Bonus Chapter 1

150 3 0
                                    

Bonus Chapter 1 - foundation week

Magkasalubong ang aking kilay habang pinapanood ang mga estudyante na pumapasok sa loob ng isang kwarto. Ang alam ko ay doon inilagay ang project namin sa Science noon. Exhibit ba ang tawag do'n? Pero bakit ito dinudumog?

May malaking kurtina na nakatabon doon, tanaw ko ang ilaw sa loob kahit itim ang kurtina.

"Anong meron diyan, Hannari?" Tanong ko sa kaibigan ko habang inaayos ang kulay blue kong polo.

Dahil foundation week, I can wear whatever I want. Dapat nga lang 'di against dress code dahil catholic school 'to.

Nakatingin din siya roon. She only glanced at me to answer my question. "Diyan nilagay ang project natin. Gusto ko sana pumasok kaso ang dami pang tao. Ano kayang meron sa loob?"

"Malay ko." Nagkibit-balikat ako. "Sana lang libre 'yan."

Nagsimula kaming maglakad pababa ng third floor. Nasa pinakataas pa kasi iyon. Nasa fourth floor 'ata. Pero ang pila roon, hanggang third floor na. Foundation week ng school kaya wala kaming ginagawa, wala nga lang kaming intrams ngayon.

"Hindi ka naman papasok don." Aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Papasok ako. Bakit naman hindi?"

"Galit ka kay Darell, 'di ba?" Tumingin siya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. "Ano namang kinalaman ng lalaking iyon dito?" Hanggang ngayon ay hindi pa kami bati ng lalaking iyon.

Araw-araw ay pinaglalaruan ako ng tadhana ay tuwing bababa ako ng hagdan ay paakyat naman siya. Ang masama, kami lang dalawa ang dumadaan kaya ang awkward masyado. Kahit sa hallways. It always happens. Naiinis pa rin ako sa mixed signals niya.

"Balita ko, 'yon ang pinili ni sir Max na magbantay ng exhibit. Siya ang nagsusulat ng mga papasok. Ano, papasok ka pa?"

"Mukha namang pangit iyong exhibit. Tsaka mukhang masikip. Pag may babayaran, gastos na naman iyon. Wala akong pera." Umasim ang mukha ko.

Humalakhak siya. "Girl, malapit na matapos ang foundation week. Hindi pwedeng 'di tayo makapasok doon."

At dahil totoo ang sinabi niya, hindi ako nagsalita. Pasimple akong tumitingin doon sa upuan na inuupuan ni Darell, nasa pintuan siya ng exhibit at naka-tshirt na may design ng school tapos exhibit na word sa dulo. Naka-kulay blue siyang t-shirt. Nakakainis at kahit nabubusit ako sa kanya ay ang gwapo niya pa rin kahit walang effort.

Hindi ko namalayan na masama na pala ang tingin ko sa mga kasama niyang magbantay sa exhibit na galing pang ibang strand.

"Hindi 'ata tayo makakapasok diyan."

"Makakapasok tayo." Si Hannari.

Nakita kong tumayo si Darell sa kanyang kinauupuan. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napangiti.

"Yes! Umalis na siya!" Excited kong sabi. "Sana talaga walang babayaran. Ubos na ang baon ko!" Nagmadali akong pumasok sa entrance ng exhibit para magpalista. Mabuti at walang gaanong tao ngayon dahil last day na ng exhibit at halos lahat ng estudyante ay nakapasok na doon.

Lumapit ako kay Kristel. Siya ang kapalit ni Darell sa upuan. Kaibigan ko rin siya mula sa Humanities.

"Hi! Palista ka?" She cheerfully asked.

Tumango agad ako. "Ah, oo! Kasama ko si Hannari. May babayaran ba?"

"Libre 'to, 'no!" Ngumiti si Kristel. "Sulat niyo lang pangalan niyo rito tapos pwede na kayo pumasok. First time niyo lang ba sa loob?"

"Oo!" Sabi ko at nagsulat doon ng pangalan namin ni Hannari. I bended over to write better on the paper.

Saktong pagkatapos kong isulat ang pangalan namin ay nakita ko ang pamilyar na katawan sa peripheral vision ko. Hindi pa ako nakakatingin pero parang nanigas na ang kaluluwa ko.

At nang humarap ako para kumpirmahin iyon, bumungad si Darell na malalim ang tingin sa akin. Tumagos 'ata sa buto ko ang tingin niya.

Napaatras tuloy ako. Hinawakan naman ako ni Hannari at tumingin sa tinitingnan ko. Nanlaki rin ang mga mata niya.

