"C'mon, we should go home now." Tawag nito saakin, at nag-umpisa ng maglakad na agad ko namang sinundan.

Napaka-tahimik ng paligid dahil walang katao-tao mabuti na lamang maraming ilaw sa hallway kaya hindi ganoon kadilim.

Tahimik lamang kami habang naglalakad patungong parking lot.

Nang makarating kami sa parking lot, dire-diretso lamang ito sakanyang sasakyan pawang nagmamadali na makalayo saakin.

Pinanood ko lamang itong pina-andar ang kanyang sasakyan palayo at iniwan ako rito mag-isa. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at sumakay na rin sa sasakyan ko pauwi.

Nang makarating sa mansion sumalubong saakin ang ibang mga kasambahay na naglilinis sa living room.

Napatingin ang mga ito saakin at binati ako na tinanguan ko lamang at naglakad na paakyat sa kwarto ko ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang mga pag-habol ng tingin nila sakin habang may sinusupil na ngiti sa kanilang mga labi ang iba pa ay tila hindi makapaniwala ang mga muka habang nakatingin saakin na agad namang ikinakunot ng noo ko.

Nagmadali akong umakyat sa hagdan, papasok na ako saaking kwarto ng makita ko si Walter na palapit na saakin ngayon.

"Ma'am, an Attorney came here earlier she said she's your friend and asked me to give you this." Walter handed me a small envelope.

Kinuha ko ito, mamaya ko na lamang bubuksan.

"Attorney who?" Tanong ko rito.

"Attorney Armani ma'am." Sagot nito habang titig na titig sa muka ko.

May dumi ba sa muka ko?

"Okay." Tipid na lamang na sagot ko rito at agad ng pumasok sa kwarto ko.

Inilapag ko ang pulang sobre na binigay saakin ni Walter sa table ko bago pumasok sa cr para tingnan ang aking reflection sa salamin dahil hindi na ko mapakali dahil iba talaga ang binibigay na tingin saakin ng mga tao rito sa bahay.

"What the hell is this?" I muttered as soon as I saw my reflection on the mirror.

There's a lot of fucking kiss marks on my face! Halos mapuno na ang buong pagmumuka ko ng pulang lipstick na may hugis ng labi!

Napasabunot na lamang ako sa sarili ng maalala kung paano pamulahan ng muka si Chiara kanina tuwing mag tatama ang aming mata pati ang mamula-mula nyang mga labi at tila pagpipigil ng ngiti.

Napakamot na lamang ako sa kilay ko ng maalala ang mga muka ng aking kasambahay na nakakita sa itsura ko kanina. Kaya pala ganoon na lamang ang mga tinging ibinibigay nila saakin marahil ngayon lamang nila ako nakita sa ganoong lagay kaya't nagtataka silang lahat.

Damn.

Ramdam ko ang pag akyat ng init sa leeg ko papunta sa aking muka. Pulang pula na ang muka ko ngayon. Ano na lamang ang mukang ihaharap ko sa mga tauhan ko bukas?! Aish, Chiara!



Katatapos ko lang maligo at halos mamula na ang pisngi ko kakakiskis para lang maalis yung mga kiss marks sa muka ko. Ano bang klaseng lipstick ginamit ng babaeng iyon at bakit ang hirap alisin.

Dumapo ang tingin ko sa sobreng inabot saakin ni Walter kanina. Kinuha ko ito bago binuksan upang basahin kung ano man ang nakasulat sa loob.

It's an invitation letter.

It's a birthday party of her mother and she's inviting me to be her date. Also a masquerade theme.

Birthday of her mother?

A smirk formed on my lips as I dialed the number that was also written on the letter.

It says here that I should call the number if I agree to be her date, so I'm calling her right now.

Nakakadalawang ring pa lamang pero agad nang may sumagot sa tawag.

"Hello sweetheart." Bungad nito, pawang alam na alam na kung sino ang tumawag sakanya.

I let out a small giggle upon hearing the excitement on her voice.

"Stop giggling, you sound sexy." I heard her say, na agad ko namang itinigil.

"I received your letter." I responded.

"I see, and you dialed this number. So, you're my date now."

" Yes, but when is it? You didn't put the date here. "

I looked at the letter again and read it, puro kasi kalokohan niya ang nakasulat at mukang nakalimutan pa ilagay kung kailan magaganap ang kaarawan ng kanyang Ina.

I heard her elegant laugh at the other line. Elegant talaga dahil ang ganda pakinggan, tapos parang ang disciplined pa ng pagtawa niya kahit hindi ko ito nakikita dahil ang sarap pakinggan.

"Oh my bad. I was so excited to send you the letter, by the way it's on Saturday. I believe you don't have class during Saturdays so you don't have excuse to ditch me."

"I don't have plans on ditching you, don't worry."

"I'll fetch you too. "

" You can just send me the address so that I can go there without bothering you. "

" You're not a bother to me Avice. " I can hear softness on her voice.

Dahan dahan akong humiga sa kama habang nakadikit pa rin ang cellphone saaking tainga.

" I know, I'm too cute to be a bother. "

" Silly. You're more than cute."

A smile slowly crept on my lips.

This woman knows how to flatter someone.

"Careful there, I might seal your sweet lips with mine if you keep talking like that." I responded while smirking over the phone.

Napatingin ako sa hawak kong cellphone ng wala akong marinig na response mula rito akala ko ay nawala na ang tawag ngunit ongoing pa rin naman ito pero hindi siya nagsasalita.

Magsasalita na sana ako ulit ngunit pinatay na nito ang tawag, pero pawang nakarinig pa ako ng impit na tili sa kabilang linya bago ito maputol.

Agad naman akong nakareceive ng text message from an unknown number binuksan ko ito at binasa.

+6390974*****

Stop being a tease, don't blame me if I come running into your house in the middle of the night the moment you say something like that again.

+6390974*****

By the way it's me, Alessia Armani. Save my number pretty handsome, good night. Wet dreams baby :*

+6390974*****

Oh, you don't get wet pala. Just dream of me then.

I burst into laughter as soon as I finished  reading her text messages.

This woman is crazy.

Napa-iling na lamang ako habang kinakagat ang ibabang labi, pinipigilan ko ang pag-ngiti dahil natatawa pa rin ako sa mensahe nito, naalala ko nanaman ang ginawa saakin nito sa Golden Tower.

No Attorney, you're the one who's being a tease here. And you are making my plans easy.

I stood up to get the letter, I crumpled it before throwing it at the trashcan near my study table.

" I guess I'll get ready now to meet your mom. Oh, Mrs. Armani your daughter is such a good girl, advance happy birthday to you. " I whispered to myself while smirking as I saved her number.

Sweet Vengeance Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin