CHAPTER 29 - Light 👅

43.1K 1.6K 1.9K
                                    


A/N: kasalanan talaga to ni ano. 😂🔞

-

Matapos ang araw ng pagpunta namin sa underground arena hindi na nawala sa isipan ko si Rhea, mabuti nalang hindi naging huli ang kilos ni Olivia at agad nabili ang laban kaya nanalo ang kaibigan ko.

Gusto ko syang puntahan at kausapin pagkatapos non pero hindi ko ginawa at pinakalma nalang muna ang sarili. Ayaw kong makabitaw ng mga salitang pagsisisihan ko sa bandang huli. Yung takot na naramdaman ko dahil sa pinasok nya ay hindi parin nawawala.

Kaya pala ayaw sabihin sa akin kung anong trabaho napasukan dahil sobrang napakadelikado at alam nyang magagalit ako sa oras na pinaalam nya.

Nawalan ako ng gana sa araw na yun kaya agad akong umuwi ng bahay, walang pakialam kung magalit sila dahil gusto ko mapag-isa at palamig ng ulo.

Am I overreacting too much? nag-aalala lang naman ako para sa bestfriend ko at hindi ko kakayanin kung pati sya mawala sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako bago sumandal at hinilot ang ulo. Pati trabaho apektado dahil puro si Rhea laman ng isipan ko, tapos nabalitaan kong may laban na naman sya sa susunod na araw kaya kailangan ko ulit bilhin ang kanyang laban para lang hindi sya masaktan.

May kumatok sa labas ng opisina, "Ma'am, may bisita po kayo." si Angie,

"Sige papasukin mo." sabi ko at biglang bumukas ang pinto, pumasok ang babaeng napadpad na naman sa lugar ko.

"Iris, anong dahilan at naparito ka na naman?" agad na tanong ko. Dire-diretso lang sya hanggang at umupo sa aking tapat.

"May ibibigay ulit ako sayo." sagot nya at may inabot na CD?

Sa totoo lang wala talaga akong alam kung paano makipag-isa sa taong minamahal, sa kanya ko lahat natutunan yun dahil sa mga CDs na binibigay sa akin for references daw kuno.

Unang beses ko pinanood yung bigay nya noon halos hindi ako makahinga sa sobrang wild, literal na binigyan ako ng porn CDs.

"Ano na naman to?" kunot noo na tanong ko kahit alam ko naman talaga kung anong laman ng cd na to.

"Basta, panoorin mo mamaya. Bagay yan sa inyo, baka lang naman maisipan nyong mag fivesome." binigyan ko sya kaagad ng hindi kaaya-ayang ekspresyon na ikinatawa nya.

"Nilalason mo talaga ng tuluyan isipan ko." sabi ko na mas lalong nagpalakas ng kanyang tawa.

"Oh ano Kris? may nasungkit ka na ba sa kanilang apat?" agad ko iniwas ang paningin sa kanya at inabala ang sarili sa natitirang documents.

"Wala." depensa ko at ramdam ko ang malalim na tingin nya.

"Di nga? Mahina, mahina, mahina, basta panoorin mo yang bagong bigay ko, tiyak magugustuhan mo." dahil sa kanya kaya kung anu-ano na lang iniisip at pinapagawa ko kina Olivia kahit hindi ko naman talaga sana gawain yun eh.

Hindi rin sya nagtagal at agad din umalis, itong cd lang talaga sadya kaya sumugod dito sa opisina. Ang dami ko ng mga itinago sa kwarto na galing sa kanya, hindi ko pa naman naitago ng mabuti yun pero sa tingin ko safe yun dahil hindi naman pumapasok ang apat sa kwarto ko ng wala ako?

Agad kong itinago sa drawer ang CD, naalala ko may lunch date ako sa apat na lalaki ngayon. Kailangan ko rin itanong kung kamusta na yung pinasuyo ko kay Zieck,

Kinuha ko lang ang cellphone at lumabas ng opisina. "Angie, may tanong ako sayo." tawag ko sa kanya na ngayon abala sa trabaho.

Panandalian syan huminto at tatayo na sana pero seninyasan ko na manatili na lang sa kinauupuan.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Onde histórias criam vida. Descubra agora