"H-Ho?! T-Tatlong araw?!"

Tumango-tango siya. Hindi naman ako makapaniwala sa aking nalaman. Three days akong walang malay?! Ibig sabihin ay three days na rin akong nandito sa hospital?! The hell! Bakit naman ganoon katagal?!

"Ano ba kasing nangyari sa'yo, hija? Bakit ka ba duguan nu'ng araw na 'yun? Sobra-sobra at halos mamatay sa pag-aalala ang asawa mo sa'yo. Mabuti na lang ay nadala kita agad dito sa ospital at nagamot lahat ng mga sugat mo lalo na sa ulo mong duguan," mahaba niyang sabi na nagpahinto sa akin.

"A-Asawa?" utal ko.

She nodded, "Nang dalhin kita rito ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi naman kasi kita kilala at hindi ko alam kung sino ba ang tatawagan ko na nakakakilala sa'yo dahil wala ka namang dala-dalang cellphone, bukod sa maliit na bag na bitbit mo bago ka nawalan ng malay." pahayag niya.

"Lalapit na sana ako sa pulisya para humingi ng tulong, pero may dumating bigla na mga kalalakihan. 'Yung isang gwapo at matangkad na lalaki ay sobra ang pag-aalala sa'yo. Tinanong ko kung sino siya, ang sabi ay ikaw raw ay asawa niya. Siya nga ang sumagot sa lahat ng gastusin mo dito sa ospital. Inilipat ka rin niya rito sa pribadong ward room," mahaba niyang dugtong na nagpakabog sa aking dibdib.

Ayokong mag-assume.. pero si Samael kaya ang tinutukoy niya? Siya ba ang tinutukoy ng ginang na ito na asawa ko? Hindi ko alam pero naghalo-halo na lang bigla ang nararamdaman ko rito sa aking dibdib. Kaba na may halong saya at excitement. Talagang matutuwa ako once na si Samael iyon.

"Grabe nga ang asawa mo, labis talaga ang pag-aalala niya sa'yo. Todo bantay rin siya sa'yo rito, hindi siya umaalis sa tabi mo hangga't hindi ka nagigising. Lagi ka niyang kinakausap kahit wala kang malay, nakikiusap siya sa'yo na sana gumising ka na at huwag mo siyang iwan.." malumanay niyang pagkukwento sa'kin.

Bumuntong-hininga siya, "Sa katunayan nga niyan ay hindi rin niya ako pinaalis dahil minsan ay may oras na kailangan niyang umalis saglit dahil may mahalaga raw siyang inaasikaso. Kaya kapag babalik siya rito ay hindi niya nakakalimutan na magdala ng pasalubong para sa'yo. Itong mga bulaklak at mga prutas, binibili niya 'yan para sa'yo." dagdag niya pang sabi.

Tinignan ko naman ang tinuro niyang mga nakalapag sa table na nasa tabi lang nitong kinahihigaan kong hospital bed. May mga bulaklak nga roon, mayroon din na mga prutas. Napansin ko nga ang isa na nasa basket pa at halatang hindi pa nagagalaw.

"Bakit po wala siya rito? Nasaan po siya?" na-e-excite kong tanong sa kanya. Gusto ko siyang makita! Gusto kong alamin kung si Samael ba 'yun.

"Ala eh nandito lang siya kanina eh at binabantayan ka. Pero dalawang lugar lang din ang pinupuntahan niya rito sa hospital. Dito sa ward room mo at doon sa Chapel.." sagot niya bago siya tila may naalala.

"Tama! Baka nga naroon na naman siya sa Chapel. May Chapel kasi rito sa hospital na 'to at nagpupunta siya roon para siguro ipagdasal ka." sagot niya kaya mabilis akong napabangon kahit na nananakit ang ulo ko at medyo nahihilo pa ako.

"Aba, teka. Huwag ka munang tumayo, hija!" pagpigil niya sa 'kin, "Kakagising mo lang, hindi ka pa okay. Saglit lang, diyan ka muna. Tatawagin ko lang 'yung Doktor para sabihin na gising ka na."

Mabilis siyang lumabas ng ward para tawagin ang Doktor. Pero dahil gusto kong makita kung sino ang tinutukoy niyang asawa ko ay nagpumilit pa rin akong bumangon. Ngumiwi ako sa sakit dahil sa ulo kong bigla na lamang kumirot. Sumasakit din ang mga natamo kong sugat sa aking katawan ngunit pinagsa-walang bahala ko na lang 'yon.

Ang mahalaga sa 'kin ay makita at alamin kung si Samael ba ang tinutukoy ng matandang ginang. Pagkabangon ko ay saka ako bumaba sa hospital bed. Wala akong nakitang tsinelas na pu-pwede kong masuot kaya nagyapak na lang ako papalabas ng ward room.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now