Gusto niyang batukan ang sarili. Dapat pala ay tinanong muna niya ito kung ano ang gusto nitong pagkain.

"Nicolette, ano iyang nasa kamay mo?" puna ni Armie.

Napatingin din tuloy ang lahat sa kamay niya na puro band aid. Nginitian niya ang mga ito. "Medyo napaso lang ako. Ganito daw talaga kapag first time magluto. But don't worry malayo ito sa bituka." Nag-peace sign pa siya.

"Haay... Kawawa naman ang kamay mo." Kinuha ni Kurei ang paper plate na hawak niya. "At para naman hindi masayang ang pinaghirapan mo, uubusin namin ang lahat ng niluto mo."

Ngumiti siya pero hindi pa din nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Bago pa siya maiyak ng tuluyan sa harap ng mga ito ay nagpaalam na siya sa mga ito.

Mabibigat ang mga hakbang na naglakad siya palayo.

"THAT was so rude, Kuya," litanya ni Armie kay Clarence nang makaalis si Nicolette. Nakapamaywang ito sa harap niya. Hindi man magsalita ay alam niyang sang-ayon ang mga teammates niya sa sinabi ng pinsan.

Napabuntong-hininga siya. Inaamin niyang sumobra na ang pagsusungit niya kay Nicolette. Hindi nga din niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya mapigilan ang sungitan ito.

Lalo namang nadagdagan ang guilt na nararamdaman ng makita ang mga Band aid na nasa kamay nito. Hindi kasi niya alam kung paano i-handle ang kakulitan nito. Alam niyang may gusto ito sa kanya.

Sanay na siya sa mga babaeng nagpapakita ng interes sa kanya. Pero ang ibang may gusto sa kanya, kumukunot pa lamang ang noo niya ay umaatras na.

Alam niyang sumama ang loob sa kanya ni Nicolette. He saw it in her eyes. Ngunit dala ng pride ay hindi siya humingi ng paumanhin. Damn pride!

He sighed. "I'm sorry."

"Hindi ka dapat sa aking mag-sorry, kay Nicolette."

"I know."

May naglagay ng isang paper bag sa tabi niya. "Hindi kawalan sa kaguwapuhan natin ang pag-amin ng pagkakamali, 'tol."

Tiningnan niya ang paper bag na inilapag ni Kurei. He really ought to ask for forgiveness.

HINDI na mabilang pa ni Nicolette kung ilang beses na siyang bumuntong-hininga. Katatapos lang ng last subject niya para sa araw na iyon. Kung dati ay dumideretso siya sa field para manuod ng practice game ng soccer team, heto siya ngayon at pauwi na.

Natawagan na niya sina Seth at Rolando para sabihing pauwi na siya. Si Seth ay pumapasok din sa St. Rudolph bilang estudyante, magkaklase pa nga sila sa ibang subjects. Sa ganoong paraan, walang mag-iisip na binabantayan siya nito. Habang si Rolando ay ang nagsisilbing driver nila.

Iniisip niya kung ano ang susunod na gagawin para mapansin siya ni Clarence.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. She can't believe that she's going crazy because of a guy. Baka malatigo siya ni Lolo Yvann kapag nalaman nito ang ginagawa niyang kapraningan.

Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, but she can have any man more handsome than Clarence with just a snap of her fingers. May mga lalaking luluhod sa harap niya para lamang mapansin niya. Pero narito siya ngayon at nagpapakabaliw sa lalaking halos ipagtabuyan siya.

Iniisip tuloy niya kung tama ba talaga ang naging desisyon niyang magpapansin dito. Wala na kasi siyang nakukuhang positibong reaksiyon kay Clarence bukod sa pagsusungit nito.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi na niya napansin ang nilalakaran at tumama siya sa isang matigas na bagay. Nasapo niya ang nasaktang noo. Handa na sana siyang giyerahin ang talipandas na bumunggo sa kanya, ngunit biglang umurong ang tapang niya nang mapagsino iyon.

Loving The Mobster PrincessWhere stories live. Discover now