UNANG KABANATA

0 0 0
                                    


SHARLYN


~1987~

Halos mapipi na yung pwetan ko dahil sa tagal kong nakaupo sa tricycle. Halos dalawang oras din akong nakaupo kaya nung pagkatayo ko at paglabas sa tricycle ay nangawit yung binte ko.

Binuksan ko ang pitakang kinuha ko sa bulsa ko at kinuha ang isang daan na buo "Manong ito po yung bayad ko" Iniabot ko sa kamay ng nagmamaneho ang bayad ko.

"Maraming salamat iha" Agad niyang linagay yung perang iniabot ko sa kahera saka ipinaandar na niya ang sasakyan saka umalis.

"Eto na yata iyon" Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang malaking mansyon na nasa harapan ko.

May kalumaan na yung mansyon, siguro sa tantiya ko mga daang taon narin yata ito. Yung daan parang di nawawalisan tapos parang abandunado narin toh.

Paghawak ko sa tarangkahan ay agad itong bumukas.

'Bakit di nakasara?'

Pagpasok ko sa tarangkahan ay pinagmasdan ko yung paligid. Napalibutan ng mga puno yung mansyon kaya medyo may kadiliman yung lugar, isa pa sa napansin ko ay ang mga uwak na nagkukubli sa mga puno, marami sila.

'Bakit kinakabahan ako?'

Pagdating ko ng pintuan ay hinawakan ko ang bandang dibdib ko saka bumuntong hininga.

'Ang bilis ng pintig ng puso ko'

Pagkatok ko ng pintuan ay ang pagsabay din ng lakas ng pagkabog ng dibdib ko.

Walang sumasagot, tanging lagaslas ng dahon ng puno at ang ingay ng mga ibon lang ang naririnig ko.

Sa pangalawang katok ko ay pinagbuksan na ako. Bumungad sa aking ang isang lalaki na mukhang kasing edad ko lang.

Matangkad siya na moreno,singkit ang mata at nakasuot siya ng puting sando at naka pantalon.

"Sino ka?" Malamig niyang boses parang ayaw yata sa akin.

"A-ako nga pala si Sharlyn. Ikaw siguro si Carlo" Iniabot ko ang kamay ko para makipag kamay pero tinignan niya lang ito tapos tumingin ulit sa mga mata ko nang malimig ang tingin "ako nga pala yung magtuturo saiyo" Nerbyoso kong dagdag na salita sa kanya.

Di siya umimik saka umalis

'Bakit parang ayaw niya saakin?'

Pagkaalis niya ay mga ilang minuto palang ang nakakalipas ay may dumating na babaeng sobrang pamilyar sa akin.

'Tita Bella...'

Lumawak yung ngiti niya nung nakita niya ako. "Sharlyn ikaw na ba yan?"

Tumango ako "Opo ti—" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya nagulat ako pero niyakap ko rin siya dahil labis akong nasabik sa yakap ni tita.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 30 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

MAPA NG NAKARAANHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin