Chapter 13: EXPECTATION VS. REALITY

Start from the beginning
                                    

Pumunta ako doon gamit ang sasakyan ni Mommy, natuto akong magmaneho nung mag eighteen ako doon sa US dahil sabi ni Mommy ay kakailanganin ko rin ito balang araw and I guess she's right.

Mga kalahating oras ay nakarating na ako ng restaurant, hindi pa nakarating si Eleanor kaya nag hintay ako sa kanya ng mga kalahating oras.

"Saan na ba siya? Ba't ang tagal niya? Sisipot paba yun?" Tanong ko sa sarili, nawawalan na ako ng pag asa na makakarating siya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at wala parin siya kaya aalis na sana ako ng dumating siya.

Masaya ko siyang nginitian at niyakap.

"I've missed you, El" masayang sabi ko pero nanatili lang itong tahimik.

Tiningnan ko ang mukha niyang walang emosyon.

"El? Is there something wrong?" Hindi ito nagsalita, umupo naman ito sa upuan kaya ganun din ang ginawa ko.

"Bakit parang hindi ka masaya na makita ako? Hindi mo ba ako na miss?" Kunwaring nasasaktang saad ko.

Pagak itong natawa na ipinagtaka ko.

"Stop acting like everything is okay Catiana. Tatlong taon kang hindi nagparamdam sa amin. Ni text o tawag ay hindi mo malang magawa. Sobrang pag alala ang naramdaman namin ng wala kaming marinig na balita mula sayo. Now tell me, paano ako magiging masaya ngayon?" Walang emosyong sabi nito. I didn't expect this. Si Liam? How 'bout Liam? Galit rin ba siya?

Tiningnan ko naman siya sa mga mata.

"El, I'm sorry. Hindi lang talaga ako nagkaroon ng time eh." Saad ko kaya sarkastiko itong natawa.

"Wow naman. Is that it? Yan lang ang masasabi mo? Yan lang ang palusot mo? How lame." Napayuko naman ako.

I don't know what to say. Sa dinami dami ng mga iniisp ko noon ay hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisang mag explain.

Hindi parin ako makapag salita kaya nagsalita na ito dahilan para iangat ko ang mga paningin ko.

"Ni hindi ka lang naman nagpa alam sakin. Do you know how worried I was ng taga taong lumilipas ay wala kaming kaalam alam o balita kung okay ka lang ba o ano?" Frustrated na nitong sabi. Kanina ay wala itong emosyon ngunit ngayon ay ang tangi ko lang na nakikita sa mga mata niya ay frustration.

"At si Liam" saad nito para makuha nito ng buong buo ang atensyon.

"He broke up with Delancy year ago." Nagulat ako sa sinabi nito. God, wala akong ka alam alam.

"Wha-what?" Nauutal kong sabi.

"He found out that Delancy was cheating on him. He was in his lows back then, he was so devastated. He badly needed you that time, kahit lang man daw makausap ka sa telepono ay okay na siya pero wala. Ni isang text o tawag daw ay wala. Gustuhin man namin ikaw na makausap ay hindi namin alam kasi nagpalit ka ng number, yung mga account mo ay hindi na rin active at lahat lahat." galit nitong saad.

"When I was in my weakest point ay hindi ko rin ikaw nakuhang kausapin. I almost failed to graduate because I was accused of stealing some important papers." nabigla ako sa sinabi nito. Ganito na ba karami ang nangyari sa loob ng tatlong taon? Tapos wala pa akong kaalam alam. Gusto kong maiyak kaso parang pagod na ako sa ganito. Ang iyak ng iyak.

"El, I didn't know. I'm sorry." saad ko sa kanya. Tumingin lang ito ng deritso sa mga mata ko.

"Alam mo bang si Delancy yung nandun sa mga panahong naghihirap ako? Sa mga panahong naging mabigat sakin ang lahat siya ang tumulong sakin, pero ikaw dapat yung nakakausap ko sa mga panahong iyon Cat. Ikaw sana at hindi si Delancy pero ano? Ni hindi ka nga nagparamdam."