Kasama ni Darell ang mga kaibigan niya at parang nagulat siya na makita ako roon. Buong foundation week ay iniwasan ko siya. Hindi tulad dati, ngayon ay hindi na ako nagt-try na magkita kami palagi. Hindi niya 'ata inaasahan na papasok ako roon na wala siya.

"Darell!" Tawag ni Kristel. "Ilan pala kayo ng mga kaibigan mo? Sakto, si Kahel at Hannari lang ang nasa loob!" Masayang sabi nito.

Nanlamig ang buong katawan ko. Hinila ako ni Hannari paloob dahil napansin niya ang paninigas ko.

Akala ko ay wala na roon sila Darell kaya sumulyap ulit ako roon. Nakatingin pa rin siya sa akin!

"Apat." Sagot ni Darell habang nakatayo pa rin at nakatingin sa akin. There's a pinch of happiness in his eyes.

"H-Hannari, pwede bang huwag na tayo tumuloy?" Nanginginig ang laman ko dahil sa kaba.

"Gago, akala ko ba 'di mo na gusto 'yon? Huwag ka namang magpahalata na clown kang hayop ka." Pilit na pinihit ni Hannari ang katawan ko para hindi na ako tumingin sa pwesto nila Darell.

Pagpasok namin sa loob ng exhibit, nagliliwanag na kulay asul na ilaw ang sumalubong sa amin. Para kaming nasa club pero tanging iyon lang ang kulay. Ang mga nakapaskil na dyaryo sa pader ay halatang galing pa sa 80s, 90s at 00s na mga nag-aral sa school. Kasama 'ata sa writing organization. Kita ko rin ang mga pictures ng alumnis ng school at mga class picture na hindi nakangiti ang mga estudyante.

"Creepy." Sabi ni Hannari.

"What? Ang cool nga." Parang nawala ang kaba ko sa ganda ng nakikita ko.

"Gagi, sana nakapaskil din ako! Alumni ako ng school sa elementary!" Hinila agad ako ni Hannari sa pulsuhan para hanapin ang batch pictures nila. "Ito!" Nagtatalon siya na parang nanalo sa loto nang makita ang picture na napadaan lang siya sa likod nung nagpapapicture.

"Ganda pala rito, pre," rinig ko ang malalim na boses ng mga lalaki sa aming likuran. Sigurado akong mga kaibigan iyon ni Darell!

"Oo nga. Galing ni Ma'am Karille magdesign." Si Darell naman.

Pasimple kaming naglakad ni Hannari para 'di kami magkita nung grupo nila Darell. Nandoon din kasi ang crush niya!

"Oh my god, nakita ko siya," nagpaypay pa siya nang magtago kami sa loob ng room. Nasa labas pa sila Darell at ang mga kaibigan niya, roon sa pwesto kung saan namin nakita ang mga dyaryo na nakapaskil sa pader. Kulob din sa loob.

"Lumayas na kaya tayo rito?" Bulong ko.

"Gago 'wag!" Sabi niya naman agad pero agad na nagbago ang isip. "Pero feeling ko nga... Feeling ko dapat umalis na tayo!"

Tumango ako at ngumiti. Hinila ko siya palabas ng room pero saktong paglabas ko ay bumangga ako sa dibdib ng lalaking may exhibit shirt.

"Oops." natahimik si Hannari at napahinto.

"Destiny nga naman. Tingnan mo nga naman 'yung suot niyo. Parehas blue! Bagay talaga kayong dalawa!" Pang-aasar ng tropa ni Darell at pumalakpak. "Kayo na ba? Nagcouple shirt pa talaga kayo!"

Hinawakan ni Darell ang magkabilang balikat ko at mabagal na nilayo sa kanyang dibdib. "Ayos ka lang ba?" He asked with concerned eyes.

"Ah, oo!" Sabi ko agad at inilagay ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga. "Walang kami ni Darell." Sabi ko naman sa mga kaibigan niya.

"Uy si Hannari, nandito rin! Lapitan mo nga, Imre!" Pang-aasar pa nung isa nilang kaibigan sa crush ni Hannari.

Nanlaki ang mga mata ni Hannari at tumakbo palayo. Naiwan ako sa loob! Hawak pa rin ni Fajarez ang balikat ko.

"Aalis na 'ko!" Sabi ko agad.

"Pwede kang bumalik dito mamayang 1. Wala na kami rito no'n. Para hindi uncomfortable para sa 'yo." Kalmadong sabi ni Darell.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt