Kabanata III

22.4K 589 25
                                    

Kabanata III

Halos kakagising ko lamang ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Maya maya ay unti unti iyong bumukas at iniluwa si Tatay na bagong ligo ngunit civilian ang suot na damit at hindi ang palagi nitong suot na uniform nito. 

"Good morning, 'Tay" bati ko. Nginitian niya naman ako bago umupo sa upuan sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa ginawa niya pero kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. 

"Sinasama ako ni Kristoff sa Batangas. Malapit lang iyon pero mukhang magtatagal kami at baka hindi ako makauwi ng ilang buwan" kumunot ang noo ko pero hindi pa ako nagkumento. Hinihintay ko kasing matapos si Tatay pero nalulungkot ako na aalis siya. Dadalawa na nga lang kami ay iiwanan niya pa ako dito. "Ako daw ang gagawin niyang driver doon. May itatayo kasi silang bagong building doon at siya ang natalo sa pustahan nilang magkakapatid kaya siya ang pupunta. Dadalaw naman daw kami dito pero hindi ako sigurado kung ilang beses sa isang linggo" 

"Kailan kayo babalik, Tay? Wala po bang exact day?" tanong ko. Umiling si Tatay. "Mag-isa lang ako dito?" humina ang boses ko.

"Iyon nga sana ang gusto kong sabihin sa'yo. Nag-usap kami ni Kristoff at sinabi niyang doon ka muna daw sa kanila habang nasa Batanggas kami-"

"Doon ako titira, 'tay? ayoko po. Dito na lang po ako. Marunong naman ako sa gawaing bahay, 'Tay. Marunong din naman po akong mag-luto kaya kakayanin ko po, Tay. Dadalaw ka naman po 'di ba?" tumango si Tatay. Akala ko papayag na siya pero maya maya ay umiling din. 

"Dadalaw ako pero hindi naman kita mababantayan. Mas maigi na ang nandoon ka dahil sigurado ako sa magiging kalagayan mo. Iyon din naman ang pakusap ni Kristoff" nalaglag ang balikat ko. Mukha kasing nakagawa na siya ng desisyong mahirap baliin. 

Hindi naman ako nag-iinarte. Nahihiya lang naman talaga ako. Hindi lang kasi basta bahay ang titirhan ko kundi bahay kung saan nakatira ang mga taong nagpapaaral sa akin at amo ng Daddy ko. Nakakahiya. 

"Gusto mo bang mag-alala si Tatay kapag nagtatrabaho siya? Kapag nasa mga Dela Marcel ka alam kong ligtas ka kaya hindi na ako mag-aalala pa. Sana intindihin mo ito anak. Malaki ang utang na loob natin sa kanila. Hindi ko basta basta kayang tanggihan ang inaalok ni Kristoff" bumuntong hininga ako at tumango nalang. Wala na naman akong magagawa pa. 

Maya maya ay lumabas na si Daddy. Para akong lantang gulay na nakahilata sa kama ko. Ayokong mag-ayos ng gamit. Mabuti nalang at sabado ngayon dahil wala talaga akong kagana-gana. Nagpaikot ikot ako sa kama ko habang yakap yakap ang isang unan. 

Nagulat ako ng muling bumukas ang pinto pero mas nagulat ako sa lalaking pumasok. Bakit naman ito nandito? Anong ginagawa niya dito?Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya pero hindi ito nagsalita. Nanatili siyang nakasandal sa saradong pinto habang nasa bulsa ang mga kamay at nakatingin sa akin. Inirapan ko siya.

"Ano namang ginagawa mo dito?" tanong ko. Hindi ko na tinago ang inis ko sa kaniya. 

"Sabi ni Mommy sunduin ko daw kayo ni Tatay Jaime pero mukhang matatagalan pa dahil nakahiga ka pa mahal na Reyna" sarkastiko niyang sabi. Muli ko siyang inirapan bago tumayo at nanguha ng maisusuot. Panira talaga ang lalaking ito. 

"Tabi nga diyan! Paharang harang" singhal ko sa kaniya. Madali naman itong gumilid. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Maliligo nalang muna ako at baka sakaling mahugasan ang bad vibes na nakakapit sa akin. Nakita ko si Tatay na nakaupo sa sala at sinabi niyang pinapunta daw ni Tito Kristoff si Kris para tulungan akong mag-ayos. Parang tutulong naman ang gagong iyon? 

