Ang Dairy ni Beverly

0 0 0
                                    

To someone who struggle in knowing what true love really means, this story is for you :)

***

May isa akong kaklase noong High School na hinding-hindi ko makakalimutan. Hindi ko siya kaibigan. Wala akong malalim na relasyon o kaugnayan sa kaniya. Pero binago niya ang buong buhay ko. Binago niya ang buhay namin ng mga kaklase't kaibigan ko...

Siya si Beverly Ann Chua.

I was at grade 9 nang maging kaklase namin siya. Transferee, kaya walang gaanong kaibigan at kasama. Bukod do'n, napag-alaman rin namin na bingi siya at hindi nakapagsasalita. But she was smart. Panis ang lahat kapag nagsosolve siya sa blackboard ng equation sa math.

Pero there's this one thing na ayaw namin sa kaniya. Napaka-banal at relihiyosa niya. Palagi niya kaming pinapakialamanan sa mga ginagawa naming 'masama' sa paningin niya. Kahit simpleng pagyoyosi lang, napaka-big deal na sa kaniya.

She was weird. Kaya mula no'n, pinag-initan na namin siya ng mga kaibigan ko at walang araw na hindi namin siya binubully at pinagkakatuwaan.

One time, napagtripan namin na itago 'yong Bible niya at ibalik ito sa kaniya ng punit-punit na. Grabe ang hagulhol niya pagkakita nito habang kami naman ng mga tropa ko ay todo hagalpak lang sa pagtawa. That was our happiness... ang makita ang mga kagaya niya na umiiyak at nagdurusa.

Palagi rin namin siyang sinisigawan at minumura kada walang teacher sa room. Hindi naman niya kami naririnig kaya ayos lang. Panay ngiti pa nga siya habang ginagawa namin 'yon na animo'y wala lang sa kaniya lahat ng ginagawa namin sa kaniya.

Napaka-wirdo niya. At 'yon ang pinaka-nakakainis. Sa'n ka nakakita ng isang taong sinasaksak na pero nagagawa pa ring ngumiti? Pinapatay na pero tumatawa pa rin?

Beverly was so incredibly weird.

Isang araw, napagplanuhan namin ng mga tropa ko na i-prank siya after ng uwian. Hapon na noon, at habang mag-isa lang siyang naglalakad sa hallway ng Grade 9 classrooms, hinablot namin siya at saka pinasan na parang sako pababa sa may School Basement. Doon, iginapos namin siya sa isang poste at saka iniwanan roon buong gabi. Hindi na namin naisipang busalan pa siya sa bibig dahil alam naman naming hindi rin naman siya makakasigaw.

Pagkatapos no'n, inilock namin 'yong pinto ng Basement at saka hinayaan siya ro'ng abutan ng pagsikat ng araw.

Pero ang masaya sanang gabi na dapat ay aming pinagdidiwang, ay biglang nabalot ng kaba at takot nang bigla na lang umulan ng napakalakas.

Bumaha sa mga kalsada at daanan, maging ang bawat bahay ay napasok na din ng tubig-ulan. At ang lubos na ikinabahala ko noong mga panahon na 'yon ay ang sitwasyon ngayon ng kaklaseng aming pinagkatuwaan. Hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip ng tungkol sa kaniya. Minumulto ako ng konsensya ko bawat minuto na dumadaan.

Hanggang sa dumating ang araw ng bukas, at tila virus na kumalat bigla ang tungkol sa balita ng pagkamatay ng isang babaeng estudyante sa Basement ng aming Paaralan.

She was drowned. Nang buksan ng mga pulis ang School Basement, tila isa na itong aquarium na puno ng nagsisilutang na mga bagay..... kasama na ang kaniyang bangkay.

Beverly died because of us. Dahil sa mga kalokohan namin. At kahit sobrang tagal na mula nang mangyari lahat ng 'yon, 'andito pa rin 'yung guilt sa loob ng dibdib ko at tila isa iyong mabigat na bato na araw-araw na dumadag-an sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Diary ni BeverlyWhere stories live. Discover now