CHAPTER I

31 2 0
                                    

WARNING

This story is not yet edited you may encounter some typos and grammatical errors.

☽︎☾︎


[KATNISS]


"Nariyan na ba't nakahanda ang lahat ng kelangan mo?" Tanong ng babaeng mahaba ang buhok at may hawak na tungkod na nagsisilbing gabay nito.

"Hindi– may kulang pa," mabilis kong tinahak ang daan patungo sa kwarto ko at kinuha ang parisukat na lalagyang kahoy sa loob ng lumang aparador saka bumalik.

"Mag–ingat ka sa paglalakbay," mahinahong saad nito.

"Ohu," tipid kong tugon.

Kinapa niya ang bulsa ng suot na bistidang kulay krema at may kinuha roon, iniabot niya ang pinaka-iingat-ingatan niyang kwintas na may pendant na maliit na crescent moon.

"Dalhin mo ito. Huwag mong iwawala," paalala niya.

"Opo, aalis na ako," paalam ko rito. Isinuot ko ang kwintas at itinago sa ilalim ng damit saka isinukbit sa balikat ang may kalakihang bag at lumabas ng bahay.

Tumingin ako sa paligid. Paniguradong ma-mimis ko ang lugar nato. Ang mga naglalakihang punong nakahelera na naging dahilan para mas lalong nagpadilim ng madaling araw. Mga bulaklak na nagsasayaw sa ilalim ng maliwanag na buwan. Huminga ako nang malalim at nagsimula ng maglakad na huminto rin ng marating ang nagsisilbing bakod ng bahay na abot bewang lang ang taas. Tinanaw ko ang nagsilbing tahanan ko ng labing-pitong taon, simple lamang iyon at gawa sa bato ang pader. Sa bukana ng pinto ay naroon ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko.


"Pag makabalik ba ako , andiyan ka parin at naghihintay?" may kalakasang tanong ko.

"S'yempre naman," kahit medyo malayo ang kinaroroonan ay alam kong nakangiti ito.

Pinakatitigan ko siya, ang mahabang bistida...mahaba at itim na buhok...mga matang natatabunan ng tela na isang beses ko pa lang nakita sa tanan ng buhay ko. Napangiti ako.

"Pangako babalik ako at dadalhin ko siya!" masigalang sambit ko. Isinoot ko na ang talukbong ng aking balabal at nagsimulang maglakad.

"Aasahan ko ang pagbabalik niyo," rinig kong bulong nito sa hangin.

Binagtas ko ang delikadong kagubatan, hindi ko na sinindihan ang lamparang dala ko dahil narin sa maliwanag na sinag ng buwan. Malapit ng sumikat ang araw ng marating ko ang bukana ng gubat, tumingin ako sa paligid wala masyadong tao. Sino ba namang matinong tao ang pupunta o gagala sa gubat ng Fenrir? Ang kilalang pinakadelikadong gubat sa bayan ng Ymir.

May malaking kahoy na nakausok sa gilid ng isang malaking puno. "BABALA: MGA MAPILIGRONG HAYOP" ang nakaukit dito. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga saka nagpatuloy. Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay bumungad sa'kin ang mga kabahayan ng bayan. Wala paring pinag-bago, kagaya parin ito ng dati maingay, matao, at masaya. Para hindi makahatak ng atensiyon ay binilisan ko ang paglalakad patungo sa isang bilihan.

"Sarado kami ngayon, pasensiya na," seryusong sabi ng lalaki habang tinitignan ang mga papel na naka rolyo.

"Para sa isang tinapay ipagdadamot mo pa?" nakangiting turan ko , umangat ang kanyang tingin at biglang ngumiti.

Zodiac Highजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें