“Hoy, salamat sa pakikinig pala sa akin.” 

“Naku wala iyon,  mabuti nga at may nakakausap na din ako rito.” Nakangiting sabi ni Nanami.






































MAGKASABAY sina Marcel at Boa na palabas ng CCTV area at pumunta sa opisina ni Venom.

“Boss.” Yukong bati nilang dalawa.

“Paano nangyari?” walang emosyong tanong ni Venoma sa kanila.

Inilabas ni Boazang kanyang I-pad at inilapag sa mesa sa harap ni Venom.

“Hindi ko mahanap ang lokasyon niya.”  Sabi ni Boa.

“Na-hack mo ba ang bawat system doon?”

“Oo, master. Pero hindi ko malocate ang kinaroroonan niya.” Tumango si Boa.

“Nasaan na kaya ang bastos na iyon?” Napabuntong hininga si Venom at naikuyom ang kamao.

“Patuloy mo siyang hanapin kahit suongin mo ang buong Mundo ay wala ako pakialam.” Galit na dugtong ni Venom.

“Oo master, gagawin ko ang makakakaya ko para mahanap siya.” Tugon naman nito.































































PABABA ng hagdan si Chiara at dumiretso sa kusina. Kumuha ito ng isang baso ng orange juice saka lumabas sa sala.

Uupo na sana ito sa sopa nang marinig niya ang tunog ng pinto.

Isa iyon sa mga maid na hindi niya alam ang pangalan. Pero nakilala niya ang kasambahay na sobrang malapit kay manang Eve at doon sa bitch na babaeng iyon.

“Hoy ikaw.” Masungit niyang tawag, naagaw ang atensyon ng dalaga kaya hindi natuloy ang pagpasok nito sa kusina.

“Ako po ba ang kinakausap mo?” Tanong ng kasambahay na lumilinga-linga sa paligid para siguraduhing siya ang kausap niya.

“May iba pa bang tao sa paligid bukod sa iyo at sa akin?” nakataas kilay na tanong ni Chiara kay Mela.

“Mela po kasi ang pangalan ko at  hindi hoy, kaya akala ko po hindi ako.’” sabi ni Mela.

“Ako ba'y pinagloloko mo?” naiinis na tanong ni Chiara.

“Hindi po,  Ano po ba ang kailangan mo, ma'am?”  tanong ni Mela at hindi na pinansin ang pagtataray ng babae at iniba ang usapan.

Wala kasi siya sa mood makipag-away sa kapatid ng yumao ng asawa ng kanyang amo.

Ininom ni Chiara ang juice  na hindi niya naituloy inumin kanina. “Nasaan iyong babaeng bitch na yaya ni Amalie?”

“Si Miss Nanami?” paniniguro ni Mela.

“Bakit sino pa ba ang yaya ni Amalie, kaya nasaan siya?”

“Wala po siya sa bahay ngayon. Pinuntahan niya si Miss Amalie sa paaralan para sunduin doon.”

“Gaano na ba siya katagal umalis?” tanong pa ni Chiara.

Nag-isip si Mela ng ilang segundo. “Sampung minuto ang nakalipas.”

“Good,  asan si Venom.”

Halatang naiirita na si Mela sa hindi mabilang na mga tanong ni Chiara pero wala siyang choice kundi sagutin ang mga iyon nang hindi nagrereklamo.

VENOM OF LOVE (Edited) Slow UpdatedWhere stories live. Discover now