Chapter 3: Beg For It

Magsimula sa umpisa
                                    

"Don't worry." he whispered. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging reaction ko sa kanya. Kanina sa restaurant halos masunog ako. Ngayon naman pakiramdam ko lumulutang ang isip ko.

"I'll keep my part of the deal." Ngumisi ito. A devil's smirk. "I wouldn't touch you, wouldn't even force you to keep your part." Lumapit ito at halos ramdam ko na ang labi niya sa tenga ko. He lightly bit the tip of my bare ear. Napapikit ako. "Believe me, Denise, you will beg for it."

Saka lamang ako dumilat nang maramdaman ko na wala na ang presensya niya. Ramdam ko ang matinding tibok ng puso ko. It's filling my ear. But there is no palpitation or head ache. Just pure bliss. Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko. Denise, what the fuck are you saying?


Noong gabing yon, tumawag ako sa Mama ni Elyse kung pwede akong bumisita sa Hospital. Sinabi niya na masyado ng late at kailangan na nilang magpahingang mag asawa. Napatingin ako sa orasan nang sabihin niya yon. Halos wala pang nine o'clock ng gabi.

Kahit anong pilit ko ay hindi siya pumayag. Kahit sinabi kong five minutes lang ako. Unang araw na hindi ko nakita o nabisita man lang si Elyse. At natatakot ako na mas dadami pa ang mga araw na yon.

Her parents never like me. Civil ang pakikitungo nila sa akin. Wala pa akong na-experience na harm sa kahit anong paraan na mula sa kanila. Pero kung ayaw sayo ng isang tao, malalaman mo yon, mararamdaman mo. Pilit na pakikisama. At yon ang nararamdaman ko sa kanila.

They think I'm using Elyse. Hindi na bago sa akin yon. Hindi sila ang unang taong nag-isip ng bagay na yon. Mayaman si Elyse. Kilala. Too nice for her own good. Kabaliktaran ko siya. Some people think na kaya ko siya kinaibigan ay dahil sa pera niya.

Pero sa totoo lang, iniiwasan ko siya dati para lang hindi kami maging malapit. Iniiwasan ko ang lahat ng katulad niya. Pero noong nangyari ang insidenteng yon two years ago, hindi niya na ako tinigilan pa. Halos araw araw na siyang sumasama saan man ako magpunta.

She thinks I saved her life. Pero kapag may isang babaeng habol ng habol sa isang lalake to the point na halos masagasahan siya ng kotse habang nasa kalsada, at nagkataon na ikaw ang pinakamalapit, wala ka namang ibang choice kundi ang tulungan siya, hindi ba?

Ilang beses ko itong sinabi sa kanya. Nagkaroon ako ng maliit na injury dahil sa nangyari. Pero wala naman talaga akong ginawa kundi ang hinalin siya palayo sa kalsada. Ginawa ko lang ang dapat. Gagawin yon ng kahit sino. At isa pa, may responsibilidad ako dahil nagta-trabaho ako sa university at nasa loob kami ng university campus noong mangyari yon.

Pero hindi na siya nakikinig. Hindi na niya ako tinigilan. She volunteered to be my best friend. Lagi siyang nakasunod sa akin. At nagkataon na pareho pa kami ng Major at halos lahat ng subjects. She was pretty annoying back then. Sakit sa ulo na halos itaboy ko na siya. Hindi magandang tingnan na ang isang mayaman na tulad niya ay may kaibigang tulad ko.

Pero napagtiisan niya ang ugali ko. Kahit ang pambabara at pantataboy ko. Hangang sa nasanay na ako na lagi siyang nandyan. She was my very first best friend. At hindi ko hahayaan na ganito lang ang mangyari sa kanya. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Nakahiga ako sa bed ko noong gabing yon habang hawak ang phone ko. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa profile muli ni Landon. May bago siyang status. Halos dalawang oras na ang nakararaan.

Landon Clifford Monaghan.

Damn. You smell so good.

Halos nabitawan ko ang phone ko at tumama sa mukha ko. Aray, shit. Muli kong tiningnan ang oras ng status niya. Two hours ago. Napalunok ako. Two hours. I was walking on my way home two hours ago. I shake my head rapidly. No. Nagkataon lang siguro.

The Devil's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon