Nagulat ako nang ngumiti siya sa akin. "Okay lang, hindi naman secret na crush ko si Steven, e?"

Naging tapunan ng tukso si Alvarez dahil sa sinabi ni Angelica. May maliit siyang ngiti sa labi dahil sa pang-aasar sa kanila.

It felt like I'd been punched on my chest when I felt my heart ache.

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa biglaang pagsakit ng dibdib ko.

Buong araw ay ayon ang topic nila. Parang kalat na rin sa buong HUMSS na crush niya si Alvarez. Siya lang kasi ang naglakas ng loob at hindi nahihiyang aminin sa lahat na may gusto siya sa lalaki.

Habang ako ay hindi ko man lang nga maamin sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Bakit parang tahimik ka?" Pansin si Violet sa akin. "Hindi mo ba bet 'yung nabunot mo sa exchange gift?" Tanong niya sa akin.

Natawa ako bago bumaba ang tingin sa papel na hawak ko. Hindi naman 'yon ang problema dahil maayos naman ang nabunot ko.

"Okay naman siya."

Siningkitan niya ako ng mata.

"What's the problem? Ilang araw kang tahimik. Alam ko na hindi ka talaga pala-salita pero iba ngayon, e. Ano nangyari?" Pangungulit niya.

I sighed. I think it's time to tell her what's bothering me.

"Well, may kaibigan kasi ako 'di ba. Kaso, may kaaway siya tapos na-coconfuse siya kasi parang nagugustuhan niya na raw 'yung kaaway niya... Kaso, hindi raw pwede."

Tumaas ang kilay niya dahil sa kwento ko.

"Bakit daw hindi pwede? Sino naman nagsabi?"

"Ako—I mean, 'yung kaibigan ko. Hindi raw pwede kasi magkaaway nga sila."

"Wala naman ako sinabing hindi mo pwedeng magustuhan si Alvarez, ah?"

Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Huh? Bakit nasali kayo ni Alvarez? H–Hindi nga ako 'to, 'y–yung kaibigan ko nga."

Inirapan niya ako. "Hiraya, huwag nga tayong maglokohan. Kami lang naman ang kaibigan mo kasi 'di ba ayaw mong makipag-socialize? Wala naman kaming kaaway ni Cass, ikaw lang naman ang may rival. So, what happened?"

Sumuko na ako. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari nung gabi ng camping.

"How did you feel nung nalaman mo 'yon?"

I unconsciously smiled when I remembered his confession.

"Masaya."

"Ayon naman pala. Bakit pinipigilan mo ang sarili mong maging masaya?"

"No!" Mabilis kong sagot. "Hindi naman sa gano'n. I just don't want to like him kasi natatakot akong baka ma-distract ako sa pag-aaral. Paano kapag hindi ako naging valedictorian?"

"Masaya ka ba na hanggang diyan na lang? Na magpapataasan lang kayo ni Steb ng grades hanggang sa graduation? Kakayanin mo bang mabigat ang dibdib mo at marami kang iniisip hanggang next year?"

Natauhan ako sa tanong niya.

Ngayon pa nga lang na hindi ko maamin ang totoong nararamdaman ko ay hindi ako makapag-focus. Andyan din 'yung pait na feeling sa tuwing may ibang babaeng makakakuha ng atensyon.

"I guess you already answered your question. Kahit ano namang desisyon mo ay ayos lang sa akin. Susuportahan naman kita."

"Nalilito na ako."

Tumawa siya.

"Alam mo, sa kakapigil mo ng nararamdaman mo ay mas lalong lalalim 'yan. Baka mamaya magising ka na lang isang araw, hindi na lang pala siya simpleng gusto. Tapos, sa time na makapag-decide ka na, baka hindi na pwede kasi malay mo magkagusto na siya sa iba."

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now