"Bakit ka naman malalate? Ano bang meron? Magsabi ka nga sakin ng totoo, Xanth!" saad ko sa anak ko, nagtataka na kasi talaga ako kung bakit lagi nalang siyang excited pumunta sa bahay ng mga Vandeleur.

"Eh kasi papa, big na yung alagang snake ni tito Aizen. Sabi ni tita Ruwi mag e-exhibition daw si uncle Aizen kasama ang snake," sagot ng anak ko na ikina-ngiwi ko.

Nasa pangangalaga na kasi ni Ruwi ang ahas na ni regalo ni Aizen sa anak ni Salem. Hindi ko alam kung anong trip sa buhay ni Ruwi at ang daming hayop sa bahay niya. Hindi ko malaman kung bahay pa ba o jungle na.

Pag pasok palang sa bahay niya ay may naka abang na agad na lion, kung hindi pa hahawakan ni Lorcan ang kadena ng lion kapag pumupunta ako ay baka matagal ng nasakmal ang pang-upo ko.

Sumakay kami agad sa kotse saka ko binuhay ang makina at pina-usad. Panay ang tingin ko sa rear view mirror ng mapansin ko na parang may sumusunod samin na naka sakay sa motor.

Hindi ko nalang pinahalata kay Xanth pero naka alerto ako kung sakali. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas kami sa simenteryo at lumiko ang lalaki sa ibang direksyon.

Pagdating namin sa harap ng bahay ni Ruwi ay agad lumabas ang anak kong si Xanth na hindi man lang ako hinihintay. Pinagmasdan ko nalang siya na kinakawayan ang tito Salem niya na nakatayo sa labas ng gate saka 'to tuluyang pumasok. Napa-iling nalang ako saka ako bumaba ng kotse. Naglakad ako papunta kay Salem na parang timang na nakatayo sa harap ng gate.

Tinapik ko ang likod ni Salem dahilan para mapalingon 'to sakin. "Sinong sinisilip mo dyang animal ka?" tanong ko sakanya.

Bumuga naman 'to ng hininga saka hinilot ang sentido niya. "Hindi ako makapasok eh," sagot niya saka tinuro ang malaking lion na naka upo sa di kalayuan. Naka harap pa 'to sa gate at nakatingin sa gawi namin ni Salem.

"Pano ako makakapasok sa loob kung may malaking daga na nag babantay," saad ni Salem. "Kanina pa ako inutusan ng asawa ko na pauwiin ko na daw si Hannah. Pero, putangina. Hindi ako makapasok," reklamo niyang sabi.

"Wag ka ngang tumawa," sabi niya sabay turo sa nuo niya.

"Na pano yan?" tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko.

"Tumama lang naman sakin ang lumilipad na tsinelas ni Courtney dahil hindi niya ako mautusan kahapon," saad niya kaya natawa ako.

"Akala ko ba magaling kang umilag?" naiiling kong sabi.

"Magaling nga! Pero sa tsinelas ni Courtney hindi," sagot niya kaya natawa na naman ako.

"Mga pre!! Sinusundo niyo din ba mga anak niyo?!"

Biglang sulpot ni Lucifier sa likod namin ni Salem sabay akbay sa balikat namin.

"Kanina pa ako dito," saad ni Salem.

"Mauna ka kayang pumasok, Atticus. Wala namang nag mamahal sa'yo kaya ayos lang na malapa ka," saad ni Salem kaya masama ko siyang tinignan.

"Eh, kung sakalin kaya kita," saad ko.

"Tragis naman kasing bantay yan, kahit magnanakaw aatras kapag nakita ang guardya ng bahay ni Ruwi," saad ni Lucifier.

"Bakit.. kanina pa ba si Lufhier sa bahay ni Ruwi?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Kanina pa. Hindi na nga nag almusal sa bahay," sagot ni Lucifier.

Bigla kaming napa-atras tatlo ng makita naming tumayo ang lion at naglakad papunta sa gate.

"Nasaan ba kasi care taker ng lion na yan," inis na sabi ni Salem.

"Hanap mo ko?" biglang sulpot ni Lorcan sa gate habang kumakain ng cornetto.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon