Special Chapter I

Start from the beginning
                                    

Pagsasabihan ko sana ang waitress dahil halata naman kasi na nagpapa-pansin siya sakin. Ngunit, naunahan ako ng anak ko na halos mabilaukan ako sa mga sinabi niya. Mas malupit pa yata 'to kay August 'tong anak ko.

Kaya ayon.. napahiya ang babaeng waitress sa mga sinabi ng anak ko kay hindi na bumalik sa table namin. Hanggang sa matapos kaming kumain ng araw na yun ay hindi na lumabas ang waitress, napahiya siguro sa mga sinabi ng anak ko. Matabil kasi ang dila ng anak ko, manang-mana kay August.

Nakarating kami sa bahay na naka busangot parin ang mukha ng anak kong si Xanth. Pina-akyat ko nalang muna sa kwarto niya para makapag bihis muna habang nag hahanda ako ng meryenda niya.

Bumaba naman ang anak ko kaya inabot ko sakanha ang hinanda kong snack para kumain muna siya habang magluluto ako ng dinner namin.

Araw-araw ganito ang daily routine namin ni Xanth sa loob ng nine months. Matalino ang anak ko dahil panay ang reklamo niya dito sa bahay na sobrang dali lang daw ang tinuturo ng teacher. Sinasabihan pa nga niya ako na e-enroll ko nalang daw siya agad sa high school eh hindi naman pwe-pwede.

Gusto kong maging normal sana si Xanth katulad ng mga ka edaran niyang bata. Ngunit, talagang advance masyado ang anak ko. Pati assignment ni kuya Lufhier niya ay nasasagutan niya kahit masyadong malayo ang agwat nilang dalawa.

Nagluto nalang ako ng beef steak para sa hapunan namin ni Xanth. Nang matapos na akong magluto ay agad kong inayos ang plato sa mesa para maka-kain na kami ni Xanth.

"Anak, kain na tayo!" tawag ko sa anak ko na nasa sala.

Sumulpot naman siya agad saka 'to umupo sa pwesto niya.

"May assignment kaba ngayon?" tanong ko sa anak ko habang nilalagyan ko ng kanin ang plato niya.

"Tapos na po, papa. Ginawa ko na po kanina saka pina-check ko na kay teacher," sagot niya kaya mahina akong natawa. Lagi kasing ginagawa ni Xanth ang assignment niya agad, imbis kinabukasan pa isa-submit.

Nagsimula na kaming kumain ng anak ko habang tinatanong ko siya kung anong ginawa niya sa school. Kinukulit pa niya ako na ilipat ko daw siya sa ibang school, yung lalaki daw ang teacher para wala lilingon sakin. Ganyan ka higpit ang anak ko, ayaw niyang pumayag na may pumalit sa mama August niya.

Nang matapos kaming kumain ni Xanth ay agad akong tumayo para ligpitin ang kinainan namin. Naghuhugas ako ng plato habang ang anak kong si Xanth ay nag pupunas sa mesa dahil sa mga nahulog na kanin niya kanina.

Mabilis kong tinapos ang pag huhugas saka ako lumapit sa fridge para kumuha ng inumin namin ni Xanth. Hindi ko lang anak si Xanth, drinking buddy ko din siya.

Kumuha ako ng dalawang beer habang kay Xanth naman ay chuckie. Isinara ko ang fridge saka ako lumapit sa anak ko na hinihintay ako.

Sabay kaming umakyat ng hagdan para pumunta sa second floor, hindi para matulog, kundi tumambay sa terrace habang naka tingin sa kalangitan.

Ganito ang ginagawa namin ni Xanth, tumatambay muna kami sa terrace at kung ano-ano ang pinagkwe-kwentuhan naming dalawa.

Nakarating kami sa terrace at agad kong inilapag sa sahig ang mga dala kong inumin. Si Xanth naman ay kinuha ang malambot na kumot na naka patong sa upuan.

Tinulongan ko ang anak kong ayusin ang kumot saka kami umupo. "Here," saad ko sabay abot ng chuckie niya.

"Thanks po, papa." naka ngiting sabi ng anak ko.

Ginulo ko lang ang buhok niya saka ko binuksan ang beer na dala ko. Tinungga ko agad yun saka ako tumingala sa kalangitan.

"Papa.." tawag sakin ng anak ko.

"Hmm.." sagot ko saka inilapag ang beer na hawak ko sa sahig.

"Naiinis po ako kay teacher Gwen," saad ng anak ko.

"Bakit naman?" tanong ko sakanya.

"Kinukulit po kasi niya ako papa na ilakad ko daw siya sa'yo," sumbong ng anak ko.

"Anong sinabi mo sa teacher mo?" tanong ko sa anak ko.

