon at hinayaan siyang magpatuloy sa pagsasalita.

“She couldn’t have survived another year of her life without you.”

“It’s not just because of me, Tita. Pati po kayo ay nagsisilbing lakas ni Nelle,” nakangiting saad ko.

“I know. Pero iba pa rin ang lakas na ibinibigay mo sa kanya sa araw-araw na hindi ka umaalis sa tabi niya,” pahayag niya. “Paul, maybe this is so selfish for me to ask, but will you do me a favor of staying with my daughter until the time her body gives up?”

“Tita.”

“I know, hindi ko dapat iniisip na mangyayari iyon. Pero that’s the truth, Paul. I know, sooner or later, she’ll leave us. I am prepared for that but I am not sure I can easily accept it if it ever happens,” malungkot na pahayag niya. “Paul, promise me you’ll stay with my daughter.”

Without having the chance to think things through, I found myself replying with “Yes, Tita. I promise.”

END OF FLASHBACK

Nagpaalam agad ako kay Mhina na aalis na kami ni Nelle at humingi na rin ako ng pasensya dahil nasira ang birthday party niya at ang supposed to be reunion nila.

Hindi naman talaga kami dapat pupunta doon ni Nelle ngunit mapilit si Nelle at gusto raw niyang makita si Mhina. Dahil sinabi naman ni Mhina na hindi makakapunta si Aaliyah ay pumayag na akong pumunta kami ni Nelle sa bahay nila. Ngunit hindi ko naman inaasahang naroon pala siya.

Hindi ko rin inaasahang masasabi ko na kami na ni Nelle dahil hindi naman iyon totoo. Mas masakit para sa akin ang ginawa ko dahil hindi ko man lang nabigyan ang sarili ko ng chance upang ipaliwanag ang lahat sa kanya. Masyado akong naduwag na baka hindi niya maintindihan.

FLASHBACK

“Kamusta ka na?” tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

 “I’m good,” tugon niya. Halatang-halata ko ang pilit na pagsasalita niya nang tuwid. Alam ko, Aaliyah. Alam ko kung gaano kahirap at kasakit ang nararamdaman mo ngayon dahil halos triple niyan ang nararamdaman ko ngayon.

~ We both know that I shouldn't be here. This is wrong and baby it's killing me it's killing you. Both of us trying to be strong. ~

“That’s great!” pilit ang ngiting saad ko. “I heard na sa Harrison ka din nag-aaral.”

“Oo.”

~ I've got somewhere else to be, promises to keep. Someone else who loves me. And trusts me fast asleep ~

Tumingin ako sa mga mata niya at pilit na binalewala ang sakit na dulot ng mga tingin niyang iyon sa akin.  “Well, see you around, I guess?”

Nakita ko ang pagpunas niya sa mga mata niya bago muling nagsalita. “Magaling na pala si Nelle. Good for her.” Huminto muna siya sandali at tumango na lang agad. “Mauna na ako.” Naglakad siya sa gilid ko at hindi ko naman napigilan ang sarili kong hawakan siya at damhin kahit na sandali ang gaan ng loob na dulot sa akin ng pagkakalapit ko sa kanya.

“Mag-iingat ka.”

Naglakad na rin ako papasok sana sa bahay nila Mhina nang matigilan ako dahil sa biglang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

God, huwag po, please. Ang hirap po sa pakiramdam na nararamdaman ko ang yakap niya na tila ayaw na akong pakawalan. Ayoko rin naman po siyang pakawalan pero kailangan.

Pilit kong inalis ang mga kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin ngunit lalo pa niyang hinigpitan iyon dahilan upang lalo akong mahirapan na pakawalan siya.

~ I've made up my mind. There is no turning back. She's been good to me and she deserves better than that. ~

“Totoo bang kayo na? Sabihin mo namang nananaginip lang ako, oh. Sabihin mo namang hindi totoo iyon.”

“Mahal ko si Nelle.” Pinilit ko ang sarili kong sabihin iyon sa kanya kahit na alam kong hindi iyon ang totoo.

“Mahal mo rin ako, ‘diba?”

Oo, Aaliyah. Mahal kita. Mahal na mahal.