Pagkatapos kong maligo ay umakyat ako sa kwarto at ang Gago ay nakahiga sa kama ko. Bakit hindi nalang siya bumaba? Talagang ginawang tambayan ang kwarto ko? Nagdadabog akong naghanap ng bag na paglalagyan ng gamit ko. Kumuha lang ako ng mga kailangan kong damit pero sinigurado kong iyong magaganda. Nakakahiya naman kasing magmukhang basahan. 

"You're here to help me get my things not to lay in my bed!" sigaw ko kay Kris nang makitang nakatitig lang ito sa akin ngunit imbes na tulungan ay nanatili siyang nakahiga at sinisinghot ang unan ko. Lumapit ako sa kan'ya at hinila ang unan ko pero hinigpitan niya lang ang hawak don.

"Kris naman, eh" inis na sabi ko at sumimangot sa kaniya. Bakit ba naman kasi nandito pa siya? Kung wala naman pala itong maitutulong bakit pa siya nandito? Isa lang siyang malaking kalat!

Bumalik nalang ako sa ginagawa ko kaysa mag-sayang ng oras at energy sa lalaking iyon. Maya maya ay napuno ko na ang backpack na dadalhin ko. May sarili naman akong susi at kung may naiwan ako ay pwede ko namang balikan at saka, hindi naman magtatagal sila Tatay doon, ilang buwan lang naman daw.

"Hindi mo ito kukunin?" nilingon ko si Kris na may hawak ng itim kong unde- wait. What the!

Mabilis pa kay flash akong tumayo at hinila iyon mula sa pagkakahawak niya at luckily, binitawan nito agad iyon. Ramdam kong nag-init ang pisngi ko dahil don. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit mo hawak ito? San ka nanguha? Ang bastos mo!" sunod sunod kong sabi. Kainis. Sa lahat bakit underwear pa. Sa lahat naman ng telang mahahawakan niya ito pa? 

"Secret, walang clue!" nakangising sabi lang nito. Sa sobrang inis at kahihiyang nararamdaman ko ay kinuha ko ang isang unan at pinalo sa kaniya. Tawa lang ito nang tawa na para bang kinikiliti ko siya at hindi pinapalo ng unan. Sinamaan ko siya ng tingin pero todo tawa parin.

God knows kung gaano ko siya kagustong patayin ngayon. Sobra na talaga siyang nakakairita.

Tinalikuran ko siya at tinuloy ang ginagawa hanggang sa matapos ako ay nagngingitngit parin ang kalooban ko. Akala ko ay titigil na siya ng hindi ko siya pansinin pero lumapit siya sa akin at tinutusok tusok niya ang pagiliran ko. Wala akong kiliti doon pero nakakairita kasi. Para siyang tanga na nakakabuwisit!

"Pwede ba Kris! H'wag ka ngang lumapit sa akin! Ayusin mo iyong hinigaan mo!" inis kong sigaw sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at nginisihan na parang tanga. Lalo lang akong naiinis! Ang tigas ng ulo grabe! Saan ba nagmana ito? 

Napasigaw ako ng may tumusok na naman sa tagiliran ko. Sinamaan ko ng tingin si Kris at nagkibit balikat.

"Wala ka namang naitutulong sa akin! Bakit di ka nalang bumaba! Bwisit ka talaga! Sinabi kong ayusin mo iyong hinigaan mo di ba? Bakit ba ang tigas ng ulo mo!" inis kong sabi. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. 

"Paano mo nalaman na matigas ang ulo ko? Nakita mo na?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong pinagsasasabi ng gago'ng ito? 

"Matigas naman talaga iyang ulo mo! Kanina pa kita sinasaway tapos tuloy ka parin. Buti hindi namumuti ang buhok ni Tita Ysa sa'yo-"

"Pero matigas naman talaga ang ulo ko" kumunot ang noo ko. Inamin niyang matigas ang ulo niya? 

"Buti naman alam mo" sabi ko bago siya tinalikuran at inayos ang hinigaan niya. Hindi ko na inaasahang gagawin niya ito dahil mukhang  wala naman talaga itong balak gawin kundi inisin lang ako. 

"Inosente" rinig kong bulong nito bago umupo sa gilid ng kama dahilan kung bakit nagulo na naman ang sheet ng kama ko. Diyosmiyo! Mamumuti na ang buhok ko sa inis!

Dela Marcel VII: Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon