Chapter 58

14.5K 380 58
                                    

Chapter 58 - Dark Secret


1 week ago

Ricardo's Mansion


"NEGATIVE," basa ni Josefina sa papeles na hawak. Napahawak ito sa bibig at nanghihina napaupo sa couch. "Ramil! Ramil!!" tawag nito sa asawang nasa kusina lang at nagaalmusal.


Mula sa kusina ay lumabas si Ramil, kasama ang isang payat na babae. Si Kolen.


Nakita ni Ramil ang asawa na umiiyak habang may papel na awak. Nagkatinginan sila ni Kolen. Agad na nilapitan ni Ramil ang asawa at inalo. Samantalang si Kolen naman ay kinakabahang lumapit sa dalawa habang nakatingin sa papel.


Tinignan ni Josefina si Kolen at bigla itong sinugod. Sinampal nito ng pagkalakas si Kolen dahilan para mapaupo sa sahig si Kolen.


"You liar!"


"Josefina!" awat ni Ramil nang susugurin muli ni Josefina si Kolen.


"You fvcking liar! How dare you to use my daughter's identity?! Ipapakulong ko kayo ng ina mo! Mabubulok kayo doon!"


Nagsimula nang umiyak si Kolen. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nadamay lang siya dito at wala siyang kaalam-alam sa ginawa ng sarili niyang ina na si Norma. Dinawit lang siya nito! Sana lang ay nandito ang kapatid niyang si Terry.

"Josefina! What are you talking about?!" sigaw ni Ramil.


Hinarap ni Josefina ang asawa at hinampas sa dibdib ang papeles na hawak. "Negative! Negative ang blood test niya, Ramil! She's not our daughter!"


Hindi mahulma ni Ramil ang nararamdaman nang mabasa nga ang negative sa papeles. Tinignan nito si Kolen na nakaluhod at humahagulgol.


"Patawarin niyo po ako. Hindi ko po alam ang ginawa ng ina ko sa inyo at sa anak niyo. Parang awa niyo na, patawarin niyo ho ako. Dinawit lang ho ako dito ni inay."


Nagkatinginan sila Ramil at Josefina.


Bumukas ang pintuan kaya naman ay agad na napabangon sa kinahihigaan si Terry samantalang si Norma ay napalingon lang mula sa pagtitig sa kawalan.

Pumasok sila Josefina at Ramil kasama ang kawawang si Kolen na bitbit ng mga malalaking lalaki.


"Kolen!" sigaw ni Terry at pilit na inaabot si Kolen.


"Norma," pagtawag ni Ramil sa babae.


"Oh ano na? Pakakawalan niyo na kami?" ani Norma.


Bigla ay pabalang na hinagis ng mga lalaki si Kolen kay Terry at si Norma naman ang binitbit nila.


"Ho-hoy! Anong ginagawa niyo?!" sigaw ni Norma.


Awake of the Demon [COMPLETED]Where stories live. Discover now