CHAPTER 29

1K 17 0
                                    


****
RACHEL'S POV
****

.

.

.

Tuloy pa rin ang kasiyahan namin pati na rin ang pag ikot ng tagay, medyo nakakarami na talaga kami.

Si ARA, ayun mukang lasing na. Paano ba naman kasi, pag sa kanya na natatapat ung baso, rinaramihan nila ung laman. Eh hindi naman siya nakakahalata, kaya ayan tinamaan na siya ng espiritu ng alak.

"RACH, iready mo na yang video. Start na
ng plano natin ha" bulong sa akin ni DINDIN.

At sumunod naman ako, medyo may mga tama na rin sila, pero kita mong si ARA lang ang super.

.

.

.

.

"ARA, anong naramdaman mo ng malaman mong magkasaman nag bakasyon family ni MIKA at KIEFER?" pagsisimulang tanong ni GRETA

"Huh? *hik* Anong *hik* gusto niyong *hik* maramdaman ko?" maang na sagot naman nito.

"Nako wag na magdeny ARA" -ALY

"Ano bang *hik* dinedeny ko? Baka ikaw?" -ARA

Huh? Anong meron kay BABYBOO ko na dapat ideny? Naglilihim na siya sa akin ahhh.

"Sabagay anong idedeny kung hindi pa nga umaamin" -ABBY

At nagtawanan sila, nakitawa na lang rin ako at si ARA sa kanila. Iniisip ko pa rin kasi ung kay ALY eh.

Natahimik ang lahat pero tuloy pa rin ang ikot ng baso.

"Alam niyo guys *hik*" sabi ni ARA na sumeryoso ang muka.

Feel kong start na ng pag amin niya kaya nirecord ko na ang mga nangyayare.

"Alam ko namang *hik* alam niyo ang nararamdaman ko para sa kanya eh *hik*"

Tama naman siya, kahit hindi namin siya lasingin, at kahit hindi siya magsabi, ramdam naming may special feelings siya para kay MIKA.

"Pero *hik* Anong magagawa ko? Mukang huli na ang lahat" naiiyak na siya habang nagsasalita.

Patuloy pa rin sa pagrerecord ang hawak kong camera. Ang lahat ay natahimik na, wala ng umiikot na baso para tagayan, nakikisimpatya kami sa nararamdaman ni ARA.

Huli na nga ba siya?

"Mahal na mahal ko siya *hik*. Ilang taon ko tong kinimkim *hik* kasi baka masira yung pagkakaibigan namin *hik*"

Ramdam ko ung sinseridad ng mga sinasabi niya, sana makita din yun dito sa video.

"Lagi ko na lang siyang inaasar *hik* para hindi siya makahalata. Alam niyo napansin ko nga *hik* ang ganda ganda niya pag napipikon*hik*"

Tapos tumawa siya ng malakas pero umaagos pa rin ung luha niya. Hindi ko alam kung lasing lang ba ito oh baka nababaliw na. Nabaliw sa pagmamahal.

.

.

.

"Tanong lang ARA, sino ba pinaguusapan natin. Sino ba yang mahal mo?" -CHA

YOU Will Always Have ME (completed)Where stories live. Discover now