Huminga ako ng malalim at ginawa ang lahat ng makakaya ko upang humarap sa kanya at tignan siya sa mga mata niya. Bago ako sumagot sa tanong niya ay pilit ko munang inalis ang mga kamay niyang nakayakap sa akin. Hinayaan niya naman akong gawin iyon.

“Hindi kita mahal, Aaliyah. Hindi kita nagawang mahalin kahit na noon pa man. Tulad nga ng sabi ni Nelle noon sa’yo, everything I showed you was just for fun.”

~ It's the hardest thing I'll ever have to do. To look you in the eye and tell you I don't love you. ~

“Hindi. Hindi ako naniniwala!” pasigaw at punung-puno ng galit na tugon niya. “Alam kong mahal mo ako. Alam kong nagsisinungaling lang si Nelle noon. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon, ‘diba?!”

“I didn’t know you will be this stupid. I didn’t know na hanggang noong umalis ako ay umaasa kang totoo ang lahat ng ipinakita ko sa’yo. Aaliyah, maging masaya ka na lang para sa amin.”

~ It's the hardest thing I’ll ever have to lie. To show no emotion when you start to cry. ~

“Sa tingin mo gano’n kadali ‘yon?! Do you really think I can just say that I am happy for the both of you and wish that may your relationship last forever?!” Pinilit kong huwag maiyak at ipakita sa kanya na hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi niya at lalo na sa pag-iyak niya. “Do you really think na I was just a stupid girl para paniwalaan lahat ng kasinungalingan mo?! Paul! You made me feel so special and loved! Tapos sasabihin mo na stupid ako kasi naniwala ako sa’yo?! Who wouldn’t believe na mahal mo ako when all you do is show me that you care for me?! Who wouldn’t think na totoo ang lahat ng iyon kung ako mismo, naramdaman ko ‘yong pagmamahal mo na sinasabi mong kasinungalingan lang?! Paul! I’ve waited for almost two years para lang makita at makasama ka. I’ve waited for you to come back and prove your promise of chasing me again!”

“Hindi ko sinabing hintayin mo ako.”

~ I can't let you see what you mean to me. When my hands are tied and my heart's not free. We're not meant to be. ~

“Naghintay ako kasi nangako kang muli kang tatakbo para habulin ako. Naghintay ako kasi ‘yon ang gusto ko. Naghintay ako kasi naniwala akong babalikan mo ako!”

Alam ko, Aaliyah. Maging ako ay naghintay rin sa araw na babalik ako sa’yo. Maging ako, naniwala sa sarili ko na babalikan kita. Dahil iyon ang totoo, pero hindi pa ngayon ang panahon. May mga bagay pa akong kailangang ayusin… mga pangakong kailangan kong tuparin.

“Naghintay ako kasi naniwala ako na mahal mo ako!” Napaupo na siya sa sahig at kahit na gusto ko siyang tulungang tumayo at yakapin ay hindi ko magawa. Pilit ko ang sariling tiisin siya. “Naghintay ako kasi mahal kita, Paul,” mahinang saad niya na tama lang upang marinig ko. “Mahal kita.”

Mahal din kita, Aaliyah. Sana alam mo ‘yon.

 “Kalimutan mo na ako, Aaliyah.”

Huwag. I have to take back what I’ve just said.

“Sana nga ganoon lang kadali iyon, Paul. Sana nga paggising ko bukas, wala na lahat ng sakit. Sana paggising ko bukas, hindi na kita mahal. Pero masakit isipin na gusto mong kalimutan na kita kasi alam mong hindi ko ‘yon kaya!”

“Iyon lang ang hinihiling ko sa’yo ngayon.”

“Huwag mong hilingin sa akin ang isang bagay na alam mong imposible!”

“Umuwi ka na,” saad ko at pinilit ang sariling talikuran siya.

Mahirap, Aaliyah. Napakahirap mong talikuran dahil alam kong sa mga oras na ginawa ko ito, ilang libong kilometro na naman ang nadagdag sa daanan ko upang muli kang mahabol.

~ It's the hardest thing i'll ever had to do. To turn around and walk away pretending I don't love you. ~

END OF FLASHBACK

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Where stories live. Discover now