CHAPTER 14

1.2K 21 0
                                    


****
ALY'S POV
****

"Anong gagawin ko? Will i give him another chance?"

Yan na yata ang tanong na hindi namin alam ang isasagot. Matapos ang kwento ni Rachel lahat kami tulala, di pa masyado nagsisink in sa mga utak namin ang mga nangyare. Walang gustong magsalita, lahat nag iisip, lahat tinitimbang ang mga sasabihin.

"Okay. I'll start Rachel." -GRETCHEN

Siya ang naglakas loob na magsalita. Lagi naman kasi siya, si GRETCHEN yung pinaka brave sa aming lahat.

"May gusto lang naman akong itanong sa iyo. Para atleast alam namin kung paano ka namin tutulungan. Just be honest at diretsahang sagot. Please" -GRETCHEN. Pagkasabi non eh tumingin siya sa akin ng *handa-ka-na-bang-malaman* look. HUH?

"Mahal mo pa ba siya?" -GRETCHEN

Kung ung tanong ni Rachel kanina kung anong gagawin niya, ang tanong na hindi namin alam ang isasagot. Ito namang tanong ni Gretchen ang tanong na ayaw kong malaman ang sagot dahil alam kong kung mahal pa niya si Aki, sobra akong masasaktan.

.
.

"Ahmm"- RACHEL.

Kahit siya tinitimbang ng mabuti ang nararamdaman niya. Paano kung oo ang sagot niya? Paano na ako? Gusto ko sanang takpan ung tenga ko bago siya magsalita kaso di ako makagalaw sa kaba. Umaasa pa rin naman kasi ako kahit alam ko na ang sagot.

"Alam niyo kanina habang sinasabi ni Aki na mahal pa niya ako, tumibok ng mabilis ang puso ko. Para akong lumipad sa saya sa mga narinig ko" yan na nga ba eh. Mahal pa rin pala niya. Mahal na mahal. Wala ka na talagang pag-asa Aly.

"Magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi. Alam ko ilang buwan na rin ang nakakalipas nung nagbreak kami. Pero kasi ang tanga ng puso ko eh, mahal pa rin siya. Kaya Gretch para sagutin ang tanong mo. Oo, mahal ko pa siya." mangiyak ngiyak na sabi ni Rachel pero nag iba ang aura nya, un bang umiiyak na natutuwa. Natutuwa na naamin niyang mahal pa rin niya yung gagong yun.

.
.

Gumuho na ang mundo ko sa aking mga narinig. Ang sakit sakit pala talagang marinig sa taong mahal mo na may mahal siyang iba. Un bang parang pinamuka pa niya sa akin. Ang sakit kasing makitang lumiwanag ung muka niya habang nagkukwento. Kinikilig pa siya nung sinasabi niya na mahal pa niya ung lalaking iyon.

May humawak sa likod ko, ng tinignan ko kung sino, nakita ko si FILLE at binigyan niya ako ng *kaya-mo-pa-ba?* look. Tumango na lang ako sa kanya.

"So that settles everything, guys sa tingin niyo?" - GRETCHEN

"Tama si Gretchen, sinagot mo na ang tanong mo sa amin" -DZI

Alam ko patagong tumitingin ang mga kasama namin sa akin. Naghihintay ng magiging reaksyon ko. Alam kasi nilang mahal ko na si Rachel. nag aalala sila kung paano ko ito ihahandle.

"Pero paano kung masaktan ako ulit?" -RACHEL

Nagets naman namin ang sinabi ni Rachel, lalo na ako.

"Tama, baka masaktan ka lang ulit. Wag mo na siyang bigyan ng chance." yan sana ang gusto kong sabihin, kaso napipe ako.

"Give time Rachel. Give him time to prove himself to you." -CHA

"Kung seryoso na talaga siya, mararamdaman mo yun, mapapakita niya sa iyo." -ABBY

"Basta tandaan mo, nandito lang kami. Look out mo kami sa lahat ng mangyayare. Babantayan namin bawat kilos niya para atleast makita din namin kung seryoso siya. Kung saan ka sasaya, asahan mo susuportahan ka lang namin. Ako nandito lang ako palagi para sa iyo. Mahal na mahal kita eh" yan na lang ang mga nasabi ko. Masokista. Pero yun na lang ang maari kong gawin. Ang bantayan siya para sure na hindi na siya masasaktan ulit. Pero atleast nasabi ko sa kanyamg mahal ko siya, pero sure, sa ibang way niya i-iinterpret ung love na yun, as a friend ang.

YOU Will Always Have ME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon