21: Missing

317 56 29
                                    

CHAPTER 21

Missing

PRINCE POV's



TATLONG buwan ang lumipas. Wala na kaming natanggap na tawag mula sa di kilalang numerong iyon.

Hawak ko parin ang resulta ng pag-i-imbestiga kay Veronica Salvador. Tama nga si Scarlet. Gusto ng taong 'yon na maghiganti sa pamilya niya. Umalis ng ibang bansa ang taong 'to at doon nagpa-plastic surgery. May kasintahan siyang mayaman na isa din pala sa naging investor ng kompanya ng mga Imperial. Sobrang tuso ng taong ito. Hanggang ngayon, hindi parin siya nadadakip.

Dahan-dahan akong sumilip sa ibaba nakatingin sa labas ng bahay. Nandito ako ngayon sa may balkonahe sa ikatlong palapag. Lumipat na kami dito noong nakaraang buwan. Mula dito sa itaas pinagmamasdan ko si Scarlet habang kausap ang kapatid kong si Lisa.

Nagpasalamat ako dahil naging panatag ang loob niya sa akin. Kailanman, hindi ko nakita na naging malungkot si Scarlet sa piling ko. Sobrang saya ng puso ko dahil tinanggap niya ang buo kong pagkatao pati na ang nakaraan ko.

Kaya, hindi ako papayag na sirain ni Veronica ang buhay namin.

Lumalaki na ang tiyan niya. Lalake ang maging panganay ko. Isang pangarap na tanging si Scarlet lang ang kayang tumupad. Medyo naging maselan din ang kanyang pagbubuntis kaya hindi ko muna siya hinahayaang pumasok sa trabaho. Ako ang nag-aasikaso sa SB niya habang tinatapos ko rin ang proyekto ko. Nangako akong, ito na ang huling proyekto na tatapusin ko.

I already proposed to her last night. Kapag nakita ko na si Tyler at kapag nakulong na si Veronica, doon pa kami magpaplano sa kasal. Gusto naming magpakasal nang walang iniisip na problema.

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya sinagot ko agad ang tawag.

"Prince, tingnan mo na lang email mo. Nandoon ang files. Updated 'yon at legit. Nakalagay doon ang bagong katauhan ng taong hinahanap mo. At kung nasaan siya nakatira, pati ang business niya" tumango ako sa sinabi ni Lance.

I sighed in relief. "Thank you, Lance! Thank you, very much!"

Napatawa ito sa kabilang linya. "This is just a little thing. Paki-kamusta na lang ako kay Scarlet."

"Sige bro, salamat ulit" sabi ko bago binaba ang tawag.

Dali-dali akong pumunta sa may mesa kung saan nandoon ang aking laptop.

Pagkabasa ko sa file, napangiti ako.

"Huli ka na ngayon."

Habang binabasa ko ang impormasyon tungkol sa kanya, nagulat ako sa nakalagay.

'Natalia Salvador was her adopted daughter?!..'

Kasabwat pala ang dalawang ito. Kaya napapahamak si Scarlet dahil kay Natalia.

Naging kasintahan ni Veronica ang isa sa mayamang investor ng mga Imperial. At doon nag-iba siya ng mukha pati identity pero gamit niya parin ang apelyido niya.

'Napaka-bobo din mag-isip. Akala niya siguro, mahirap hanapin ang family name nila...'

Mabuti na lang at nalaman ni tito Lee ang tungkol dito. Isa sa mga negosyo ni Veronica ay casino. May kutob ako sa negosyo na 'to.

Pagkatapos basahin ang mga impormasyon, naisipan kong tawagan ang kaibigan kong pulis.

"Joven, I need your help. Ise-send ko sa'yo itong dokumento tungkol kay Veronica"

"Noted bro. Babalitaan na lang kita sa mangyayari.."

"Maraming salamat"

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum