CHAPTER 5

36K 1.6K 1.5K
                                    


-

"Cadell, stay." kakatapos lang ng klase namin kay miss Kate. Palabas na sana ako kasama ang dalawa kong kaibigan nang tawagin ako nito.

"May nagawa kang kasalanan no? Ang sama ni ma'am makatingin sayo babae." bulong ni Gwen.

"Una na kami ni Gwen, magpapasama ako sa kanya sa mall. Kahit naman gusto ka namin isama ayaw mo parin kasi may trabaho ka." si Genevieve na broken hearted na naman kasi nag away na naman sila ng boyfriend. Parang nong nakaraan lang okay na sila.

"Sige, ingat kayo at sa susunod nalang ako sasama pangako." sabi ko sa kanila at muling pumasok sa loob ng silid. Kaming dalawa nalang ni ma'am ang naiwan ngayon sa classroom.

"Bakit po ma'am?"

"Meet me in the parking lot." inihagis nito ang susi ng kanyang sasakyan at mabilis na lumabas ng opisina.

Naiwan naman ako na may pagtataka sa mukha. Saan nya binabalak na kami magpunta?

Dumiretso na ako kaagad sa parking lot, hinanap ang sasakyan nito at kaagad na ginamit ang susi upang buksan ito at sumakay.

Alam ko na rin kung paano gamitin ang seatbelt nya. Achievement ko na yun.

Naghintay ako ng lima, sampu hanggang sa umabot ng kalahating oras saka lang ito dumating. Nakaidlip pa nga ako dahil sa tagal nya.

Nagising lang ako nang maramdaman na may sumakay at nalanghap ang mabangong amoy ng pabango nito.

"Ma'am, saan po tayo pupunta?" wala naman akong sideline ngayon kaya okay lang kung mamasyal kami.

"Mall,"

Mall?

"Anong gagawin natin?"

"My grandfather would like to meet you. We'll go to the mall to buy some clothes." sagot nito sa iritadong pananalita kaya tumahimik na ako.

Bibili ng damit? Okay naman ang suot ko, pero kung libre nya naman bakit ako tatanggi.

Sa malapit na mall lang kami dumiretso dahil naghahabol ng oras. 6:30 kasi kami nag out kanina at naghintay pa ako ng kalahating oras sa kanya tapos ang dinner pala namin kasama ang lolo nito ay alas otso.

"Cadell," nilingon ko ito na may bitbit ng damit. Sabi nya kasi sya ang pipili ng susuotin ko kaya hinayaan ko na.

"Yes po?"

"Wear this. Malakas ang ulan, ang sabi mo mahina ka sa lamig."

"Opo." Agad ako nagtungo sa dressing area.

Pinagsuot ako ng black jeans with white sneakers tapos long sleeve turtleneck color black na sweater.

"Tama na ba to?"

Tinignan ko ang aking sarili sa malaking salamin. Medyo magulo ang buhok kaya inayos ko narin.

Hindi ako sanay sa ganitong kasuotan at nakikiliti ako sa leeg.

"Cadell, are you done—"

Biglang bumukas ang makapal na curtains kaya napatingin ako kay ma'am.

Biglang bumukas ang makapal na curtains kaya napatingin ako kay ma'am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Where stories live. Discover now