"So, hindi ka na babalik dito sa France?" she asked again.

Walang pag-aalinlangan akong tumango. "Oo. Gusto kong tuparin yung pangako ko sa babaeng mahal ko.." bigla siyang napatawa kaya natahimik ako.

Tumigil siya. "I'm sorry, I can't help it. Iyan din sabi sakin ng kaibigan ko. Well, two years lang kitang nakilala at mas kilala ka ng babaeng mahal mo kaya wala akong laban... hehe" biglang may pagkadismaya sa boses niya.

Napailing ako. "Avery, I appreciate your kindness and feelings towards me but, you know how much I love my fiancé."

"Of course I knew it. Hindi naman kita aagawin eh. Tanggap ko na noon pa. Hindi ka nga sumasama sa amin tuwing may party eh. Focus ka talaga sa mga sinasabi ng prime minister sa inyo. That's why I admired you. Pero no worries, I already accept the fact that you couldn't reciprocate my feelings." nakangiti parin siya habang nagsasalita.

Tumango ako. "Thanks for your understanding. You know, there's someone for you there who's just waiting. Remember, choose a man not a boy. Okay?" ngumiti siya at napatawa ulit.

"My gosh, Mr. Cortes! Ang galing mo talaga eh noh? Kaya sige, gagawin ko yang sinabi mo. At... heto pala..." may kinuha siya sa loob ng kanyang bag.

Dali-dali ko iyong kinuha. "Saan mo 'to nakita?"

"Hayst! Hindi mo na ba naalala? Tinapon mo yan sa basurahan two years ago. Buti na lang nakuha ko agad at tinago ng mabuti."

Diko napigilan ang sarili kong tumalon sa tuwa. "Thank you! Sinadya ko itong tinapon pero noong binalikan ko, wala na. Kinuha mo pala"

"Oh, wala akong kasalanan diyan ah! Pasalamat ka kinuha ko."

I tapped her shoulder. "Thanks, Avery."

"Oo nga pala, may grand party mamaya sa palace. Ayaw mong pumunta?"

Umiling ako. "Sapat na sakin na pumunta sa presscon. Babalik na ako ng Pilipinas." ngiting sabi ko.

"Alright, mag-ingat ka sa biyahe. Kapag nakarating ka doon, tumawag ka kay Mr. Blanco kasi kasamahan mo yun"

"Sure. Ingat ka rin." paalam ko bago tuluyang umalis ng building.

Habang naglalakad, nasa lumang cellphone ko ang aking tingin. Hindi pa ito gumagana.

"Princeeee!" napa-angat ako ng tingin.

Nasapo ko ang aking noo. Agad kong nilagay sa aking bulsa ang cellphone.

'Damn. Nandito mga kasamahan ko sa trabaho...'

"Are you going home to the Philippines now?" tanong ng Pranses kong kasamahan.

I nodded. "Yes, I need to be with them. You'll know how much I want to see them."

Lumapit sila sa akin at tinapik ang aking balikat. "We will miss you bro"

Ginulo ng isa ang buhok ko. "Bro, damn it!"

Tumawa siya. "Sei ancora bello" pagbibiro nito gamit ang sariling wika.

Kaibigan kong Italiano, si Kris. Ang sabi, gwapo parin daw ako.

'Wala namang pinagbago...'

"Goodbye friend. Until next time. I hope you can imagine coming back here with the woman you love." tumango ako sa sinabi ni Moulin.

"It's an honor for me to work with great engineers around the world like you guys"

Isa-isa silang lumapit sa akin at niyakap ako.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now