Chapter 35

13 1 0
                                    


PUMIKIT si Venom at itinaas ang ulo, habang diretsong nakaharap sa umaagos na tubig. Kakauwi lang niya at balak sana niyang silipin muna ang kanyang anak kung tulog na ito. Pero nang madaan siya sa silid ng yaya nito ay may naulinigan siya kaya na curious siya kaya nilapitan niya ito, nang makita niyang bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid ni Nanami.

May kung anong pwersa ang gusto siyang pasilipin sa nakabukas na silid nito. Kaya sa hindi niya alam na dahilan ay sumilip naman siya at nagulat siya sa nakita.

Si Nanami na nakahiga habang bahagyang umuungol habang naglalakbay ang sarili nitong mga kamay, sa sarili nitong katawan na tanging saplot ay sando at panty lamang.

Ilang minuto siyang natulala at nang makabawi sa pagkabigla ay mabilis siyang umalis doon at tumungo na lamang sa kanyang silid at nakalimutan na niyang silipin ang kanyang anak.

Kaya heto siya ngayon nasa tapat ng kanyang shower habang naliligo ng malamig na tubig sa kanyang katawan.

'Ano ang ginagawa nito sa kanya? Bakit siya nakakaramdam ng ganito nang makita niya ang ginagawa ni Nanami sa sarili nito?'

Napaungol siya at dinagdagan ang lamig ng tubig para maibsan ang nararamdaman init sa katawan. Hindi siya kumibo o lumayo nang tumama sa balat niya ang malamig na malamig na tubig na iyon.

Nasa loob ng kanyang isipan ang imahe ni Nanami habang nakahiga ito sa kama habang pinapaligaya nito ang sarili nitong katawan, kahit anong pilit niyang iwaksi ito ay patuloy parin itong nakikita sa kanyang isipan.

Ang halinghing nito na parang sarap na sarap habang hinihimas ang sarili nitong katawan at kung paano nito paligayahin ang sarili sa sarili nitong hagod.

Bakit hindi niya maalis sa kanyang isipan ang nakita niya rito?

Bumaba ang tingin niya sa sariling alaga at nakita niya kung gaano iyon napukaw. Five f*cking good years and he has never felt this way until now.

Mula nang mamatay ang kanyang mahal na asawa, may bahagi sa kanyang sarili ang ibinaon sa lupa kasama ng katawan ng kanyang asawa na hindi na siya muli pang makakaramdam ng ganito sa kahit na sinong babaeng makikita o makasama.

Kinagat ni Venom ang kanyang ibabang labi, at muling umuungol habang ibinaba ang kanyang ulo na ngayon ay nakaharap na sa sahig.

"Kailangan ko na talagang paalisin ang babaeng iyon sa bahay niya. Dahil hindi na niya alam kung makokontrol pa niya ang kanyang sarili sa babaeng iyon. Bumuntong-hininga siya at pinakalma ang kanyang sarili at tinapos na ang pagligo.

Bumaba siya sa kusina para uminom ng malamig na tubig pero natigilan siya ng makitang nandoon ang yaya ng kanyang anak.





































PUMASOK sa loob ng silid nilang mag-asawa ang ama ni Nanami, habang hinuhubad ang necktie. Ngunit napatigil ito nang makita ang asawa niyang nag-iimpake ng mga damit.

"Mahal anong ginagawa mo?" tanong niya at pinapanood ang pagtiklop ng mga damit nito sa isang traveling bag.

"Oh, nandiyan ka na pala honey." Ngumiti ito sa kanya pero hindi ito tumigil sa ginagawa nito.

"Oo. Bakit ka nag iimpake ng mga damit? May pupuntahan ka ba?"

Tumango lang si Matilda at tinapos na ang ginagawa.

"Saan? At bakit hindi mo sinabi sa akin? Magbabakasyon kang hindi ako kasama?"

"Well, hindi ako magbabakasyon."

VENOM OF LOVE (Edited) Slow UpdatedWhere stories live. Discover now