Lagi din sya nakatawag sakin o kaya videocall. Never nyang ini-open up sakin yung nabasa nya sa envelope. Parang wala syang pakielam sa totoo lang.

Imbis parang lalo nyang pinagbutihan at parang nanliligaw pa din sya sakin.

Normal.

Yan yung pinaparamdam nya sakin at okay lang ang lahat.

Lalong nadarag ang isip at puso ko ng dahil sa isang tawag mula kay Axcel. Sa totoo lang pinag iiwasan ko na sya makita at itong tawag nya kaya ko lang ito sinagot dahil sa text nya na kung ibig ko daw malaman ang lahat.

"Sorry that I didn't tell you.... ayoko lang na mailang ka sakin kaya hindi ko sinabi sayo na anak ako ng isang senador...." saad nya sa kabilang linya at bakas sa boses nya yung regret doon.

"Paano mong nalaman yung sa bata?" lakas loob kong tanong para mabawasan man lang yung isipin ko.

"Inalam ko.... lahat inalam ko patungkol sayo dahil gusto ko.... dahil may dahilan ako." saad nya. Bumalot ang isang nakakabinging katahimikan ilang saglit. Nakakaramdam ako ng galit.... galit dahil nanahimik na puntod ng bata iyong ginulo nya....pero wala akong karapatan at umasta na magalit dahil in the first place ako ang dahilan bakit sya nakalibing doon.

Nanghihinayang yung boses nya ng ituran nya sa akin iyon. Naalala ko yung mga panahon na guess sya sya sa hotel ng mga Kaye sa Cebu. Laging natataon na sya yung nakakasabay ko sa elevator at upset o malungkot ako. Maiiksing pag uusap lang iyon pero lagi nyang pinapagaan ang loob ko. Naramdaman ko na mabuti syang tao kaya pumayag akong maging magkaibigan kami pero bakit ganito silang mayayaman.

"At first.... it's all about your eyes.... yung namatay kong boyfriend ang nagdonate nyan sayo.... Nakaindicate sa will nya na sayo ibigay iyang mga mata na yan. Nakita ka nya dati dahil yung tatay mo ang tumulong sa kanya noon sa Palawan." kwento nya. "Gusto ka din makita ng Mama at Papa nya kaya lang hindi pa sila makauwi ng Pilipinas dahil sa negosyo nila at sa takot sa mga Altamirano...."

Doon ako natahimik. Kaya ba unknown yung donor ko? Pero naguguluhan ako bakit ako yung nasa will nya? Masyadong malalim ba yung pagsasamahan nila ng tatay ko para isama ako sa will na yun. Hindi ko mai open lahat sa kanya ito dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko.... natatakot ako sa sagot bakit nangyare lahat ng ito sakin.
Hindi ko makita sa mga Altamirano na dapat sila katakutan dahil sobrang bukas ang mga palad at puso nila sa pagtulong... kaya hindi ko maintindihan bakit kailangan pang siraan sila sa akin.

"Nahulog sya sa isang mataas na building na pagmamay ari ng pamilya ng boyfriend ko.... Still it's under investigation dahil base sa autopsy nya ay may mga pasa sya sa mukha at katawan....." kwento nya.

"Pinatay ba sya? yun ba yung tinutumbok mo?" lakas loob kong tanong dahil parang hindi ko kakayanin na pinatay ito para lang magkaroon ako ng donor para makakita lang ako.

"Someone push him......" saad nya na kinahinto ko. "Someone killed him...."

Sana mali yung hinala ko. Itong mga matang ito ay sinadya na mapunta sa akin. Isa isa ng tumatagpi sa isip ko lahat ng nangyare noon.

.....
Dumating si Kaia isang umaga at ipinagpaalam nga nya ko kina Ma'am Roian na mamasyal kaming dalawa. Mauutas daw ako kung lagi lang akong nakakulong sa kwarto ni Roi. Lalo ko lang daw mamimiss si Roi sa kakakulong ko sa kwarto nya.

Dinala nya ako sa isang museum. Wala daw kase syang kasama na magpunta dito kaya naisipan nya na ako ang isama.

Malaki ang pagkakaiba nilang magpinsan sa totoo lang. Kung ano kase yung kalokohan ni Roi ay sya namang kinabait ni Kaia. Sobrang friendly ng awra nya para sakin.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now