SPECIAL CHAPTER - Cafe

35.6K 1.2K 2.1K
                                    


-

Ah, pagod na pagod buong katawan ko. May mga katulong nga pero trabaho ko parin lahat pag aasikaso sa kanila. Wala kasi ang apat dahil maaga umalis. Antok na antok pa ako ngunit nagising dahil sa walang tigil na sigawan ng mga anak ko para gisingin ako.

Malaki na mga anak ko, ang bilis ng panahon at ngayon 5 years old na sila. Miss na miss ko na si Savannah, wala akong maaasahan na iba para sawayin tong mga kapatid nya na ubod ng kukulit.

"Ew, Lilianna, you've got gross stuff in your eye." maarteng salita ni Bora, si Bora ay anak ni Jenkins at talagang kuhang-kuha nya ugali ng kanyang mommy lalo na sa pagiging maarte.

Dahan-dahan akong bumangon dahil nakasakay ang tatlo sa likod ko liban lang sa isa na nakatayo sa gilid ng kama.

"Bora, stop moving! Mama, wake up!" pangungulit ni Lavinia at pilit inaalog mga balikat ko kahit di nya naman magawa. Si Lavinia ay anak ni Thalia, sila na yata ni Bora nagpatuloy sa bardagulan ng mommies nila.

"Can you get off Mom's back? How can she get up if you're riding on her?" ang kanina pa tahimik sa gilid ng kama ay biglang nagsalita upang sawayin mga kapatid nya. She's Cleo, she's such a clever child at nagmana sa mommy Olivia nya sa pagiging malambing at maunawain. Also, sa kanilang apat sya ang mas matured mag isip. Meron din syang moles sa mukha tulad ng kay Olivia,

"Mama." humihikbi na si Lilianna, pinababa ko na sila mula sa aking likuran at agad niyakap ang anak namin ni Kate. Sa apat si Lilianna ang masasabi kong soft hearted at mabilis umiyak, malambing din na bata at katulad ni Cleo ay matured na rin sya mag isip kaso nga lang talagang madamdamin ang anak ko unlike kay Cleo na matapang at hindi inaatrasan kahit sino.

I spread my arms widely upang mayakap silang lahat. "Good morning my gorgeous angels. Mag ready na tayo para mahatid kayo sa school, okay?" muntik ko ng makalimutan lunes pala ngayon at may pasok sila.

Tinawag ko agad mga nanny nila upang paliguan at bihisan dahil kailangan ko rin maligo at maghanda. Nakalabas na ang tatlo pero nandito parin si Lavinia, nanatili sa aking kwarto habang sinusundan ng tingin ang mga kapatid na palabas ng kwarto. Napangiti ako at mabilis kinuha ang phone upang kunan sya ng litrato upang ipadalawa sa kanyang mommy Thalia,

"Baby? hindi ka pa lalabas? you need to prepare at baka ma late tayo sa school nyo." tanong ko sa kanya.

"Mama, I think Bora is gay." naudlot ang paghikab ko sa kanyang sinabi.

Jusko, anong ibig nyang sabihin? ang bata pa nila! Naalala ko si Savannah nong 5 years old pa lang at may crush ng babae. Akala ko nga forever na yun maghahabol kay Zeirah ngunit laking gulat ko isang araw umuwi sya galing school at inaming may crush din syang classmate.

Hindi ko nalang ito sinagot at agad binuhat upang dalhin sa kanyang nanny na kanina pa nag aabang sa labas ng pinto. Pagkaalis nilang lahat ay sarili ko naman inasikaso, naligo, nagbihis at bumaba sa kitchen upang ipaghanda sila ng mga pagkaing dadalhin.

Dumaan muna kami sa mall dahil may kailangan bilhin na gamit nila sa national bookstore. Binili ko rin yung damit na nakita ko kahapon at habang nagbabayad ay natatawa ako sa anak kong si Bora kaya lihim ko syang kinunan ng litrato. Mahilig din sa fashion ang anak ko, manang mana kay mommy Arleth,

"Baby, come here. Aalis na tayo at malapit na magsimula klase nyo." tawag ko sa kanya na abala sa hawak na smartphone. Mabuti nalang kahit mahilig sa gadgets ay ayad nakikinig sa akin kapag sinuway ko sya.

Nagmamadali na nga kami pero hindi talaga maiwasan ang mapahinto dahil sa mga taong gusto magpa picture sa mga anak ko, exposed na rin kasi sila sa publiko at kilala kung sino mga ina nila. Tama nga talaga desisyon ko na magdala ng mga bantay dahil kung hindi baka tuluyan na kaming na stranded sa mall.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Where stories live. Discover now