Kabanata 23

195 4 0
                                    

Kabanata 23

Kahit sa kasal nina Erin at Cadmus ay iyong rejection ko lang sa proposal niya ang iniisip ko. Tuwang-tuwa ang lahat sa sa dalawa. The young and mysterious Arcajante kissed my brave and clumsy best friend in front of us.

Nakita ko si Renice ang maid of honor ni Erin. Si Fajarez ang best man ni Arcajante.

Magkilala pala silang dalawa. Sa bagay, parehas silang business related ang trabaho.

Noong bouquet toss na ay siksikan kami ng mga kaibigan ko.

"Jarell, ang laki ng ulo mo!" Tinulak ni Laurel ang ulo ni Jarell dahil matangkad ito.

"Pandak ka lang kasi!" Pang-aasar ni Nirca at humalakhak. "Isa ka pa, Armenia, amoy Amerikana ka, sinusumpa ko ang amoy na iyan!" Sigaw niya sa katabi ko na hindi makatingin sa akin.

"Mabaho ba? Sorry!" Armenia looked worried.

"Ang bango kaya," komento ko. Tumingin naman sa akin si Armenia.

Pati ang mga kaibigan namin noong highschool ay kasali. Iyong iba ay mga model na galing pang ibang bansa.

"One, two!"

Ni-ready ko ang sarili ko.

I thought I looked at Darell first but he's already looking at me and smiling. Medyo malayo siya sa akin. Nasa taas siya noong batong hagdan ng simbahan tapos kami ay nakaikot sa baba.

"You look ethereal, goodluck, lovey." He mouthed.

That made me smile. I nodded.

"Go!"

Gagalaw pa sana ako pero dahil sobrang sikip at maraming tao, hindi ako makagalaw. Nakataas din ang kamay nilang lahat kaya nagtaas na lang din ako ng kamay, wala na akong tsansa rito. Ang liit ko kasi! I just closed my eyes.

Hindi naman tayo big deal, hindi ba? Okay lang naman kung hindi ko masalo.

"Congratulations, Kahel!"

"Fajarez, pakasalanan mo na 'to!"

Narinig ko ang pagcheer ng mga kaibigan ko sa akin at mga kaibigan ni Darell sa kanya.

Tinulak-tulak siya ng mga kaibigan niya sa akin. Muntik na siyang mahulog sa hagdan dahil sa mga ito.

"Tangina naman pre, ihuhulog mo 'ata iyan eh." Humalakhak si David sa asawa ni Monica na hindi ko maalala ang pangalan. Siya kasi ang nagtulak kay Darell nang malakas.

Si Cadmus ay nakikitawa lang sa mga ito.

"Hoy, kalaban ni Gulayat! Nasa simbahan ka, bakit ka nagmumura!?" Bulaslas ni Lynelle sa boyfriend niya. "Pasensya na po kayo riyan sa abnormal na 'yan." Nagbow pa siya sa amin.

Kinaladkad ni Lynelle si David gamit ang pagpingot sa tenga nito. Napa-aray tuloy si David!

Tiningnan ko ang bouquet na nasa kamay ko. Nakuha ko ang bouquet! Wow! I got it without trying.

"Ikaw na ang susunod na ikakasal," maluha-luhang sabi ni Jarell at niyakap ako. "Congratulations!"

"Bakit ka umiiyak, Jarell? Bouquet pa lang iyan. Baka lumuha ka ng dagat pag pinakasalan talaga 'yan ni Darell." Humalakhak si Lynelle.

Tila umatras ang luha ni Jarell, sinamaan niya ng tingin si Lychie.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Darell. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti, like I'm a prize.

He looks at me like he has fallen a million times in my eyes. His eyes are sparkling, his lips are as wide as the ocean.

I saw his dimples, that's the first time I saw him smile with his dimples!

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Where stories live. Discover now