Cleanliness Is Next To...

9.2K 191 30
                                    

Malalaking hakbang ang ginagawa ni Rui habang papasok siya sa eskwela  animoy mahuhuli sa papasukan.  Sinipat niya ang kanyang relo sa pulsuhan at nakitang alas sais y media pa lamang.  Masyado pang maaga para sa pagpasok ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mukha.  Nakakunot ang kanyang noo at may gigil sa kanyang mga labi.

"Bakit ba kasi hindi ako agad nagising." Naiinis na wika ni Rui

Ilang hakbang pa bago siya lumiko ng kanto ay biglang nagdahan-dahan siya ng lakad.  Lumiit ang kanyang mga hakbang at huminga siya ng malalim.  Lumapit siya sa pader at sumilip sa kanto na tila ba isang espiya na may sinusundan. Sapat lamang na lumitaw ang ilang hibla ng kanyang buhok at ang kanyang kaliwang mata para makita ang isang may katabaang lalake na nakatalikod at tila may hinihintay.  Nahuli niya pa itong kinukulkol ang kanyang tainga gamit ang hinliliit.  Nang matapos sa pagsundot sa tainga ay tiningnan niya iyon at saka hinipan.

*Nandito na naman siya* wika ni Rui sa sarili sabay dahan-dahang umatras papalayo sa kanto.  Naisipan niyang ang kabilang daan na lamang ang tatahakin niya kahit na magiging malayo ang lalakarin niya.  Nakakailang hakbang pa lamang siya papalayo ay narinig na niyang tinawag ng may kalusugang lalake ang pangalan niya.

"Rui!"

Hindi nakagalaw si Rui sa narinig niya.  Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at naramdaman niyang nabalutan ng kilabot ang buo niyang katawan.  Gusto niya sanang ihakbang ang kanyang paa palayo sa nagtatawag sa kanya pero nanigas na ang buong katawan niya.  Lumapit ang lalake sa kanya at kinausap siya.

"Sabi na nga ba maabutan kita dito.  Maaga ka raw kasing pumapasok sabi ng kaklase mo."  Lumapit ito sa kanya  habang inaayos pa ang lukot-lukot na polo gamit ang kanyang mga palad.  Sinuklay din nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.  Halata mong gumising lang ito para hintayin siya at hindi pa nakakapaghilamos.  Nagdasal na lamang si Ruin a kung lalapit ito sa kanya para makipag-usap ay sana nakapagsepilyo man lamang ito.  Hinarap niya ang binatang tumatawag sa kanya.

"Chico, sabi ko naman sa iyo na itigil mo na ang pag-aabang sa akin. Mas gusto kong mag-aral ngayon at hindi makipag-relasyon.  At isa pa sinabi ko na noon sa iyo na wala akong pagtingin sa iyo.  Kung gusto mong may magkagusto sa iyo dapat siguro ay maging presentable ka muna." Sermon ni Rui dito.

"Pero presentable naman ako." Lakas loob na pagkakasabi nito. "Saka hindi ko naman ginugulo ang pag-aaral mo, gusto ko lang gawin ito.  Hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa na magugustuhan mo ako." Sagot naman nito.

"Chico, papasok na ako." Nilampasan ni Rui si Chico at tinahak ang orihinal na daan papuntak paaralan.  Paglampas niya dito ay langhap na agad niya ang di kanaisnais na amoy nito.  Tatakpan sana niya ang kanyang mga ilong nang hablutin ng binata ang kanyang kaliwang braso.

"Ihahatid na kita."

Napasigaw si Rui sa takot.  Noon pa man ay kilala na siyang malinis na tao at ayaw niyang nababahiran ng kahit na kaunting dumi.  Kapag nasa bahay siya at walang pasok ay mananatili lamang ito sa loob ng kanilang bahay at kung lalabas ay sandal lamang at agad ding maliligo.  Nakaka anim hanggang siyam na paligo nga ito sa isang araw.  At kadalasan ay nagtatagal siya sa paliligo kaya naman hindi mo siya masisi sa naging reaksyon nang hawakan siya ni Chico na ilang araw na yatang walang ligo.

"Bitiwan mo ako!" malakas na pagkakasabi niya.

Nagulat naman si Chico sa naging reaksyon ni Rui at nabitawan agad ang kamay ng dalaga dahil na rin siguro sa takot.  Matapos iyon ay nagtatakbo nang palayo si Rui at hindi na siya nagawang habulin ng binata.

Nang makatakbo siya ng malayo at nakasigurado siyang hindi na makakaabot pa si Chico ay tumigil siya at hinabol ang kanyang hininga.  Tiningnan niya ang braso na hinawakan ni Chico kanina, inilapit niya iyon sa kanyang ilong para amuyin.  Kahit wala naman talagang hindi kaaya-ayang amoy na naiwan doon, pakiramdam ni Rui ay marumi na ang kanyang braso.  Kinuha niya ang hand sanitizer na nasa kanyang bag at ibinuhos ang likido sa kamay at ipinahid sa braso.  Matapos iyon ay inuha ang alcohol at ganoon din ang kanyang ginawa.  Muli niyang inamoy ang kanyang braso pero makikita mo pa rin sa kanyang mukha na hindi siya kuntento sa ginawang paglilinis doon.

Pinoy Horror Stories II (Completed)Where stories live. Discover now