CHAPTER VI

5 1 0
                                    

WARNING

Might trigger your phobia and anxiety please do read carefully.

READ AT YOUR OWN RISK

————

This story is not yet edited, you may encounter some typos and grammatical errors.

☽︎☾︎

[Katniss]


Madilim na paligid, 'yon ang natatanaw ko ngayon. Ipinikit ko ang mga mata ko. At sa pagmulat ng mga ito'y hindi ko inaasahan ang aking susunod na nakita. Naka upo sila mama sa hapag kainan at nakapatong ang ulo ko sa hita ni papa.


"Anong problema," marahan na tanong nito.


"Wala po," sagot ko bago umayos ng upo at handa na sanang lingunin si papa ng biglang umiba ang paligid.


Nakatayo ako at nakaharap sa hapagkainan, nakatingin sila mama sakin, bakas sa mga mukha nila ang pagkalito.


"Anong problema?" Ngayon ay si mama naman ang nagtanong.


'Teka kailan pa ako nakauwi sa bahay?'


Biglang nag iba na naman ang paligid. Ngayon ay nakaharap na ako sa isang malaking salamin, pero ang mas ikinagulat ko ay yung nakita ko roon. Hindi ko makilala ang mukhang nakapaloob d'on.


'Bakit gano'n ang mukha ko?' tanong ko sa isipan.


Bago paman ako makapagsalita ay bigla akong nilamon ng kadiliman at ang puso ko'y parang pinipiga dahilan para mahirapan akong huminga. Wala akong ibang magawa kundi ang pumikit. Pagkamulat ko ay bumalik na naman ako sa pagkakapatong ng ulo sa hita ni papa.


"Anong problema?"


"Pa, nanaginip ako," parang batang sumbong ko


"Ano naman iyon?"

Umayos ako ng upo at handa na sanang lingunin si papa pero nag-iba na naman ang paligid. Nakatayo ako at nakaharap sa hapagkainan, naroon parin sila mama at nakatingin sakin. Sumunod ay ang nakaharap na katawan ko sa isang malaking salamin. Pagkatapos ay ayun na naman si kadiliman at parang pinipiga na naman ang puso ko.


'Panaginip…isa lamang itong panaginip' sabi ko sa isipan.


Lahat ay paulit-ulit. Nakaupo sa hapag sila mama, nakapatong naman ang ulo ko sa hita ni papa. Nakatayo ako at nakatanaw sa kanila. Nakaharap ako sa salamin. At kinain na naman ng kadiliman. Paulit-ulit na animo'y walang katapusan.


Nakaupo …


Nakatayo…


Nakaharap…


Kadiliman…


Hindi ko na alam kung totoo ba ito o isang malaking panaginip.

'Hindi ko ba talaga alam?'

"Gising!" Sigaw ng kung sino.

Napabangon ako sa higaan na puno ng pawis ang buong katawan. Madilim ang paligid, nilokob na naman ang puso ko ng kaba.

"Buti naman at gising ka na," biglang sabi ng kung sino sa may pintuan.

Nang buksan nito ang ilaw ay agad akong napapikit. Nang makapagadjust na yung mata ko ay tiningnan ko na yung nasa pintuan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zodiac HighWhere stories live. Discover now