Chapter 1

8 1 0
                                    

THE FIRST EVER

- - - - - - - - - - - - - - -

        “ARAY!!!” anang isang dalagita matapos siyang matisod sa isang bato. Mababanaag sa mukha nito ang palatandaang nasaktan ito dahil sa nangyari. Tumayo ito at tiningnan ang tuhod na nasugatan dahil sa nangyari. Mabuti nalang at hindi masyadong malakas ang pagbagsak niya kundi dumugo na naman ang tuhod niya pero ganun paman ay masakit parin iyon.

        “nasaan ba kasi ako?” kapagkuwan ay sabi nito sa malungkot na boses. Inilibot niya ang kaniyang paningin pero ganoon parin ang nakikita niya magmula pa kanina, nagtataasang puno at mga damo na aabot hanggang sa beywang niya.

        Nag-aalala na siya sa mga maaaring mangyari kapag hindi siya nakabalik kaagad sa bahay nila. Kung talagang matatawag nga niyang bahay ang kinalakhan niyang mansiyon na iyon. Nasisiguro niyang isang malutong na sampal na naman ang ibubungad sa kaniya ng mommy niya na wala nang ibang ginawa kundi bantayan ang mga pagkakamali niya. Minsan tuloy ay naitatanong niya sa sarili kung talaga bang wala na siyang ibang nagawang tama sa paningin ng mommy niya. Minsan na din niyang naitanong kung talaga bang anak siya nito.

        Tumayo siya mula sa kaniyang kinalulugmukan at nagsimulang maglakad. Ang tanging ilaw niya ay ang buwan na ngayon ay kulay dilaw, malaki at bilog na bilog. Ipinalibot niya ang paningin sa pag-asang may maaninaw na bahay o tao na maaari niyang mahingan ng tulong. Kung siguro’y namamasyal lang siya ay magugustuhan niya ito lalo nat tahimik at naaalala niya ang isa sa mga kinawiwilihan niyang palabas sa korte ng mga puno at mga damo,  ang Twilight.

        Hindi ito angkop sa edad niya dahil dose anyos palang siya subalit wiling-wili siya rito. Napahinto siya sa paglalakad nang makakita ng isang lawa na napakaganda. Lumapit siya rito at manghang-manghang napatingin sa punong malapit dito. Napapalibutan ng mga maiilaw na alitaptap ang puno kaya naman kaakit-akit ito sa paningin. Akmang lalapit pa siya sa lawa nang biglang umihip ang napakalamig na hangin na waring may kaakibat na boses. Isang panaghoy na nagpatayo sa halos lahat ng balahibo niya sa braso kaya napayakap siya sa sarili. Nuong unay wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito subalit matapos ang ilang sandali’y may nakuha siyang iilan.

............................................................

Subalit ang magtagpo’y  kailanma’y hindi magagawa.

At kung sakali na sila’y magkadaop ng palad man,
Ang galak ay rendahan,
Ang kasunod ay paghandaan.

Sa pagpikit ng kaniyang mga mata,
Presensiya’y laging makikita.

Palaging magkakasama,
Subalit ang magtagpo’y  kailanma’y hindi magagawa.

At kung sakali na sila’y magkadaop ng palad man,
Ang galak ay rendahan,
Ang kasunod ay paghandaan.

Isang hiwa ng punyal sa aking palad,
Kapalit ng isang hiwa sa kaniyang kapala-
..................

       Hindi siya natapos sa pakikinig dahil mula sa gitna ng lawa ay may lalaking bigla nalang lumabas. Inuubo pa ito marahil dahil sa kakulangan ng hangin. Mabilis din ang paghagilap ng hangin nito. Sino ba kasing naliligo sa isang lawa sa ganitong oras?

        “damn, the water’s freaking cold!” anito sa naiiritang boses. Mababanaag sa pananalita ng lalaki ang accent nito na indikasyon ng pagiging dayuhan nito. Kapansin-pansin din ang magara nitong panunuot, indikasyon na ito ay galing sa marangyang pamilya.

BOUND TO YOU (Curse Series Book 1: Curse of the Blood) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora