KABANATA 40

Depuis le début
                                    

"Oo, bukod sa akin ay halos minu-minuto ka niyang binabantayan habang wala kang malay. Hindi siya umalis sa tabi mo nang malaman niyang ikaw si Ilaria, ang anak niya." sagot niya sa 'kin.

May kung ano na kakaibang humaplos dito sa puso ko. Muli kong tinignan si Nanay Dolores, natutulog pa rin siya. Masaya ako na nagkita at nagkakilala na kaming dalawa. Sobrang saya ko na alam niyang ako ang anak niya pero talagang hindi na ako makapaghintay na malaman at marinig sa kanya kung ano ba talaga ang totoo, kung bakit niya ako pina-adopt.

It took us a few minutes bago kami tuluyang nakarating sa Subic, Ilaya. Sa pagkakaalam ko, dito sa baryong ito nakatira si Nanay Dolores. Iyon ang sinabi niya sa 'min kanina bago kami umalis ng hospital.

Ginising ko na rin si Nanay para ituro sa amin kung saan banda siya nakatira. Hindi naman ako nahirapan na gisingin siya kaya itinuro na niya kay Samael ang daan papunta sa tinitirahan niya. Maya-maya lang ay huminto na kami sa tapat ng bahay niya. Ipinarada lang ni Samael sa tabing gilid ang fortuner niya bago kami nagsibabaan.

Pinagmasdan ko ang paligid ko, maraming mga batang naglalaro sa daan. Safe naman dahil wala namang masyadong dumadaan na mga sasakyan dito kaya pu-pwede pa rin silang maglaro ng malaya sa gitna ng daan. May mga tao rin ang napapatingin sa gawi namin, marahil ay nagtataka sila kung sino kami.

"Naku, pagpasensyahan niyo na kung tinitignan kayo ng mga kapitbahay namin. Ganyan talaga ang mga 'yan dito, titignan ka kapag maganda't pogi ka tapos may mamahalin pa kayong sasakyan na dala-dala.." sambit ni Nanay Dolores sa 'min.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya habang itong gwapong nilalang naman na ito ay mabilis na lumingkis sa aking beywang. Ni hindi man lang niya pinansin ang mga taong napapatingin sa gawi namin.

Hinayaan ko na lang siya sa pagiging clingy niya. Wala siyang mga kasamang bodyguards ngayon dahil may inutos siya sa mga tauhan niya lalo na kay Miano, hindi ko lang alam kung ano 'yon.

Maganda rin naman dito sa lugar na ito kahit na first time ko lang talaga na makarating dito. Pero pang-probinsya talaga ang datingan. Maraming nagtataasang mga puno, ang daanan dito ay malupa at medyo lubak-lubak pa, medyo mausok din dahil may mga nagsisiga ng apoy. Ang mga bahay rito ay nakikita kong gawa sa mga matitibay na kahoy.

Iilan nga lang ang nakikita kong bahay na gawa sa concrete blocks na mahahalatang hindi na lang pininturahan. Ang gate nga nila ay gawa rin sa mga kawayan. Subalit sariwa ang hangin dito. Sabagay, narito pa nga pala kami sa Agoncillo, Batangas at isa itong baryo.

Pero napansin ko kanina habang nasa biyahe kami na may malapit na bulkan dito. Nakakamangha dahil nagandahan ako roon. Oo nga pala, as far as I know, ang Kapuluan ng Pilipinas ay maraming bulkan at mga isla.

"Oh s'ya, pumasok na tayo sa loob." pag-aya ni Nanay Dolores, "Pasensya na rin kung hindi kagandahan at kalakihan itong nirerentahan naming bahay. Ito lang kasi talaga ang kaya namin na rentahan dito sa Subic, Ilaya." dagdag niya pa.

Nangunot ang noo ko, "Namin? May kasama ho kayo rito sa tinutuluyan niyong bahay?" tanong ko.

Tumango siya, "Oo, hija. May mga kasama ako rito sa bahay.."

Akma sana ulit akong magsasalita nang may lumabas na lalaki sa gate ng bahay nila na gawa sa kawayan. Mababakas namin na lasing ito dahil hindi na siya makalakad ng tuwid at may hawak pa siyang isang bote ng alak na nasa kalahati na ang laman.

Pero may napansin ako sa kanya. Ang kaliwa niyang kamay ay putol hanggang sa siko niya. Ano kayang nangyari sa kamay niya? Naaksidente kaya?

"Jusko, ginoo! Lasing ka na naman, Amado?!" bakas ko kay Nanay ang hindi makapaniwala. Kakilala niya kaya ang lalaking lasing na ito? Pero sino kaya siya?

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant