Chapter 2

10 1 0
                                    

- Panahon ng mga Kastila -

         Sa gitna ng kagubatan ay makikita ang isang tagong kubo. May dalawang babaeng naninirahan sa kubong ito. Ang isa ay nasa tatlumpo na ang edad habang ang isa naman ay nagdadalaga palamang. Bagaman hindi galing sa marangyang pamilya, hindi maikakaila ang taglay na kagandahan ng magkapatid na ito.

         “Liway, alam ko kung saan ka nagtungo kanina.” Matigas ang boses na ani nung mas nakatatanda. “hindi ba’t sinabi ko sa iyong huwag lalabas ng gubat, paano kung nakita ka ng mga kastila? Alam mo namang nga halang ang kanilang mga kaluluwa!” patuloy pa nito habang natatarantang nakatingin sa labas ng bintana upang tingnan kung may mga paparating ba sa takot na baka nasundan ang kapatid patungo sa kanilang kubo.

         “huwag ka ngang matakot, Tala. Sinubukan ko lamang tingnan ang buhay na mayroon sa labas ng kagubatang ito.” Pagpapaliwanag nito. “At nasisiguro kong walang nakakita sa akin, maliban na lamang diyan sa itim mong ibon na palagi mong inuutusan para masdan ang aking mga galaw.” Dagdag pa nito habang itinuturo ang itim na ibon na nasa balikat ng kausap. Baga man walang emosyon ang mukha nito ay mababanaag sa boses nito ang inis dahil sa patuloy na pangingialam ng kapatid sa kaniya.

        “pinoprotektahan lamang kita, Liway.” Saad ni Tala. “Mas ligtas tayo sa lugar na ito, bakit mo paba ninanais na makita ang buhay sa labas ng kagubatang ito, ang buhay na alam nating pareho na kahit kailan ay hindi natin magigisnan? Nais mo bang magsilbi sa mga kastila at alipinin ng mga demonyong iyon!?” saad ni Tala sa mataas na boses. Napatungo lamang si Liway dahil sa mga narinig. Kahit naman kasi naiinis siya sa mga sinasabi ng kapatid ay hindi niya maipagkakailang may katuturan ang mga tinuran nito.

         “ano ba, Liway... alam nating pareho na kahit pa sabihing hindi tayo gagalawin ng mga kastila kapag nagpakita tayo, hindi parin tayo maaaring makihalubilo sa mga tao.” Nanghihinang saad ni Tala. “kahit kailan, hindi.”

         Tiningala ni Liway si Tala upang makita ang mukha nito. “ikaw lamang ang hindi Tala, sapagkat  hindi ko pinag-aralan ang mala-demonyong mahikang iyan!” sigaw ni Liway saka umalis at iniwan si Tala na lumuluha

- Present time -

I have died everyday waiting for you,
Darling don’t be afraid I have loved you
For a thousand years
I love you for a thousand more.”

Nang huminto ito sa pagkanta ay hinawakan nito ang mga kamay niyang nakayakap dito.

“this is my gift for you, Happy Birthday Avryl..”- Kellan

          Mag-lilimang taon na rin matapos mapanaginipan ni Avryl ang unang taong nagparanas sa kanya ng napakaraming first time. First time kantahan ng Birthday song, first time bigyan ng gift at higit sa lahat first time na nagpakita sa kanya ng pag-aalala kahit na bago palamang silang nagkikita. Too bad he only existed once and only in a dream. In her dream.

         Hindi na niya halos maalala ang mukha nito at ang mga detalye ng panaginip niya. Well, she was 12 years old back then. Pilit niya itong inaalala para hindi niya makalimutan ang lahat. Iniisip niyang kahit produkto lamang iyon ng kaniyang imahinasyon, isa parin iyong magandang alaala. Ilan sa mga natatandaan niya ay ang boses nito, ang pagiging arogante at ang pagiging mabait nito sa kanya. Hindi niya na maalala ang mukha nito. Sa tuwing iniisip niya ang mukha ni Kellan ay malabong mukha nito ang nakikita niya. Pero hindi niya makakalimutan na gwapo talaga ito. Too bad, she can’t remember his face anymore.

         Sa mga panahong ganito napapalalim ang pag-iisip niya tungkol sa binata. Sa tuwing nalalapit ang kaniyang kaarawan. Doon kasi nagsimula ang lahat. Doon niya mas pinipilit na alalahanin ang binata.

BOUND TO YOU (Curse Series Book 1: Curse of the Blood) Där berättelser lever. Upptäck nu