Tahimik lang ako. Hindi naman ako mahilig makipagkompetensiya eh. Gusto ko lang talaga na mataas ang grades ko. Kasi narinig ko minsan sa kaklase ko yung Ate niya, nag-aaral daw sa Philippine Science, may stypen (allowance) daw yun at scholar daw siya dun. Kaso masyado daw mahigpit dun. Kailangan magaling ka sa Math at Science. Kaya naman pinipilit kong maging attentive sa dalawang subjects na yan. Wala naman sigurong spelling di ba? Hehehehe.

"Louie! Ang tagal mo. Siguro nakikipagchismisan ka sa mga kaklase mo noh?" sabi ni Kuya Justin.

"Hindi. Nagbabasa lang yan ng libro," sagot ni Kuya Kurt.

"Ba't po ako sasali? Kumpleto naman na kayo ah?" sabi ko ng mapansin na kumpleto naman ang apat kong pinsan. Ano yun, lima kami?

Nakita kong may tinawag si Kuya J na lalaki.

Kaklase siguro.

"Si Aidan, kaklase ko. Si Louie, pinsan ko," pakilala ni Kuya J.

Inilahad ko ang kamay ko kay Aidan. Kasi sabi ni Tita nun pag may nagpapakilala daw na lalaki, dapat yung babae ang unang naglalahad ng kamay. Iyon daw ang formal.

Nakita kong natigilan si Aidan pero inabot niya din ang kamay ko.

"Hello Louie. Grade four ka di ba? Ang cute mo naman. Ang tangkad mo. May nililigawan ka na ba sa mga kaklase mo?" sabi nito in a friendly manner sabay tapik sa balikat ko.

Nagulat ako ng bahagya. Ba't biglang nananapik to?

"Ah, eh.." napakamot ako ng ulo.

Narinig kong nagtawanan ang mga pinsan ko.

Bakit naman? Wala namang masama na sinabi si Aidan diba?

"Hoy Aidan, babae yang si Louie ha?" sabi ni Kuya K habang sapo sapo ang tiyan kakatawa.

Huh?! Ano yun? Nilingon ko si Aidan at nakita kong nanlaki ang mga mata nito.

"Ha? Naku sorry Louie ha? Kasi naman eh, hindi nila sinabi ni J na babae ka eh. Akala ko talaga lalaki ka, kasi Louie name mo, sorry talaga!" sabi nito na tila hiyang hiya.

Pinagkamalan akong lalaki?! Nakakainisssssss!

Hindi ko siya pinansin. Nakakabadtrip ka. Pakainin kita ng bola eh.

"Kuya laro na tayo," sabi ko at tumalikod na.

Balak ko pa sanang tawagin tong Kuya dahil kaklase ni Kuya. Syempre matanda sakin ng limang taon halos. Kaso wag na lang. Nawalan na ako ng gana.

Ngiting-ngiti pa rin ang mga pinsan ko. Alam ko naman na hindi nila ako maasar dito. Sinabihan na sila nina Tita na wag akong asarin sa school.

Miss AstigWhere stories live. Discover now