Special Chapter: The end

5.8K 105 3
                                    

Sorry for the late update, dapat kagabi 'to, e, kaso I've got a fever, kaya ngayon lang.

Kaunting commercial lang din. Dapat tapos na 'to, e. Isa lang dapat yung magiging special chapter but... It's my birthday today and umabot na ng 143k reads ang MSTIMCH kaya here's my gift to all of you.

P.s sorry sa grammatical error.

_____

The last special chapter

"My, where's my dress po?" Tanong ni Brielle sa akin habang may hinahanap sa closet niya.

"Nandito sa kama, anak. Nasa loob ng box." Sagot ko.

Debut ni Brielle ngayon. Gusto ko nga na sabay sila ni Bruno kaso nga lang ay pagka-21 pa ang debut no'n. Kaninang umaga ay nag-celebrate kami ng birthday niya dahil ayokong isabay sa debut party ni Brielle.

Magtatampo 'yon at sasabihin niya na naman na inaasar ko siya, hindi naman totoo. Pero dinahilan niyang noong 7th birthday nila ay pinagsoot ko siya ng pink na damit, terno. 'Yon naman talaga ang pinili nilang theme. Kasalanan ko ba 'yon?

Blue ang suot ni Brielle at Pink ang kaniya, wala namang mali ro'n, a?

"My, o, si Kuya inaasar ako." Tumingin ako sa gawi nila. Napatigil naman sa kung anong ka-che-che-buretshehan si Bruno.

Ngumiti lang ito nang panglakihan ko ng mata.

"Gusto mo bang mag-dress din, Bruno?" I asked him. Napalunok naman ang bata.

"I was just playing with her, mom." He answered.

"Hindi 'yon laro, kuya." Sabat ni Brielle.

"Sorry, okay? Sorry." He hugged Brielle. Lumapit din ito sa akin at niyakap ako. "Sorry na, my."

"Ako, kuya? Wala akong kiss?" Tanong ni Erci. Nasa tabi ko ito, naglalaro.

Tumawa si Bruno, "Of course, meron!" Binuhat ni Bruno ang kapatid tsaka hinalikan ang noo nito.

Naiwan sa loob si Brielle, mamaya na siya lalabas kapag may cue na ang host. Katabi ko ngayon si Drake at hindi ko mapigilang hindi maiyak. My babies are now in their legal age. Malapit na silang umalis sa puder namin ng daddy nila. Gano'n din si Erci sa susunod na mga taon. Sino na lang ang maiiwan sa amin ni Drake kung lahat sila ay magsisipag-asawa na kapag tumanda na sila.

"Love, are you okay?" Tanong ni Drake. He handled some tissue paper to me.

"I'm just happy, love." Ngumiti ako sa kan'ya, "Look, parang kahapon lang baby pa sila. Pero tingnan mo ngayon, ang lalaki na nila; masipag, mabait, at marespeto." Huminto ako saglit para punasan ang luhang parang nagkakarerang tumulo. "We're so lucky to have them, love."

He nodded, "Yes, and that's because of you." Hinalikan niya ang labi ko. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi magiging gan'yan kabait ang mga anak natin. You've sacrificed a lot, love. And thank you for that, I love you." We we're about to kiss when suddenly the host cough.

"Ehem, so start na po tayo?" Napatigil kami at napatingin sa mga bisitang kanina pa pala nakatingin sa amin. Natawa na lang kaming lahat.

Nakakahiya!

She will be love and intro na music where Brielle went out of the house wearing her elegant floral mint green gown. She looks  exquisite and mature.

Napatingin ako sa lalaking sobra kung ngumawa, inaalo siya ng asawa niya. Si Driko na akala mo, e, siya ang magulang ni Brielle kung makaiyak, wagas.

"Tito Ninong, we're not in the funeral po." Sabi ni Erci sa kaniya na kinatawa naman ng asawa nito.

"Okay lang 'yan, baby, overacting lang talaga si Tito Ninong mo." Sumimangot si Drake, "Akala ko ipagtatanggol mo ako."

My Serious Teacher Is My Clingy Husband [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن