"Pu-pwede ba akong makahingi ng maiinom na tubig?" mahinahon kong katanungan sa isang lalaking bodyguard.

Hindi niya ako sinagot. May napadaan namang isang waitress malapit sa gawi namin kaya inutusan niya itong kumuha ng tubig. Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ay pinaupo ko lang ang babae sa sofa. May dumating din naman agad na waitress na may dala-dalang tubig kaya pinainom ko muna ang babaeng ito para kumalma siya.

Iniwan naman kami ng mga bodyguards kaya kaming dalawa na lang ang naiwan sa kwartong ito. Kampante naman silang hindi ako makakatakas dahil walang ibang pwedeng mapaglabasan sa kwartong ito kundi ang isang pintuan lang. Isang pinto kung saan alam kong nagbabantay sila sa labas.

"Feel better?" I asked.

She slightly nodded her head.

Huminga ako ng malalim. Inayos ko lang din ang suot niyang damit na napunit banda sa kanyang dibdib. Hinawakan ko lang din ang kamay niyang nanginginig. Pati katawan niya ay nangangatog na rin.

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa ginawa sa kanya kanina? Buti na lang ay kumalma na siya at hindi na rin siya umiiyak. Iyon nga lang, nagkalat naman ang make-up niya dahil sa pag-iyak niya kanina.

Wala rin akong naramdaman na kahit na anong awa o simpatiya sa pagkamatay ng lalaki kanina. Domenico shot him mercilessly. Mas nakakaramdam pa nga ako ng awa sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Bakit ka ba kasi nandito at pinasok ang ganitong klaseng trabaho? Ilang taon ka na ba? Nasaan na ang mga magulang mo?" sunod-sunod na pagtatanong ko sa kanya.

"Wala na po akong magulang.." nakayuko niyang sagot sa'kin, "Hindi ko rin po gusto na pumasok sa ganitong trabaho.." dagdag niya at nahihimigan ko sa boses niya ang labis na kalungkutan.

Mas lalo akong naawa sa kanya.

"Ulila ka na ba?" tanong ko.

Tinanguan niya ako, "17 years old na po ako. Bata pa lang po ako ay ulila na ako. Namatay ang aking ina dahil sa tuberculosis. Hindi siya nagamot dahil mahirap lang kami at kapos kami sa pera. Ang aking itay ay isang mananaho pero namatay siya sa aksidente. Nabangga siya habang naglalako siya ng paninda niya." pagkukwento niya.

May tumulong luha sa kanya. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko akalain na ganito pala ang sinapit niya. Idagdag pa na murang edad palang siya ay ulila na siya. Wala ba siyang ibang kamag-anak na pwedeng tumulong sa kanya?

"May kapatid ka ba? Paano ka napunta rito sa Club na 'to?" muli kong katanungan sa kanya.

"Wala po akong k-kapatid, nag-iisa lang po akong anak nila nanay at itay. Wala nga pong pakialam sa akin ang iba kong mga kamag-anak. Ang t-tiyuhin ko po ang nagdala sa akin dito. Ako po ang pinagbayad niya sa p-pagkakautang niya kaya ako napunta rito para magtrabaho at bayaran ang malaki niyang utang." umiiyak niyang saad.

Shit! Napaka-walang puso naman ng tiyuhin niya! Bakit niya nagawa 'yun?! Sarili niyang pamangkin ay ginawa niyang pambayad utang?! Her uncle is crazy!

"Nandito ka rin po ba, Ate para gawing pambayad utang?" she asked innocently.

Lumuluha siyang nakatingin sa akin at naghihintay sa isasagot ko. Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga at umiling-iling sa kanya. Naupo ako sa tabi niya habang nananatili kong hawak ang kanyang mga kamay.

"Ewan, hindi ko alam. Hindi naman kasi talaga ako taga-rito. Kinidnap nila ako." sagot ko sa kanya.

Kinunutan niya ako ng noo, "Kinidnap? Ibig sabihin po ba ay katulad ka rin ng ibang mga nagtatrabahong striptease performer dito? Kaya po pala parang mukha kayong foreigner dahil ang ganda-ganda niyo po at matangkad pa." aniya na nagpagulo sa utak ko.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat