Prologue

41.4K 570 12
                                    

Ang sabi nila masaya magkaroon ng kasama sa buhay yung makakasama mo sa hirap at ginhawa.

Ako si Erika Jayne Miranda-Cosgrove. Yes, ganyan na ang apelyido ko dahil kasal na ako.

Asawa ko si Dylan Drake Cosgrove. Isa na siyang professor sa pinapasukan kong school.

Kakagraduate niya lang last 2 in a half years ago. Second year college palang ako no'n. Pero sa school.. hindi gan'yan ang apelyido ko, Erika Jayne M. Cosgrove ang name ko sa school. Yung iba nga napagkakamalan na kuya ko si Dylan.

Pero hindi, asawa ko okay? Asawa ko.

Last year lang kami kinasal, it was a private wedding. Both of our family and relatives lang ang nakakaalam no'n. We need to make it private dahil nga baka magtaka yung iba na bakit ang aga kinasal nito? Ang bata pa eh. Tsaka sa school na pinapasukan ko ay doon siya nagtatrabaho.

Ang rule namin ay pagka sa school ay normal na estudyante niya lang ako at professor ko siya. Kapag nasa bahay naman kami ay pwede na namin gawin yung mga ginagawa ng mag asawa like yung cuddles, sabay gagawa ng household chores at iba pa.

Pero 'di pa insert dyan yung magkakaroon kami ng anak, ha! Ang napag-usapan kasi namin ay kapag naka-graduate na ako, nakahanap na ng school na pagtatrabahuhan at 'pag okay na ang lahat. Pwede na kami bumuo ng sariling pamilya.

Masyado pa kasi kaming mga busy dahil nga papatapos palang ako sa college course ko at sobrang daming pinapagawa. Habang si Dylan naman maraming ina-asikasong trabaho hindi lang sa University kun'di sa negosyo nila.

Hindi naman sa ayaw kong magka-anak ngayon. Pero kasi mas maganda kung makatapos muna ako sa pag-aaral para mas maalagaan ko ang mga magiging anak namin ni Dylan.

______________________________________________________

My Serious Teacher Is My Clingy Husband [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant