Chapter 1: Unknown Number
Dane Jarett’s POV
Papunta ako ngayon sa Coffee shop na pag mamayari ng pamilya ng Bestfriend kong si Lukas Simeon
I just wanna hang out with him....
Sa mga nakalipas kasing buwan ay di na kami masyadong nag kakausap because of my schedule...
Pag kababa ko ng kotse ko ay nakita ko na kaagad siya, sa labas ng coffee shop
he's talking to someone on his phone
Pinagmasdan ko lang siya hangang sa binaba na niya ang phone niya, kaya linapitan ko na siya....
“Bro!” Saad ko....
Bakas sa expression niya ang pag kabigla....
“O, Dane!” Sabi niya sabay manly hug...
“Napunta ka dito?” Tanong niya
“Bawal bang bisitahin ko ang Bestfriend ko?”
Nag-iba naman ang timpla ng Mukha niya
Parang nandiri na kung ano...
“ Yuck pare! Ang bading mong pakinggan!” Nag hand gestures pa talaga
Inakbayan ko na lang siya papasok sa coffee shop sabay iba ng topic...
“Pre, Sino yung kausap mo sa phone kanina?”
Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay tumawa siya...
“Chismoso ka na pala ngayon?” natatawang saad niya...
“Tsk, mukhang seryoso ka kasi kanina eh!”
“Wala yun! Oh order ka na! Punta lang ako dun sa usual table natin!”
Tumango na lang ako....
Likas talagang palabiro si Lukas at kung di mo siya lubusang kilala ay mayayabangan ka pa at malamang sa malamang ay mapipikon sa mga pinagsasabi niya. Pero ako hindi eh, sanay na ako sa kanya, Bestfriend ko nga siya pero ang turingan namin sa isat isa ay parang magkapatid, alam ko kung anong nang yayari sa buhay niya at ganun din siya sakin...
--------------
“kamusta ang buhay pagibig?”
Pam bungad ko sa kanya habang linalagay ang mga in-norder ko sa table...
“ Langya pre! May waiter, tas ikaw ang gumagawa niyan! Wag mong sabihin yan ang bago mong trabaho?"
Kanina pa to...
parang umiiwas sa mga tanong ko...
“tss, sagutin mo na lang ang tanong ko” Sabi ko sabay upo...
Natahimik siya bigla at napa iwas tingin...
“ Wala”
Yun lang ang sagot niya....
“ Wala o Wala na?”
“ Wala na!” Sabi niya sabay sip sa Shake na inorder ko...
“ Oh, bakit anong nangyare dun sa ... sino ba yun?..."
Nabalitaan ko kasi na may girlfriend na tong si lukas...
“Wala yun! Di nag work ang relationship namin eh...kaya ayun I broke up with her...”
“Siya ba yung kweni-kwento mo sakin na babae?” tanong ko..
Bago niya sagutin ang tanong ko ay ngumiti siya, but not like the smiles he usually gives....ngiting malungkot ang kanyang ibinigay ngayon...
“Hindi... Best friend ng ex ko ang babaeng mahal ko..”
Napakunot ako ng noo...
“ano? Ang labo mo naman! Ex mo yung bestfriend ng mahal mo? Eh bat mo niligawan kung di mo naman pala mahal?”
Nagtatakang tanong ko...
“Akala ko mag wo-work ang plano ko eh, i wanted Van to get jealous... at akala ko mapapagselos ko siya kung magiging kami ni KC pero di eh...”
“van? KC? Si van ba ang babaeng mahal mo? Si KC yung linoko mo? bro what you did is wrong! maling mali!”
Sabi ko na umiiling...
“I know.. pero nagawa na eh...” sabi niya sabay iwas tingin
Isang nakakabinging katahimikan ang nagbalot sa amin...
Kaya iniba ko na ang topic..
“Ah.. Pre.. mamaya manunuod ka ng concert ko?”
Tining-nan niya ako sabay
“Gago, nakakairita kaya ang boses mo.... sawang sawa na ako sa boses mong kada kanto kong naririnig!”Natawa na lang ako...
buti at bumalik na yung malokong lukas, kanina kasi ang tahimik niya at halatang di niya ginusto na saktan yung KC
“ so hindi ka pupunta?”
Hinawakan niya ang mukha ko na parang may hinahanap o parang may chi-ce check...
“San na ang utak mo pre? Naiwan mo sa bahay niyo noh? Abay kakasabi lang! Common sense pre common sense!”
“Gago!”
Natatawang sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa mukha ko...
"Sige pre! Alis na ako, may grand rehearsal pa ako para mamaya!”
Tumango lang siya...
------------------
Pag sakay ko sa kotse ko ay narinig ko ang phone kong nag riring...
Naiwan ko kasi ang phone ko sa kotse...
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag..
“Unknown Number?”
Pag katapos mag ring ay tiningnan ko ang screen ng phone ko...
“Hala, 26 Missed calls?”
Lahat yun galing dun sa unknown Number...
i-sstart ko na sana ang kotse ko kaya lang ay nagring ulit ang phone ko....
Siya na-naman...
Napagisipan kong sagutin na ang call niya kahit na may posibilidad na
Wrong Number lang siya....
YOU ARE READING
Wrong Number
RomanceKara Charlotte and her Boyfriend, Lukas Simeon just broke up, and the Heartbreaking thing here is he broke up with her on the line! on the other hand, Kara is a fan of one of the most famous teen actors of this generation, Dane Jarett, on that same...
