Kabanata VII

224 11 0
                                    

“Ako!” malakas na sigaw ni Sir Osmeña at pagkatapos ay tumama sa kaniyang pinagdikit na braso ang puting bola. Tumalbog ito paitaas ngunit hindi ito dumiretso sa direksyon kung saan dapat ito mapunta.

As soon as Drei realized that the ball had been misreceived, he ran toward where it would fall. He jumped with his hands in the air and tossed it to where Sir Ngalot was. His feet imperfectly landed, and it caused him to lose his balance. Ralf noticed, and he wanted to approach Drei, but he knew that it wouldn't be the best thing to do.

The set wasn't perfect, and for Sir Ngalot, who's literally an amateur, not to mention his physical agility, he missed the chance to hit the ball. It was too high, and Sir Ngalot's jump wasn't enough to reach it. Hindi naman talaga perpekto ang pagpasa ni Drei, pero sapat na iyon para matamaan. Iyon nga lang, kinapos sa kaniyang pagtalon si Sir Ngalot.

“My fault,” pag-ako ni Drei pagkatapos nitong tumayo. Ipinahid niya pa ang dalawa niyang palad sa kaniyang shorts dahil may mga duming dumikit doon.

Hindi naman mapigilan ni Sir Osmeña ang sarili niya sa katatawa. Mahina pa nitong binatukan si Sir Ngalot kahit pa ilang taon ang tanda nito sa kaniya.

“Bakit naman kasi sa senior mo ipinasa?” tanong ni Sir Osmeña na npapatakip pa sa kaniyang bibig habang tumatawa.

Inangat ni Drei ang kaniyang jersey dahilan para makita ang tiyan niyang hitik na hitik ng butil-butil niyang pawis. Pagkatapos niyang iangat ang kaniyang jersey ay napahawak siya sa garter ng shorts niya saka inayos ang pagkakasuot nito. Lahat ng iyon, nakita ni Ralf. And to be precise, Ralf saw every detail of what Drei did.

“Dapat kasi, sa pro mo pinasa. Tiyak na sapul ang pagmumukha ng sasalubong sa bola na iyon,” katuwiran naman ni Sir Ngalot sabay turo kay Ralf.

Napahawak lang si Drei sa kaniyang baywang at hindi man lang sinundan ang daliri ni Sir Ngalot.

Bigla namang napahawak sa net ang isang player ng kalaban nila at humarap kay Ralf. “Sir, have mercy on us. Binagsak mo na nga kami sa subject mo, pati ba naman dito.”

Tumawa lang si Ralf saka napatingin sa labas. Madilim na. Sa kaniyang hula ay nasa alas siete na.

“Sa tingin ko ay sapat na 'tong practice natin. Bukas naman siguro ulit,” suhestiyon ni Ralf.

Bigla namang tumakbo palapit sa kanila si Drei. Galing na ito sa bench kung saan nila iniwan ang gamit nila. Hawak-hawak na niya ang kaniyang relo.

“Kailangan na talaga nating umuwi. Mag-a-alas seis na.” Pinakita niya ang relo niya sa mga kasama. Limang minuto na lang bago mag-alas siete.

*****

“Ano'ng nangyari, Sir?” tanong ni Ralf sa kararating lang na si Sir Ngalot. He's definitely late for his class, but his movements lack the sense of urgency. May mga idinikit sa kaniyang braso at ang lakas ng amoy ng efficascent oil na ipinahid nito sa katawan. Napatakip pa nga sa kanilang ilong ang iba nilang kasamahan.

Napapapikit si Sir Ngalot saka napabuntong-hininga. Napahawak siya sa kaliwang braso saka pinaikot-ikot iyon.

“Sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng appliances ni misis habang tulog ako,” sagot nito saka dahan-dahang naglakad papunta sa table niya.

Sir Osmeña raised his hand to get Sir Ngalot's attention. “Sign of aging na 'yan, Sir.”

Hindi alam ni Drei kung matatawa o maaawa siya sa ikinikilos ni Sir Ngalot. He felt like it was illegal to laugh. He shifted his attention to the paper he was checking. His white teeth peeked through his curved, thin lips when he wrote his student's score. It's so rewarding knowing that his student managed to get a high score.

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon