Nakita ko sa pinakadulo ng pasilyong nilalakaran namin na may pinto kung saan may dalawang lalaki na may malaki rin na katawan ang nakatayo roon at tila nagbabantay. Sa pinto na 'yun ay malinaw kong naririnig na roon nanggagaling ang tugtog na naririnig ko.

Isa ba itong club? Pinapasok nila kami kaya nakita ko na rin sa wakas kung ano ang nasa loob ng pinto na 'yon. Isa nga itong club! Medyo nasilaw pa ako sa roon sa malaking disco crystal ball lights na nasa itaas ng kisame at umiikot ito para magbigay ng liwanag sa paligid.

Masakit nga lang sa mata dahil iba't-ibang kulay ang binibigay nitong liwanag. Mas malakas ang tugtog dito. Nakita ko rin na mas marami ang mga tao rito, may nagsasayawan at meron din na may milagrong ginagawa.

Bahagya pa akong napatakip sa ilong ko nang malanghap ko ang matapang na amoy na nanggagaling sa pinaghalong mga alak at sigarilyo. The heck? Kaya pala Spice Strip ang nakita kong pangalan sa labas ng building na ito dahil club ito ng mga prostitute! Ang club na madalas puntahan ng mga parokyano na gusto ng entertainment at panandaliang saya!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ganito pala ang hitsura ng Club ng mga babaeng sumasayaw na nakahubad. Ito rin ang kauna-unahang beses na nakapasok ako sa mga ganitong klaseng club.

Malinaw kong nakikita ngayon ang mga babae na sumasayaw sa isang entablado kung saan maraming mga kalalakihan ang masayang nanonood. Masyado rin na malaswa ang sinasayaw ng mga babae, may vertical pole pa akong nakikita kung saan doon naman sumasayaw ng pole dance ang mga babaeng nakasuot lang ng undergarments.

Ngunit may mga suot naman silang maskara para hindi makita ang kanilang mga mukha. Para sa mga parokyanong nanonood ngayon, magandang katawan lang ng babae ay sapat na para sa kanila. Nakakainis lang dahil tuwang-tuwa pa ang mga nanonood, may nagsisigawan at may pumipito pa!

Hanggang sa natanaw ko ang isang babae na nasa pinaka-gitna ng entablado na unti-unting tinatanggal ang suot niyang damit. Narinig ko ang hiyawan ng mga kalalakihan kaya inalis ko na ang pagkakatingin ko sa babaeng 'yon bago ko pa makita ang paghuhubad niya.

This is too much! The.. heck!

Women shouldn't dance like this. They should not be treated like this! The hell! Wala na ba silang naisip na ibang pwedeng pasukin na trabaho?! Why did they choose to become prostitutes? Samantalang may mga disente at marangal namang trabaho riyan sa tabi-tabi!

Is it because they earn more money here when they just dance erotically and are naked? Babae rin ako at ayoko na makita na ganito ang kapwa ko mga babae. Takte! Sino naman kaya ang nagmamay-ari nitong club na ito?!

Ang lugar na ito ay parang isang impyerno! Magiging bangungot ito para sa mga babaeng sumasayaw para kumita ng pera! Nagtataka ako kung paano nila nasisikmura na gawin ito.

"Rosales!"

Kahit may kalakasan ang tugtog ay nagawa ko pa rin na marinig ang boses bakla na tumawag sa pangalan ni Rosales. Bumaling ang tingin ko sa taong excited na papalapit sa amin. Tumaas naman ang kilay ko sa bakla na 'to. Obvious naman na nakasuot lang siya ng wig, kulay blonde ito.

Naka-opal crystal embellished dress siya na sobrang ikli. Malaki ang suot niyang earrings. Naka-high heels pa, at hindi ko naman alam kung ano 'yung nakapulot na makulay sa leeg niya. Ano 'yun? Tinsel garland? Anak ng! Para siyang isang Christmas tree sa hitsura niya na maraming dekorasyon sa katawan. Makapal pa ang pagkaka-make up niya.

"I'm glad you're here!" masaya niyang anas, "I'm happy to see you too, Scarlett and Vince!" dagdag niya pang sabi habang nakangiting nakatingin sa magkapatid na 'to na dumagdag na bwisit sa buhay ko.

"Me too, Madonna. You're still alive, huh?" Ani Scarlett, ang babaeng legal girlfriend daw kuno. Buti na lang ay alam ko na ang pangalan niya. Iyon ang tinawag sa kanya nitong bakla eh.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now