28: Sorry

426 51 67
                                    

CHAPTER 28

Sorry


SCARLET POV's


I'VE BEEN through a lot of pain and hardships for the past two years because of a person. Ngayong nakita ko siya ulit, lagi kong iniisip na balewala na lang siya. Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko.

At ang buhay ko ngayon, ay sapat na sa pinangarap ko. Hindi ko na siya kailangan.

Tears pooled in my eyes as I watched my son. Nakatulog na sila ngayon. Naalala ko ang mga araw na parang bumagsak ang lahat sa akin. Mga sakit, mga luha, mga pighati at mga sigaw habang pinagbubuntis ko sila.

Malaki ang naitulong ng mga taong nasa tabi ko. Lalo na si Lolo. Hindi niya ako pinabayaan noong nanganak ako. Isang buwan akong namalagi sa lugar niya kaya alam niya ang lahat ng pinagdaanan ko. Inalagaan din ako ni Marky at ng asawa niya. Maswerte ako sa mga taong nagmamahal sa akin.

Ang malas ko lang ay nagtiwala ako sa taong hindi kayang tumupad sa pangako niya.

Pero, hindi ko magawang magsisi na nakilala ko siya dahil may dalawang anghel na dumating sa buhay ko at nagpatatag sa akin.

Dahan-dahan kong pinunasan ang luha ko at natulog sa tabi ng mga bata.

"Mahal kayo ni mommy" bulong kong sabi bago sila hinalikan sa noo.

Ayaw kong malaman ni Prince na may anak kami. Sinabihan ko na ang pamilya niya tungkol dito pero hindi sila pumayag. Pati si Dad na galit sa kanya, hindi pumayag na itatago ko ang mga anak ko.

Wala akong choice. Pero, hindi niya makukuha ang anak ko.

Pa-idlip na ako nang biglang umiyak si Primo. Dali-dali akong umupo upang kargahin siya.

"Nandito lang si Mommy... Baby..."

Biglang may kumatok sa pintuan.

"Do you need help?" nag-alalang boses ni Mommy habang naglalakad papasok. "Ako na muna sa mga bata. You need rest kagagaling mo lang sa business trip niyo" mahinahon niyang sabi habang umupo sa tabi ko b

Umiling ako. "Ayos lang Mom. Tatlong araw ko silang hindi nakasama kaya ayos lang" ngiting sabi ko.

Lumapit si Mommy. "Sige, dito na lang ako matutulog in-case magising ang isa sa kanila. Ayos lang ba?" nag-alala niyang wika.

Tumango ako. "Sige po, maraming salamat..."

"Sabi namin sa'yo ng Dad mo na dapat maghanap ka na ng yaya para sa mga bata"

"Mom, mahirap na magtiwala ngayon. Tsaka, tinutulungan naman ako ni Lisa at nandiyan naman sina Tita pati kayo" 

"Sa bagay. Mas sanay nga ang mga bata kay Lisa kaysa sa akin eh" natatawang sabi ni Mommy sa mahinang paraan.

Napatawa na rin ako habang nakatingin kay Primo. "Sana mapatawad ako ng mga anak ko"

"Hey, wala kang kasalanan"

"Mom, hindi ko sila palaging nakakasama dahil sa trabaho. Sana maintindihan nila paglaki nila" I sighed softly.

She tapped my shoulder. "Huwag mo muna isipin 'yan. Malay mo, uuwi si Prince at---" napatigil siya sa sariling sinabi. "I'm sorry, hindi dapat natin siya---"

"It's okay Mom. The truth is, I saw him at the airport kanina. I don't know what he's doing but I'm sure, kakarating niya lang galing France." I smiled bitterly.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now