CHAPTER III

13 1 0
                                    

WARNING

This story is not yet edited and you may encounter some typos and grammatical errors.


☽︎☾︎

[KATNISS]


"Katniss tara na sa hall para mananghalian," tawag sakin ni Blare na nakadungaw sa may pinto.

Nagbihis muna ako ng puting t-shirt at mahabang pang-ibaba tutal wala naman nang pasok. "Nandiyan na,"

Nang makalabas kami ay marami-rami narin ang mga estudiyanteng nagsisilabasan sa kanilang mga silid. Magsasalita na sana ako ng mapansin kong wala na si Blare.

Kailangan ko na talagang makapag ikot, lagi nalang siyang nawawala bigla. Wala akong nagawa kundi sundan nalang ang ibang estudiyante. Nang marating ko ang hall daw na sabi ni Blare na naroon ang kantina ay agad akong kumuha ng malalagyan ng pagkain, kumuha ako ng kanin, adobo, dalawang pirasong hita ng manok, at isang bote ng tubig. Naghanap ako ng pu-pwedeng pwestuhan ng may kumalabit sakin.

"Hi," nakangiting bati niya pero tinignan ko lang siya. "You're Katniss right?" Pamilyar sakin ang mukha niya, parang nagkita na ata kami.

"Ay sorry, I'm Haliya Soleil West, Liya for short. Ako yung nakasabay mo sa karwahe," nakangiti parin sabi niya.

Ahh...siya yun

"Okay lang naman sayong umupo nalang sa table namin 'di ba?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot saka marahan niya akong hinigit patungo sa table nila.

"Guys I would like y'all to meet Katniss," pakilala sakin ni Haliya.

"I know her"

"I know her"

"I know her"

Sabay-sabay na sagot ng tatlong lalaki, sina Angelo, Klint, at Dristan saka nagkatinginan.

"Seriously?" Yamot na tanong ni Haliya. "Ugh! Fine, that's Trace Sylvester Albinie and the girl beside him is Vhence Sylvier Albinie his younger sister," pagpapakilala niya dun sa dalawang magkapatid.

Tinignan ko sila pareho. Si Trace ay may itim na itim na buhok at yung kapatid niya naman ay may madilim na kayumangging kulay ng buhok o dark brown hair. Pareho silang singkit ang mga mata pero may mga parte rin silang hindi magkapareho, makapal ang kilay ni Trace habang manipis naman yung kay Vhence. Matangos ang ilong ni Trace at yung kay Vhence naman ay sakto lang na bumagay sa maliit niyang mukha na hugis itlog. May seksing manipis at mapulang labi si Trace habang si Vhence naman ay may pinkish na hugis pusong labi. Sa unang tingin masasabi mong  ngang magkapatid talaga sila. Ang una mong mapapansin sa kanila ay yung kanilang mata. Walang ekspresyon ang mata ni Trace habang si Vhence naman ay mayroong bored at malditang mata.

"Nice to meet you," walang ka emo-emosyong sagot nung Trace at walang ganang tingin naman ang ibinigay ni Vhence na animo'y bagot.

"Come on let's sit, para makakain na tayo." sabi ni Haliya. 

Nang pareho na kaming nakaupo ay nagsimula na rin kaming kumain. Nakakadalawang subo palang ako ng biglang tumunog ang malaking speaker.

Zodiac HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon