"Still, ignorance will never be an excuse," paliwanag niya. "Oh, 'di ba may natutunan ako sa Values nung grade 10.!"

We both laughed with her words before I hugged her once again. I'm glad that we're okay now. I'll just apologize to my research members later. It's also a good thing na hindi awkward between us.

Sabay kaming tumayo at habang nagpapagpag ako ng palda ay dumaan papasok si Alvarez. Huminto siya saglit at nang makita niyang nagtatawanan kami ni Vi ay ngumiti siya. I gave him a thumbs up before smiling.

"Hoy, puta! Ano 'yon?!" Nagulat ako nang tumili si Violet sa gilid ko. "What did I miss?!"

Pinigilan ko ang ngiti ko dahil sa lakas ng boses niya. Akala mo ay hindi kami nag-away nung Friday kung makatili siya.

"Anong ano?"

"Ayon!" Sigaw niya. Ginaya niya pa ang ginawa ko na nag thumbs up.

"OMG! Is it what I think it is?"

I raised my brow at her. "Ano?"

Lumapit siya sa akin at bumulong, "kayo na ni Alvarez?"

Lumayo ako na tila ba napapaso sa kanya. Ano bang klaseng mga tanong 'yan?

"Anong kami?" Naguguluhan kong tanong. "Ngumiti lang, may kami na agad?"

"Hello?! Girl, let me remind you na very unusual na makita kayong nakangiti sa isa't isa. Kulang na nga lang ay magsaksakan kayo every time na may pinasasagutan sa board. O kaya kapag mas mataas ang isa sa inyo. Tapos ngayon, parang may something na?" Kiniliti niya ang bewang ko. "Umamin ka nga, kayo na 'no? Kaya nag holding hands pa kayo nung nakaraan!"

I cackled. "Hindi nga."

"Weh? Sure ka? Ilang araw ko na kasing napapansin na parang iba siya tumingin sa'yo, e."

Dahan-dahan kaming naglakad papasok ng room.

"Paano mo nasabing iba?"

Naglabas siya ng isang pack ng KitKat matcha pagdating namin sa upuan niya. Agad na nagliwanag ang mata ko nang makita ko iyon. Pakiramdam ko nga ay kumikinang na ang balintataw ko dahil sa nasa harap ko.

"Ayan! Ayan!" Pag-ulit niya. "Ganyan siya tumingin sa'yo! Kung paano ka tumingin sa matcha na chocolate."

I laughed. "Natural! I like matcha."

She looked at me with wide eyes before crossing her hands on her chest. When I realized what I said, I stopped my motion.

"That also mean... he likes what he's seeing?"

"Precisely!" Sagot niya na para bang nakahinga nang maluwag.

"You're kidding..."

"I wish I was, bestie. Pero I am not."

Does it mean he likes looking at?

"Why would he like me? E halos isumpa niya nga ako kapag kinokontra ko ang sagot niya. Same lang kami." I tried to reason with her—with myself.

I was down and confused the whole day. Unti-unti na akong nalilito dahil sa sinabi ni Violet at sa mga actions ni Alvarez. Kahit nga sa sarili ko ay nahihilo na rin ako.

Nakayuko lang ako sa armchair nang naramdaman kong may tumabi sa akin. Nagtaas ako ng tingin at nakita ko si Jason.

"Uy, Raya!" Masiglang bati niya. "Okay ka lang?"

"Hello, Jason," bati ko rin sa kanya bago siya binigyan ng maliit na ngiti. "I'm fine, may iniisip lang."

"Gusto mo i-share?"

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now