"Sabi ko, magagalit si mama August ko. Kaya bawal ka lapitan ng kahit sinong babae," naka nguso niyang sabi sakin. "Pero, mas lalo akong naiinis sakanya, papa. Iba ang trato niya sakin sa iba kong mga classmate. Feeling ko tuloy.. gusto niyang maging mama ko," dagdag na sabi ng anak ko.

Kumunot naman ang nuo ko saka ako nagsalita. "What do you mean?" tanong ko.

"Lagi po niya akong pinupunasan ng pawis at kung mag-alala po siya sakin ay parang ginagaya niya ang mama August ko," saad ng anak ko.

"Baka naman pati sa mga classmate mo ganun din ang teacher mo. Baka hindi mo lang napansin, anak." sagot ko sakanya na agad namang umiling ang anak ko.

"No po, papa. Sakin lang po siya ganun. Kaya nga po nagiging pasaway ako para hate na po niya ako eh. Pero, mas lalo lang po siyang dumidikit sakin at lagi akong kinakarga na parang baby, which I hate. Si mama lang ang pwedeng kumarga sakin at ikaw po papa," mahabang sabi ng anak ko.

"Kaya, please.. papa. Ilipat mo na po ako ng school. Ayaw ko na po don. Lagi niya po akong kinukulit at tinatanong kung anong gusto ko daw sa isang mama. Tinatanong din niya kung ano daw hilig mong pagkain," sumbong ulit ng anak ko.

Napabuntong hininga nalang ako saka ako tumungga ulit ng beer. Hindi kasi alam ng anak ko na panay text sakin ang teacher niya. Hindi ko sinabi sakanya dahil baka mag tampo sakin ang anak ko.

Hindi ko naman nirereplayan ang mga text ni teacher Gwen. Hindi e-epek sakin ang pagpapa-cute niya sakin. May isang beses pa nga na chinat niya ako kung pwede ba daw ako dumaan sa condo niya dahil may special assignment daw si Xanth na hindi daw niya naibigay.

Mabuti nalang n'ong araw na yun ay sinapian ng angel si Ruwi kaya siya ang inutusan ko. Nakwento pa sakin ni Ruwi na gulat na gulat daw ang mukha ni teacher Gwen ng makita siya sa labas ng unit. Naka suot pa daw 'to ng sexy lingerie sabi ni Ruwi sakin. Talagang may balak siyang akitin ako nang araw na yun.

Akala naman niya makukuha niya ako sa mga pang-aakit niya sakin. Hell no! Mananatili akong loyal kay August, at tanging si August lang ang babaeng makakatikim sa katawan ko at ang pwedeng lumandi sakin.

Gusto ko sanang pagsabihan si teacher Gwen pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya hinayaan ko nalang. Ngunit, dapat ko na talagang ilipat ang anak ko sa ibang school, hindi na talaga komportable ang anak ko kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan.

Tahimik kami ni Xanth habang umiinom ako ng beer habang siya naman ay sumisipsip ng chuckie gamit ang straw.

"Bukas na bukas ililipat na kita nga school. Si uncle Raizen na ang papupuntahin ko don sa school mo para mag asekaso. Wag na tayo mag papakita don sa teacher Gwen na yun," saad ko sa anak ko na ikina-ngiti niya.

"Thank you po, papa. The best ka po talaga!" puri ng anak ko sakin.

"Kahit nasunog yung pancake kaninang umaga? The best parin ba ako?" tanong ko sakanya dahil tinawanan niya ang niluto kong pancake. Malay ko bang madali lang pala lutuin yun. Akala ko kasi patatagalin ko sa kawali. Naghiwa kasi ako ng sibuyas, ngunit pagtingin ko ulit sa pancake ay naging negro na.

Panay din ako search sa internet kong paano magluto. Hindi naman kasi ako marunong pero dahil may anak akong kailangan lutuan ay kailangan kong matuto. Ayaw kong magpaturo kay Lucifier dahil hindi ko pa nakakalimutan dati ang ginawa niya kay Nuroi. Hindi kasi makuha-kuha ni Nuroi ang turo ni Lucifier kaya sinaksak niya sa tagiliran si Nuroi dahil ubos na pasensya niya sakaka-turo sa pagluluto.

Ayaw kong magkabutas ang tagiliran ko kaya sa internet nalang ako magpapaturo. Maiksi pa naman pasensya n'on kaya siguro ang naging asawa niya ay maiksi din.

A/N: Hi, sorry kong ngayon lang ako nakagawa ng sc para kay Atticus. Pero, baka hanggang three or four chapter ang gagawin kong sc ni Atticus.

-XXRIEGOZZXX-

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now