Prologue

8.3K 166 4
                                    

PROLOGUE

"AND THEY lived happily ever after."

Napahikab ang limang taong gulang na si Nicolette matapos basahin ng Lola Carlota niya ang kuwento ni Snow White. She really loved fairytales. Hindi siya nagsasawa kahit ilang ulit na niyang naririnig ang mga kuwento na iyon.

"Lola, paglaki ko po, magiging princess din po ba ako?"

Bahagyang natawa ang lola niya sa tanong niya. "Yes, sweetie."

"Magkakaroon din po ba ako ng prince?"

Inayos nito ang kumot niya. "Yes, sweetheart. When you grow up you will find your prince."

Nakangiting pumikit si Nicolette. Sana lumaki na siya para makilala na niya ang prince niya. 

Loving The Mobster PrincessWhere stories live. Discover now