Chapter 55

14.5K 392 42
                                    

Chapter 55 - Escape Plan



DEMETER'S POV



Bigla ay bumukas ang pintuan dahilan para magkaroon ng liwanag.


Gamit ang bakal na baril ay inihampas ng isang lalaki sa rehas dahilan para lumikha ito ng nakakainis na tunog.


Tinakpan ko ang tenga ko.


"Oy! Ano?! Buhay pa kayo? Asan na ang lider niyo? Ha?" tumawa ito ng nakakainis. Kinuyom ko ang kamao ko.


Mahigit tatlong oras din ang lumipas pagkatapos naming iplano ni Hestia ang pagtakas mamayang madaling araw. Tinignan ko ang wall clock sa tapat ng selda ko, alas-onse y media na ng gabi.


Pabalang na inilapag ng lalaki ang dalawang plato ng katiting na kanin at manok. At ang dalawang baso ng tubig bago ito lumabas.


I wont eat that, as if.


Tinungo ko si Hestia sa kabilang pwesto. "Hestia, uminom ka nalang ng tubig. Mamaya ay dadating na ang guard na babantay sa atin, hawak niya yung susi." bulong ko. Agad namang kinuha ni Hestia yung tubig at ininom, ganun din ang ginawa ko. Kinuha ko ang mga plato na may lamang ulam at kanin at tinapon itonsa sulok ng kukungan ko. Ginagawa ko 'to para hindi maghinala ang mga tauhan ni Carlos.


"Demeter!" pabulong na bulong ni Hestia.


Tinungo ko si Hestia. Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya bigla ang dalawang kamay ko. Tinignan ko siya pero nginitian niya lang ako ng maluwang.


"Kapag hindi ako nakatakas dito kasama ka, sana sabihin mo 'to kay ate Daniela kapag hindi ko na 'to masasabi sa kaniya." ngumiti ulit si Hestia. Sisigawan ko na sana siya ng magsimula nang magsalita ulit si Hestia.


Nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi ni Hestia. "A-ano?!"


Tumango siya at ngumiti ng malungkot. "Iyon ang narinig ko. Pero hoy Demeter ha! 'Wag mong ipagkakalat 'yon. Kapag namatay—"


Hinigpitan ko ang pagkakahwwak sa kamay niya. Ano bang pinagsasabi niya?!


"Huwag ka ngang mag-iisip ng ganyan, Hestia! Hindi nakakatuwa!" pabulong na sigaw ko.


Ngumiti nanaman si Hestia. "Eto naman, tinitignan ko lang naman yung mga posibilidad na mangyari pag lumabas tayo dito. Basta ha..."


Tumango nalang ako kahit labag sa kalooban ko. "Pero sana ikaw ang makapagsabi sa kaniya 'non, Hestia. Ipangako mo." mariing saad ko.


Umiling si Hestia. "Hindi ko kayang mag pangako ng hindi ako siguradong matutupad ko, Demeter. Kaya mo naman yan! Ikaw pa!" ngumiti si Hestia.

Awake of the Demon [COMPLETED]Where stories live. Discover now