CHAPTER 22

1.1K 22 0
                                    


****
DZI'S POV
****

Nanonood na kami ng game ngayon, PETRON vs SHOPINAS.COM.

Hindi kami sumama sa kanila na maglalaro, medyo malayo kasi ung venue, ayaw naming mapagod. Pero nandito kami sa condo nila ALY, dito namin naisipang manood sa T.V. Kasama ko sina ARA, MIKA, at KIM. Nagsama sama na kami para pagpunta namin mamaya sa NORTH sabay sabay kami.

Magandang laban to, sigurado, Nagsamasama ba naman ang mga magagaling sa volleyball eh. Mga idols.

.
.
.
.

*after ng game*

Petron won, 3 straight sets. Walang nagawa ang shopinas.com, parang hindi sila prepared. Si RACHEL nga hindi pinaglaro ng matagal, ibig sabihin kampante si coach na mananalo sila kaya hindi na kailngan ang lakas ni MS.VOLLEYWOOD. Mamaya nga matanong si CHA kung anong nangyare sa kanila.

.
.

*ring ring*

"Hello GRETA bakit?"

"Hello DZI, papunta na kami sa NORTH"

"Ganun ba? Text niyo na lang kami pag malapit na kayo para makaalis na rin kami"

"Sige. Medyo marami kami, ung team ng shopinas at petron kasama, tapos papunta na rin daw ung iba"

"Ganun ba? Sige, kita kits na lang mamaya"

"Bye"

*end call*

.
.

"Guys kaaalis lang daw nila dun" pagbibigay alam ko sa kanila ng napagusapan namin ni GRETA.

"Maya aya na tayo umalis, ang pangit naman kung mauuna pa tayo sa may birthday eh" -ALY

"Ok po" -MIKA

"Ano kayang nangyare sa shopinas, ang panget ng laro. Parang wala sa sarili" puna ni KIM

"Oo nga. Pero malay mo, hindi pa sila seryoso kasi first game pa lang naman." -ALY

"Sabagay, first game pa lang. May chance pa sila, kaso kanina hindi masyadong nagamit si ATE RACHEL, ganun na nangyare sa kanila." -MIKA

.
.

"Maiba tayo ng usapan guys ha. ALY, anong kwento sa BABYBOO niyong tawagan ni RACHEL?" pangchichismis ko kay ALY. Muntik ko na ngang makalimutan ung BABYBOO issue na yun eh.

"Oo nga. Hihihi. Nakakakilig kayo kahapon ni ATE RACHEL" -MIKA

"Un ba? Ako nga rin nagulat sa kanya nung sinabi niyang yun magiging tawaga namin eh. Kaya nga kami nalate kasi pinagpipilitan niyang yun ang tawagan namin" pagpalaliwanag ni ALY

"Ayaw ko nga sana siyang sakyan sa trip niyang yun eh kaso, sabi niya walang pansinan pag hindi BABYBOO ang itatawag" dagdag pa ni ALY

"Syempre ayaw mo namang hindi kayo magpapansinan, kaya sumunod ka na lang?" -KIM

"Tama!!!" -ALY

"Tapos kunwari aayaw ayaw, pero kinikilig naman?" -ARA

"Yown, nadale mo. Galing mo ARA" sabi ni MIKA sabay nag apir sila.

Himala, nagkasundo itong dalawa. Ang nagiisang panahon lang kasing alam ko na nagkakasundo sila eh pag nasa loob sila ng court, dun lang. Pero ngayong inaaasar na si ALY nagkakasundo na rin sila. Iba talaga ang nagagawa ng pagibig.

"Che, tumigil kayong dalawa. Pag untugin ko kayo eh" saway naman ni ALY

"Hindi ba totoo?" dagdag kong pangaasar kay ALY

YOU Will Always Have ME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon