"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, Violet."

"Ah, basta. Hindi na ako magugulat kapag naging kayo."

"Paano naman magiging kami? We don't even like each other..." Humina ang boses ko sa huling mga salita.

"Says, who?" Nakangising tanong niya. "Kung makikita niyo lang sa ibang perspective kung anong itsura niyo kapag magkasama, ewan ko na lang kung hindi ka maihi sa kilig."

"What do you mean?"

"It's about the way you look at him, and the way his eyes twinkle when he stares at you. It's the type of look that says, 'I'm ready to take a risk, even if it means drowning and gasping for air just to be with you.' Parehas kayong gano'n..." she paused. "Ay taray! Violet Shakespear?"

I chuckled at her words. She really has her own way of being funny.

Nang matapos ang exam week ay kanya-kanya ang paghahanda ng lahat ng strands sa school. Sa lahat yata ng section ay tungkol sa halloween camping ang topic.

Isang araw bago ang deadline ng payment ako nagbayad. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasama ako dahil gusto kong magtipid at dahil feel ko ma-out of place ako roon.

I just hate big crowds and a lot of people. I am uncomfortable with noises and get easily drained when socializing with others.

Sabay-sabay kaming magkakaibigan bumili ng supply ng pagkain at ibang necessities para sa camping na magaganap sa Friday. Two days and one night kami roon kaya medyo marami ang gusto naming bilhin. Bumili pa nga kami ng chocolates at marshmallow dahil gusto namin mag smores.

Pagdating ng camping day ay nagkalat ang mga estudyante sa quadrangle. Marami rin ang bus na naka-park sa labas ng school dahil by section ang pagsakay rito.

"Guys! Instructions lang. I suggest you find yourself your camping buddy or a group of three. Ito ay para maiwasan na may mawala or maligaw. Please, look at the welfare of your partner as well."

"Sir! Sino pong magiging partner namin?" Tanong ni Jas.

"Kung sinong magiging katabi niyo sa seat. Para rin mabilis masabi kapag hindi pa nakakabalik sa seat ang katabi niyo."

I shrugged. Mukhang okay naman dahil sa tingin ko ay makakapili kami ng magiging katabi, right?

Wrong.

Maybe Alvarez was right about one thing. Assuming siguro talaga ako dahil hindi pala kami ang pipili ng upuan. May assigned seats pala based sa date kung kailan ka nagbayad.

And fuck me, magkasunod kaming dalawa ni Alvarez nagbayad.

"YAYYY! Group of three tayo!" Violet cheered when she, Cassandra, and Marcus were assigned to the three seater.

Mariin akong napapikit nang tawagin ni sir ang apelyido ko para maupo sa pang-dalawahan.

Not bad, at least nasa window seat.

"Alvarez..." he called. "Beside Miss Añasco, kayo ang partners."

"Ayiee!" Kanya-kanyang pang-aasar ng mga kaklase ko.

I just rolled my eyes at them before putting on my earset. Alvarez sat beside me with his emotionless face before tightening the hood of his jacket on his head.

Dalawang oras ang tinagal ng biyahe namin pa-Tagaytay. Kung ang mga kaklase ko ay maingay at may kanya-kanyang kwento, salungat sa amin ni Alvarez. Ni hindi ko nga binuka ang bibig ko dahil hindi ko naman ang sasabihin.

I want to talk to him naman kaso hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ano namang i-oopen kong topic?

Paglingon ko sa kanya ay nakita ko siyang nakapikit. He's probably tired kasi sa pagkakaalam ko ay anong oras na siyang nakauwi kagabi dahil sa gig nila. Nagising kasi ako kagabi dahil sa ingay ng pagbukas niya sa main door.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now