I tried to hold her hand na nakapatong sa lamesa ng inilayo niya ito.

"Hindi ko alam Catiana, pero sa ngayon ay hindi ko pa alam kung maibabalik ba kaagad yung kung anong meron tayo dati." saad nito bago tumayo sa kinauupuan at nagsalita muli bago umalis na ng tuluyan.

"I think, you and Liam need to talk. Kaso hindi ko lang alam kong kakausapin kaba nun."

***

I'm nervously standing right in front of Liam's house. Hindi ko alam kung papasok ba ako o ano, pero kailangan ko talaga siyang makausap.

Pang ilang ulit na sigurong paglunok ang ginawa ko dahil sa kaba ng maisipan ko na ring mag doorbell.

Pagkatapos naming mag usap ni Eleanor ay agad akong dumiretso dito dahil kailangan ko siyang makausap.

Ilang ulit akong nag doorbell ng si Nanay Linda ang nagbukas at gulat pa itong napatingin sakin.

"Catiana hija, nandito kana pala?" Saad nito at nakangiti naman akong tumango. Pinapasok ako nito kaya nagtanong naman ako kaagad sa kanya.

"Ah, Nay? Si Liam po ba nandito?" Tanong ko sa kanya kaya biglang naman siyang nagsalita.

"Oo, siya nga lang mag isa dito kasi yung Mommy at Daddy niya ay naka out of town para umattend ng meeting samantalang ang kanyang mga kapatid ay pumunta naman ng ibang bansa dahil may aasikasuhin daw." mahabang paliwanag nito. Tumango tango lang ako sa kanya.

"Oh siya, maiiwan na muna kita dito at ipaghahanda kita ng meryenda." Sabi nito na agad ko namang tinanggihan.

"Naku nay, wag na po. Si Liam lang po talaga ang sadya ko rito at hindi rin po ako magtatagal." Sambit ko kaya tumango tango naman siya.

"Naku, mabuti nga at nandito kana. Ilang buwan na kasing parang wala sa sarili iyang si Liam. Naku, ako na nga ang nag aalala kasi hindi na nakakakain ng maayos yang batang yan. Oh siya, puntahan mo na siya doon sa itaas. Panigurado nandun nanaman yun sa kanyang kwarto nagkukulong." mahabang usal nito kaya tumango nalang ako at umakyat na patungo sa kwarto ni Liam.

Kumatok muna ako bago binuksan ang siradula at pumasok.

Ilang beses ko kasi siyang tinawag pero walang sumasagot. Pagkapasok na pagkapasok ko ng kanyang kwarto ay napaka kalat. Meron ding mga bottle ng alak?

Nagpapakalasing ba siya?

Ang kama niya ay wala sa ayos at ang mga basyo ay hindi na magkandaugaga, mga basag pa ang iba.

What's wrong with him? I didn't expect na uuwi ako dito at ito ang madadatnan ko. Ito ba ang epekto ng hiwalayan nila ni Delancy?

Nilibot ko ng paningin ko ang buong kwarto pero hindi ko siya nakita at lalabas na sana para hanapin siya sa ibang sulok ng bahay ng biglang bumukas ang bathroom ng kwarto niya.

Nagulat ako ng makita ko siya, he's topless at kakatapos niya lang maligo. Hindi niya pa ako nakita dahil busy ito sa pagpapatuyo ng buhok niya gamit ang tuwalya.

He's fucking hot. It's been three years already at malaki ang pinagbago niya. His body is much bigger now, yung muscle niya at yung abs niya ay mas visible na. He also became much taller now. Ang lakas ng tindig.

I call his name na ikinagulat niya ng malaki.

"Liam" pagtawag ko sa kanya. Nabitawan niya ang tuwalyang hawak at biglang nagsalita.

"Cat?" maikling sabi nito. Hearing him saying my name just feels different.

"Yes, it's me. I'm here Liam. Hindi na ako aalis."

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now