"Lahat ay nakukuha ni Reign. Lahat ng gusto niya! Samantalang pare-pareho naman kaming naghirap pero siya palagi ang nakikita ni Boss na magaling! Mabuti pa nga mamatay na lang kayong dalawa. Ibigay mo sa akin---"

Nakita kong tinutukan niya ng baril ang pinagtaguan kong puno pero kanina pa ako wala doon dahil habang dumadaldal siya ay nagawa kong makatakbo.

"...Seya huwag kang magtago!!! Ibigay mo na sa akin yan, malay ko maabutan mo pang buhay ang mahal mong si Reign, papunta na sa islang kinaruroonan nila ang grupo ni Redendo. Oh di ba? Ang saya, magkikita-kita na sila roon."

Napakunot noo ako.

Si Redendo? Iyon yong target namin noong nakaraang misyon, pero nabigo kami dahil hindi namin siya nahuli. Kung ganon, matagal nang bumaliktad si Cloud sa Elite?
Hayop siya nakipagsabwatan pa siya kay Redendo!

Malamang pinapunta niya ang grupo ni Redendo sa isla ni Simon Yuson para patayin sila Reign!


Saglit akong nag-isip. Isa lang ang paraan para makatakas ako, yong sasakyan! At kailangan kong bigyan ng babala si Reign. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala rito ang phone ko, baka nasa sasakyan.


Iniiwasan kong makagawa ng ingay pero sigurado akong mahuhuli pa rin ako ni Cloud kapag mabagal ang kilos ko----- kaya mabilis akong tumakbo para bumalik ng sasakyan!

"Hindi ka makakatas, Seya!"

Sunod-sunod na putok ang pinakawalan niya. Napapayuko ako habang tumatakbo.

Hanggang sa makarating ulit ako ng kalsada pero natigilan na naman ako nang magwarning shot siya. Binaril niya ang bato sa tabi ng sapatos ko. Tinaas ko ang mga kamay ko habang hawak ang gintong maskara.


"Huwag mo nang balakin pang tumakas dahil mapipilitan akong patayin ka."

Kung mamamatay lang din ako pwes mas mabuti nang mamatay nang lumalaban!

Dahan dahan siyang lumapit.

"Humarap ka sa akin."

Sinunod ko siya.

"Ihagis mo sakin yang hawak mong maskara."

Tumango ako pero bigla kong hinagis sa mukha niya ang hawak ko. Nang iangat niya ang mga kamay niya para saluhin ang maskara ay mabilis akong tumakbo at hinawakan ang bewang niya at buong pwersa ko siyang itinumba sa lupa.

"Sh*t ka Seya!"

Mabilis kong hinawakan ang kanang kamay niya na may hawak na baril saka ako pumulot ng bato at pinukpok ang kamay niya at nabitawan niya ang hawak niya.

Nang pupulutin ko na ang baril ay hinawakan naman niya ang mga braso ko at pwersahan akong hinagis. Nang pupulutin niya ang baril ay agad akong sumampa sa likod niya at buong pwersang inipit sa kamay ko ang leeg niya. Nilocked ko ang mga kamay ko.


"Yaaaaahh!!!!"napasigaw ako ng malakas habang sinasakal siya. Inipit ko rin ang mga kamay niya gamit ang mga paa ko para hindi siya makakilos.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon