Chapter 8: HEART BROKEN

Start from the beginning
                                    

"Liam, sure kaba na akong lang yung number one?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga, paulit ulit ka eh!" Naiinis na saad nito. Nalungkot naman ako kaya agad niyang nahalata para tanungin niya ako.

"Hey? Bakit malungkot ka?" Tanong nito tsaka pilit niya akong iniharap sa kanya.

"Paano ko naman masisigurado na hindi ka nagsisinungaling?" walang ganang sambit ko.

"I told you, you're the number one Cat." Pangungumbinsi nito sakin.

"Eh paano na kapag nagka girlfriend ka or may makilala ka ng ibang kaibigan na mas better sakin? Siguro makakalimutan mo na ako" Saad ko nanaman.

"Still, you will only be my number one, not number two or three o kung ano pang number but only number one" saad nito kaya napangiti ako.

"Makahanap man ako ng iba, still you will always be my number one Cat" pahabol nito kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Promise?" Sabi ko tsaka nag pinky swear.

"Promise!" Saad naman niya at pinahidan ako sa mukha ng ice cream. Napatawa siya dahilan para pahiran ko rin siya kaya napatawa rin ako.

We were both happy that time, we also made promises, we often laugh and hang out. Pero siguro hindi na matutupad at mangyayari yun ngayon.

Mas lalo akong napaiyak sa katotohang ito.

He already have Delancy, Delancy could be his new number one bestfriend and number one girlfriend. And that's a fact that I can't change anymore. There is nothing I can do about it.

I am in deep agony right now, while them? Ayun, masaya. Bakit ang unfair sakin ng mundo?

Hanggang ngayon hindi parin maawat ang mga luhang tumutulo dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon. Tsk, how lame. Hindi ko inexpect na mangyayari to sakin. Hindi talaga.

"Catiana!" Naalarma ako ng narinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Hinanap ko ito at nakita ko kung sino ito. It was Oliver.

Agad itong lumapit sakin at nagsalita.

"I've been looking for you, dito lang pala kita makikita" Saad nito at umupo sa katabi kong swing.

"I won't question you if you're okay, cuz obviously you're not" saad nito. Pinunasan ko naman ang mga luha ko tsaka tumingin sa kanya.

"You know how much pain I am feeling right now? Hindi ko ma explain dahil siguro sa sobrang sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito eh, kaya hindi ako sanay. Sa totoo lang, naaawa ako sa sarili ko kasi, sila masaya tapos ako nagdudusa." Mapait na sambit ko, bigla ko na lamang iyon nasabi sa kanya, parang gusto kong may ka kwentuhan, at ito hindi ko nanaman mapigilang hindi maging emosyonal.

"I want to be happy for them, but it's just hard lalo na kapag hindi ka naman talaga masaya para sa kanila kasi paano ka magiging masaya kung nasasaktan ka? Na yung taong gusto mong suportahan ay yung taong nananakit pa sayo? Siguro nga, if hindi ko lang minahal si Liam, I've been the happiest and supportive bestfriend, kasi sa wakas nahanap na niya yung the one niya. Kaso iba eh. Who would have thought na may tutubong feelings?" natawawa kong saad pero bakas parin sa tono ang pait at sakit.

Ilang minuto ang lumipas ng hindi ako nagsalita kaya naisipan na rin siguro ni Oliver na magsalita. He's a good listener.

"I want to punch him." Nagulat ako sa isinaad nito.

Umayos siya sa pagkakaupo sa swing at nagpatuloy sa pagsasalita.

"He's lucky to have you, but he's so stupid not even realizing your feelings for him. Stupido." I bet he doesn't like Liam at all. Mukhang naiinis nga talaga ito dito.

"I hate seeing you cry just because of him. Why don't you just stop kung ano man iyang nararamdaman mo para sa kanya? Ikaw lang rin naman ang masasaktan. Besides, marami pa naman diyan ang lalaking may gusto sayo, na mas deserve ka keysa sa kanya. You deserve a man way better than him, Cat." Napatingin ako ng bahagya sa kanya habang siya naman ay matiim na nakatingin sa akin.

"Kung ganun lang nga ka simple yun Oliver ay nagawa ko na. Kung pwede ko lang diktahan itong puso ko na magmahal ng iba ay ginawa ko na, kaso hindi ganun kadali yun. At wala rin akong laban kung diktahan ko man ang puso ko kasi sa kanya mismo tumitibok ito. Sa kanya lang." saad ko sabay turo sa bandang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

Mapait itong napangiti.

"Basta Cat, kapag paulit ulit kamang nasasaktan ng dahil sa kanya. You can always come to me and rely on me. If ready ka ng mag move on. Come to me, I will always here for you"

I don't know but, Oliver seems to treat me like how Liam treats me back then. He's nice and I felt comfortable whenever I'm with him.

***

Last night was a tragic. Nahirapan pa si Manong Roger na hanapin ako at halos hindi na raw siya kagabi mapakali na kesyo daw may masama ng nangyari sakin. I felt sorry for him, pinakaba ko pa siya, mabuti na lang at nakita niya kami ni Oliver naglalakad pabalik sa hotel kagabi at ng makita ko rin siya ay hindi na ako tumuloy pa ng venue at umuwi na.

Hindi rin ako nakapagpaalam kay Eleanor kaya itinext ko nalang siya kagabi.

It was seven am and also it's Saturday kaya walang pasok. I also decided to just stay at home for the whole day since wala naman akong dapat puntahan.

I'm still lying down on my bed not minding to get up when my phone suddenly vibrated, it was on my table beside my bed so I grab it without standing up. I check it and my eyes widened when I see Liam's name on my phone screen.

He texted me!

'Hey, wanna hang out? We have a lot to talk about'

What should I do?

Should I reply?

Or just ignore it?

Magiging marupok ka nanaman ba Catiana? Or just act cool na lang?

Too little, Too late (Tragic Series #1) On viuen les histories. Descobreix ara