Ngunit nahihimigan ko sa boses niya ang inis at galit habang hawak-hawak niya ang kanyang ulo kung saan ko siya hinampas ng vase.

Sa lakas ng pagkakahampas ko ng vase sa ulo niya ay nabasag iyon. Napaluhod pa siya sa sahig at tila nahilo kaya sinunggaban ko na agad ang pagkakataon ko na lumabas hangga't nakabukas pa ang pinto.

"Fuck, you shit!" he cursed.

Tumakbo na ako agad palabas.

Mahabang pasilyo at mga pinto na sa tingin ko mga kwarto ang bumungad sa'kin nang makalabas ako. Tumingin pa ako sa kaliwa't kanan ko dahil hindi ko alam kung saan ako dapat tumakbo at kung saan ang labasan sa lintek na pamamahay na 'to.

Pero sa kaba ko na may halong pagkataranta ay napagpasyahan kong sa kaliwang pasilyo ako tumakbo. Tinakbo ko 'yon at binilisan ko ang kilos ko bago pa ako maabutan ng lalaking 'yun! Nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang hagdan. Pababa na sana ako roon, pero napaatras ako nang makita ko ang mga armadong mga lalaki na papaakyat.

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila nang makita nila ako. Napamura ako sa isipan ko. Saan ako pupunta nito?! Paano ako makakababa?! Bago pa man ako makatakbo para sana maghanap ng ibang pwede kong madaanan ay may kamay ang marahas na humatak sa braso ko.

Napaaray ako dahil sa lakas ng pagkakahatak niya sa akin. Ang higpit din ng pagkakahawak niya sa akin na para bang gusto na niya akong tanggalan ng isang braso.

"Sa tingin mo ba matatakasan mo kami?!" galit na asik ng lalaking humatak sa akin.

Siya 'yung hinampas ko ng vase. Kitang-kita ko rin ang pagdaloy ng dugo sa ulo niya. Lalo naman akong napaaray nang higpitan niya pa lalo ang pagkakahawak niya sa aking braso. Sa ekspresyon ng mukha niya ay parang gusto pa niya ako lalong masaktan.

"Bitawan mo nga ako!" singhal ko sa lalaking ito. Hindi ako makawala sa kanya. Napalibutan na tuloy ako ng mga armadong mga lalaking 'to. Paano ako makakatakas nito?

"What's going on here? Bakit may commotion dito?" isang boses babae ang narinig kong biglang nagsalita.

Pagtingin ko ay 'yung babae lang pala ni Rosales. The girl who says that she is the legal girlfriend but she looks like stinking garbage that should be thrown away. Lumapit siya sa amin at nangunot ang noo niya nang makita ako.

"Paano nakalabas ang babaeng 'yan?! Hindi ba't nakakulong iyan sa kwarto niya?!" pagtatanong niya.

"Itong babaeng 'to kasi, Ate eh! Nagsisigaw, ang sakit sa tenga 'yung boses niya kaya binuksan ko ang pinto para pagsabihan siya pero hinampas naman niya ako ng vase sa ulo kaya siya nakalabas!" nanggagalaiting pagsusumbong ng lalaking nakahawak sa braso ko.

Wait, Ate? Tinawag ng lalaking 'to na Ate ang babaeng ito? Magkapatid ba sila? Pinagkatitigan ko naman sila ng maigi, magkamukha nga silang dalawa at obvious naman na magkapatid nga silang dalawa.

"What?! Hinampas ka niya sa ulo mo ng vase?!" Ani nitong babaeng ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya, pero tandang-tanda ko ang kanyang pagmumukha at never kong kakalimutan ang mga mukha nila.

Parang bata namang tumango ang lalaking ito sa Ate niya kaya agad na nilapitan ng babaeng ito ang kapatid niya. She checked his head and when she saw that there was blood on it, she quickly gave me a death glare. As if naman na magagawa niya akong mapasindak.

"How dare you to hurt my brother!" galit na asik ng babaeng ito sa akin.

Before I could speak, she quickly slapped me hard. Rinig ko tuloy kung gaano kalakas ang pagsampal niya sa akin. Tuwang-tuwa naman ang mga lalaking 'to sa nasaksikan nila. Do they think they can scare me? Imbes na matakot ako at maiyak sa ginawa niyang pagsampal sa'kin ay nginisian ko lang siya.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum